pag uwi ko nagulat si mama "di pa ba kayo magkasama?" "huh kayo? anong tinutukoy mo mama" sagot ko.
iniisip ko kung ano tinutukoy ni mama "si aldrin! anjan na bumalik na siya kanina lang!" "huh? seryoso ka ba mama" sumagot ako habang natatawa. "sinabi ko sa kanya na sa tabi ka ng kalupaan ng kalolohan mo makikita niya ang windmill don sa tabi at dun ka matatagpuan" bigla akong naganahan sa mga sinabi ni mama at tila ba di makapaniwala sa ngyayari dahil dko akalain na sasabihin ni mama na andito na si aldrin.
ginawa ko tumakbo ako pabalik kung nasaan si aldrin, habang tumatakbo ako naluluha ako sa sobrang saya, "wala akong maisip kundi yakapin siya ng mahigpit pagnakaharap ko na siya...
pag dating ko don diko makita si aldrin wala siya sa lugar na yon
ang sabi ni mama dito siya nag punta pero wala siya..., napaisip ako na baka siya ay nasa tabing dagat para puntahan ako.ngayun tumakbo ako papuntang dagat para alamin kung naroroon ba siya at nag aantay para sa akin...
"malayo pa lang sinisigaw ko na ang pangalan niya"
malayo p lang kita ko na tila walang tao sa tabing dagat pero sinigurado ko na baka naglalakad lakad lang siya kaya pumunta na ako don malapitan sa dagat.pero walang tao ni isa hindi ko alam kung pinagtritripan lang ako ni mama, umiyak ako kase kala ko andito na si aldrin para makita ako pero hanggang ngayun wala parin siya at di pa bumabalik.
ayokong sumuko sa pagaantay sa kanya siya lang ang hinahanap ko sa ngayun. "a-aldrinnnn!!! nasan ka!" pasigaw kong sinabi.
"nasan ka na ba kase aldrin" pabulong ko. "andito ako, lumingon ka" isang malalim na boses ng isang lalaki na nagsalita mula sa likod ko nagulat ako at napaisip kung sino ang nag salita.
humarap ako para makita ang mukha ng isang lalaki......
YOU ARE READING
after all this year
RomantikThis story is about the love you seek to find from him hope you guys read this specially for BTS fans 💜 this story is about the two lover