Prologue

4 1 0
                                    

"Katana nandyan na yung driver na susundo sa atin." sabi ni Joyce.Ano ba naman tong si Joyce laging wrong timing,kung kailan nag iinit yung halikan namin ni Luke tsaka sisingit.

Tinulak ko si Luke para maka alis na ako.Ngumisi naman siya.

Si Joyce ang anak ng aming dating hardinero kaso namatay nga lang kaya si Mommy na ang kumupkop sa kaniya.Si Luke naman ay ang aking fling,galing siyang sa mayamang pamilya kagaya ko but barumbado siya.

Lagi nga akong pinapagalitan ng mga magulang ko dahil lagi akong nasama kay Luke eh bad influence daw yon.

Well lagi namang wala ang mga magulang ko sa mansion namin dahil palagi silang nasa company.Kaya imbes na maboring ako mag isa dito sa may bahay ay sumasama ako sa mga kaibigan tuwing nag liliwaliw sila.

Inayos ko ang aking buhok at kinuha ang aking bag.

Pagkalabas ko ng aming building ay bumungad saakin ang aming sasakyan.

"Kuya Lando daan muna tayo sa Mall may bibilhin lang ako." utos ko sa driver.

"Ok señorita."

Pagka dating namin sa Mall ay dumiretso ako sa isa sa pinaka paborito kong pamilihan ng damit at sapatos.

"May gusto ka Joyce?" tanong ko.

"Uhm...wala." sabi niya sabay ngiti.

Tumango lang ako at namili na ng mga damit.sunod ko namang pinili ay ang mga sapatos.You know what? Tuwang tuwa ako tuwing nagsho shopping ako.Feeling ko kasi nakakapagpabawas ito ng kaboringan ko sa bahay.

Sunod naming pinuntahan ay ang cosmetics.

"Joyce why don't you try to put some lip gloss on your lips? Muka tuloy ikaw maputla,ang puti puti na nga ng balat mo ang putla pa ng labi mo." suggest ko.

"Hindi kasi ako sanay eh hehe,tsaka dagdag gastusin ko lang yun." sabi niya.

"Tss...Bibilhan kita,gusto ko gamitin mo ito ah." sabi ko.

"Ay talaga? Thank you." nakangiting sabi niya.

Ngumiti lang din ako.

Pagkatapos kong bayaran lahat ng kinuha ko ay pinuntahan ang pinaka paborito kong bilihan ng bags at wallets.

Tatlong lang ang nabili kong bags tas dalawang pirasong wallet lang dahil di ko masyadong gusto yung mga labas nila ngayon,next time nalang kasi padating na din yung mga new stocks nila.

Pumunta din ako sa national book store para bumili ng mga ballpens at kung ano ano pa.Well mahilig kasi akong mag scribble kaya ubos lagi tinta ng ballpen ko.Lalo na pag boring yung teacher namin,wala akong ginawa kundi mag sulat ng kung ano ano sa papel.

"May kailangan ka ba Joyce?Kuha kalang,ako naman magbabayad." sabi ko.

"Uhm..bibili sana ako ng pang project namin tsaka ng notebook,dami kasing pinapasolve sa math." sagot niya.

"Sure,go ahead intayin nalang kita dito." sabi ko sabay ngiti.

Nag pili pili pa ako ng mga sketch book na pwede kong pag drawingan at ng ilan pang gamit sa paintings.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Richness (Good Lips Series #2)Where stories live. Discover now