Trip to my crush's former school

21 0 0
                                    

Dumaan ang mga araw at mas naging close kami ni Paulmar

Kaya inimbitahan niya kaming pumunta sa kanilang paaralan noon ni Jenna

Natyempohan naman na half day lang ang klase kaya't sumama kami ng pinsan kong si Ron

Medyo malayo-layo din ang pupuntahan namin..

Pagkadating namin doon ay tumira kami agad ng fishball sapagkat talagang ginutom kami.

Una naming pinuntahan ang mama ni Paulmar, ipinakilala kami ni Paulmar sa mama niyang nagtuturo din doon sa paaralan kung saan siya nagmula.

Pagkatapos ay inikot niya kami sa buong eskwelahan

Kada may makasalubong kaming guro o studyante talagang binabati si Paulmar

Sa tingin ko sikat at kilala talaga siya doon

Kitang kita nga sa pagbati sa kanya ng mga guro niya noon na proud na proud sila sa narating ni Paulmar..

Mahirap kasing pumasok sa SEC class, marami talagang malulupit na pagsubok ang dadaanan mo upang makapasa ka.

Tapos naming umikot sa lugar ay bumalik kami sa classroom ng mama ni Paulmar..

Humingi pala siya ng pera upang ibili kami ng miryenda
Kaya't pumunta kami sa isang maliit na restaurant malapit sa kanilang paaralan at umorder ng isang malaking hamburger na hinati lang namin sa apat
Tsaka bumili kami ng iced tea na merong cucumber..

Masarap nga ang luto nila doon..

Tapos naming mag miryenda, lumakad-lakad muna kami upang bawasan ang mga kinain namin..

Habang naglalakad-lakad kami ay nagkuwento si Paulmar tungkol sa pagiging sakristan niya sa simbahan, kung bakit para siyang babae gumalaw minsan at kung anu-ano pa..

Sa wakas na patunayan ko rin na mali ang binibintang ng iba naming mga kaklase kay Paulmar na bakla siya

Mas na turn on pa talaga ako nun kay Paulmar.. Pinakita niya sa amin ang kanyang kabaitan

Hinatid kami ni Paulmar sa labas ng paaralan

Nilakad muna namin ni Ron at Jenna ang daan papunta sa labasan upang makasakay kami ng jeep

Sumakay kami ni Ron ng jeep pabalik habang si Jenna naman ay pumunta sa kasalungat na dereksyon..

Pagkadating sa bahay walang may nagsalita kung saan kami nanggaling

Ang alam ng mga magulang namin ay nasa eskwelahan kami buong araw..

Hindi kasi kami nagpapaalam sa kanila kapag pupunta kami sa ibang lugar dahil walang duda na hindi kami nila papayagan

Eh punta nga sa skwelahan upang gumawa ng groupwork parang hindi pa kami payagan eh, pasyal-pasyal pa kaya?

Kaya natuto na kaming magpinsan dahil sa sobrang higpit ng mga magulang namin..

Pinapalaki kami nila sa paraan ng pagpapalaki din sa kanila ni lolo

Hindi ba nila naramdaman noon ang nararamdaman din namin ngayon? Gusto rin naman namin ng freedom at ma-experience ang tinatawag na high school life..

Pano magiging masaya ang high school kung sa bawat galaw ay pipigilan ka nila?

Tama na nga ang pag eemote,

Naging masaya ang araw na iyon

Mas naging panatag ang loob ko na nakilala ko ng lubos si Paulmar.

To be inlove with your bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon