Uno

28 2 1
                                    

Phoem's POV

"POTPOT!" =_=

Di ko na nilingon kung sino yun kasi SYA lang naman ang tumatawag sakin ng uhm...well... ok sige. Potpot. >.>. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad dahil malapit na naman ako sa waiting area ng mga bus sa labas ng school namin.

"POTPOT, HOY!"

Urgh! Di nya ba ko titigilan?! Medyo binilisan ko ang lakad ko. Bahala ka sa buhay mo. Ang gusto ko na lang ngayon ay ang makahiga sa kama ko at makatulog. Kanina pa masama ang pakiramdam ko, samahan pa ng paghilab ng tyan. Magkakaron ata ako. Kaso may isang nilalang na walang balak patahimikin ang mundo ko na kanina pa sigaw ng sigaw.

Tumahimik bigla kaya pumayapa na ang isipan kong wala nang gugulo sakin. Pero mali pala...

*boink

"ARAY!"
Napatigil ako sa paglalakad dahil nahilo ako sa pagtama ng kung ano sa ulo ko. Buti na lang na-balance ko ang sarili para hindi matumba.

Tumingin ako sa likod para makita kung sino ang nambato sakin at natanaw ko ang isang walang hiya na tumatawa habang hawak pa ang tyan. May kasama pang padyak ang gag*. =_=+
Talagang sinasagad na nya ang pasensya ko dahil pagtingin ko sa lapag kung ano yung tumama sakin... Isang deodorant lang naman. DEODORANT.

Tumakbo sya palapit sakin at kinuha ang DEODORANT sa lapag. Potek, bakit ang pangit pakinggan? Tumalikod ako agad habang nakaluhod pa sya at mabilis na naglakad kahit sumasama lalo ang pakiramdam ko. Pero isa syang lalaki na malalaki ang hakbang.

Naramdaman kong inakbayan nya ko pero di ko sya pinapansin.

"Huy,pot. Sorry na. Di ko naman akalaing tatamaaan ka nung ano..nung..Pffft." tinakpan nya yung bibig nya para pigilan yung tawa pero yung mukha nya pulang pula na. Bwisit na to. Tinanggal ko yung pagkakaakbay nya sakin at napapailing na naglakad ulit.

"Brionne, wala ako sa mood makipag biruan." Sumabay sya sakin sa paglalakad.

"Wow, first name basis. FC ka ah." Tinignan ko sya ng masama pero agad ko ding iniwas yun. Di ko na sya kayang tingnan ng matagalan ng diretso sa mata. Hindi na.

Bigla na lang nyang hinarangan yung dinaraanan ko.

"Phoem, sorry na. Di ka kasi lumilingon kanina nung tinatawag kita kaya binato kita nang kung anong makuha ko sa bag . Di ko naman akalaing yun pala ang nakuha ko...." Tiningnan ko sya ng talaga-lang-na-hindi-mo-alam look "Okay sige. Alam kong deodorant talaga yun--Aww!Aray!" Pinipingot ko kasi yung tenga nya at di ko to bibitawan.

"Araay! Sorry na! Sorry na--Aww! Hindi ko alam na badtrip ka--aray! Bitaw na!"
Piningot ko pa ng sobrang diin bago ko bitawan. Hinimas nya agad ang tenga nya pagkabitaw ko dun.

Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko. Tae!Tae!Tae! "Pot,sorry na please?"

"Tsk. Oo na. Ano pang magagawa ko." Nakatingin ako sa gilid habang sinasabi yan. Hinihigit ko rin yung kamay ko mula sa kanya.

"Weh? Bakit ayaw mo kong tingnan?" Hinawakan nya yung mukha para ihatal sa kanya. Putcha naman oh.

"Oo na nga." Tingnan ko lang yung ilong nya. Shet, nakikita ko pa rin mata nya.

"Di ako naniniwala."

"Oo na nga pards. Tsk. Bitawan mo na yung mukha ko."

Binitawan na nya nga ako at ngumiti sakin. That smile... Pero pagkabitaw nya tsaka ko naramdaman ang paghilab ulit ng tyan ko.Napaupo ako sa upuan dun sa waiting area. Di ko namalayan na nadito na pala kami.

Bestfriend-ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon