Operator of Marky

119 2 0
                                    

Dear Mommy Tina slash Queen,

Magandang araw po mommy tina.
Maraming salamat po sa lahat ng nagawa ninyo para sa amin. Lubos po akong natutuwa dahil naging parte ka po sa aming buhay. Sa mga storyang inyong isinusulat na nakakadagdag saya sa amin, nagiging inspirasyon ka namin dahil sa inyong taglay na galing, hindi lamang sa pagsusulat kundi pati na rin sa pagiging mabuting ina sa iyong anak na si luhan, na ni minsan ay hindi ninyo pinabayaan.
Kahit na nagiging busy ka hindi ninyo pa rin pinababayaan ang inyong anak in short isa ka pong mabuting ina.
Isa lang naman po ang hiling ko para sa iyo, na sana ay ipagpatuloy mo lang po ang inyong nasimulan at sana po ay hindi po kayo magbago.
Ngayong kaarawan mo po, wala akong mahihiling kung hindi ang iyong kaligayahan at tagumpay. Sa taong lubos na naging malapit sa akin, sa taong naging isa sa mahalagang parte ng aking buhay. Maligayang Kaarawan, Happy Birthday po!
Sana po ay maging masaya ka sa iyong buhay Happy birthday! Wala man po akong regalong maihahandog sa iyo, nais ko lang malaman mo na lubos po kitang binabati sa kaarawan mo, at humihiling na sana po ay matupad ang lahat ng kahilingan mo. Happy Birthday po!
Kahit na hindi po masyadong naging madali ang inyong paglalakbay , maraming pagsubok ang dumating ngunit nakayanan niyo ito. At dahil na rin po sa pagpupursige ninyo nandiyan kayo sa kalagayan ninyong yan masasabing "I'm now contented" ngunit kahit naabot niyo na po ito hindi niyo parin kami kinalimutan. Isang napakagandang prebilehiyo po ang maging parte ng kwento ng buhay niyo at ng buhay namin.
Salamat po kasi kahit na madami din kayong ginagawa at idagdag niyo pa ang pagkakaruon ng isang anghel, hindi niyo po kami kinalimutan, hindi niyo kinalimutang magbigay aral sa amin sa pamamagitan ng mga istoryang talaga naman pong nagbibigay inspirasyon sa lahat.
Sana po marami pang kaarawan ang dumating sa buhay niyo kasama na din po ng mga pagpapalang ng mumula sa taas. Happy Birthday to our dear author Tina Lata, maraming maraming salamat po sa lahat. Maraming salamat sa mga storyang ibinabahagi niyo sa amin, mga istoryang ng bibigay insiparasyon sa buhay ng bawat isa. Sana hindi po dito magtapos ang lahat. Basta lagi niyo lang pong natatandaan na lagi lang kaming nasa tabi niyo na nagmamahal sa inyo.
Happy Birthday po!


From Marky/Kie's op (er and el)

TFBBAM MESSAGESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon