Operator of Six

69 3 0
                                    

Ano bang meron sa month of April?

Simple lang, anniversary at birthday lang ng nag-iisa naming ina na bumuhay sa mga fictional characters (JeyDice, MaRina, TriFfany and so on) sa pamamagitan ng pagsulat niya ng mga storya na pumatok sa panlasa natin.

Happy birthday ate Tina! Ginawa namin ito para everytime na nasa dilim ka ng buhay mo pwede mo itong basahin and these messages from us will take yourself away from darkness. Nag-effort ka para buhayin ang mga FCs na kumakawala sa iyong isipan, kaya heto ang kaming mga OPs, nag effort para gawan ka ng sweet messages!

Kung may mga tao mang gusto kang ibring down, cheer up! Madaming nagmamahal sa'yo ate Tina. Isa kang perfect mommy para kay Luhan, napakabait na author, at kailan pa, hindi ka nagbago katulad ng ibang writers. Kung ano ka ng una, gano'n ka pa 'din hanggang ngayon. Saksi kaming mga old ops kung ano ka dati at hanggang ngayon. Hahaha.

Naalala ko pa dati sa tuwing nagbabasa ako ng updates ng TFBBAM ay humihinto ako sa mga ginagawa ko. Inuuna ko ang pagbabasa, parati.

Siguro kung hindi ko natagpuan ang wattpad, hindi ako magiging operator at hindi 'din kita mababati ng ganito. Noong napublished ang TFBBAM, nagwawala ako 'non. Hahaha. Sabi ko kasi bibilhin ko agad 'yon eh, kaya lang naubos pera ko kaya nag-ipon ulit ako para lang mabili siya. Nang makabili na ako ng book ang saya ko, sobra! Sa isip isip ko nga, kailan ko kaya 'to mapapapirma? Hahaha Proud BAMer here!

But wait, nasabi ko na ba na mahal ka namin? Well, that words are not enough para sabihin kung gaano ka namim kamahal, mapa-in character o op man. We love you yesterday, today... and forever. Hahahaha heart! Hahaha!

And last, thank you ate Tina for giving me a chance na makapag-operate. A big thank you!

Enjoy your day ate Tina! Happy happy birthday!

새일 축하 함니다! =)

~Six's Op.

TFBBAM MESSAGESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon