CHAPTER 4

669 7 0
                                    

"Are you following me?"  seryosong tanong ni Rhys sa lalaki nang makalapit siya. Tahimik pa rin ito na para bang walang balak na sagutin ang kahit anong itatanong niya. 

She let out a deep sigh. Hugo's eyes remained on her.  Sobrang weird nito at napapangiwi na lamang si Rhys sa tuwing magkakaharap silang dalawa. 

Hindi nga niya alam kung paano pa niya nagagawang kumalma sa kabila nang mabilis na pagtibok ng puso niya. Kanina pa kasi ito nagkukumawala. 

Muling umaandar ang kuryusidad sa sistema niya ngunit paulit-ulit din namang pumapasok sa isipan niya ang sinabi nitong tanging ang girlfriend lang niya ang puwedeng mag-alis ng maskara. 

"Bakit 'di ka makasagot?" sandali niyang nakalimutan ang rason kung bakit siya nasa labas ngayon. Nawala sa isipan niya ang pagtatalo nilang dalawa ni Hunter. "Don't tell me sinusundan mo ako?" She added smirking and teasingly.

Hugo tsked at her. 

Bahagya namang kumalma ang sistema niya.  Nabawasan kahit papaano ang kabang nararamdaman niya na hindi niya magawang pangalanan. 

There's something with him. 

"Kaya ba 'di ka makasagot?" she had the courage to step closer. Wala man lang nagbago sa tindig ng lalaki. His two hands were still in his pockets while his eyes were straight into hers.

"Nauna ako sa 'yo rito... And if you think that i'm following you then better stop dreaming." masungit nitong sagot sa kaniya. Napaiwas naman si Rhys ng tingin dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi nag-a-assume siya kaagad ng kung anu-ano. 

"E, ano nga kasi ang ginagawa mo rito?" 

"Buying foods." 

Pasimple niyang sinipat ang kinatatayuan ng lalaki. Wala naman siyang makitang kahit anong binili nito. 

Rhys jokingly ran her finger over his mask.

"Nasaan yung mga binili mo?" panghahamon pa niya pabiro. Sigurado siyang nagpapalusot lang ang lalaki. Alam niyang may pakay ito sa kaniya ngayon at hindi siya baguhan sa trabaho niya para hindi malaman ang bagay na iyon. 

Napaatras naman si Rhys nang may biglang lumapit sa kanila. 

"Sir, sorry po kung natagalan but here's your order..." 

Kagat-labi siyang tumabi upang magkausap ang dalawa nang malapitan. Gusto na niyang umeskapo dahil sa bagong kahihiyan. Kung bakit ba naman kasi nagiging assuming na siyang tao. Hindi naman siya ganito noon at alam niyang hindi matutuwa si Hunter kapag nalaman nito ang mga pinaggagagawa niya ngayon. 

"Keep the change." Iyon na lamang ang narinig ni Rhys bago siya harapin ni Hugo. Nahihiyang nag-angat siya ng tingin sa lalaki. Itinaas nito ang order upang ipakita sa kaniya sabay kindat. Napakurap naman siya nang dahil doon. 

Kung bakit ba naman kasi ang bilis niyang mag-isip ng kung anu-ano. 

"See you tomorrow, kailangan nating simulan ang unang plano." Those were the words Hugo uttered before leaving her stunned in front of the convenience store.

Kinaumagahan, nagising si Rhys dahil sa sunod-sunod na pagkatok ni Hunter. Alam na kaagad niyang magkakasakitan na naman silang dalawa kaya mas pinili niyang huwag buksan ang pinto at dali-daling nagtungo sa banyo. 

Matapang siyang tao pero kapag si Hunter na ang kaharap niya, kaagad siyang bumabaliko. Nawawala ang Aerhysia na matapang at walang inaatrasan. Palagi siyang tumitiklop dahil sa pagiging bulag sa pagmamahal. 

Kung hindi lang siguro niya asawa si Hunter, walang pagdadalawang-isip niya itong iiwanan. Pero kasi, nangako na sila sa isa't isa na kahit anong mangyari walang makakabuwag sa kanila. 

Saktong natapos siya ay tumigil na rin si Hunter. Pinigil niyang masaktan ngunit nabigo siya. Napadaan si Rhys sa larawan nila ni Hunter nang makasama. Panahong ipinaparamdam pa sa kaniya ng lalaki na mahal na mahal siya nito at hindi siya kayang saktan tulad ng ginagawa sa kaniya nito ngayon. 

Rhys wiped her tears. 

Walang mangyayari kung hahayaan lang nitya ang sarili na umiyak paulit-ulit dahil walang magbabago sa pakikitungo sa kaniya ng asawa. Kahit na lumuhod pa siya, walang mangyayari. 

Bago dumiretso si Rhys sa lugar na in-email sa kaniya ni Hugo ay saglit siyang dumaan sa sementeryo. Malapit na ulit ang death anniversary ng mga magulang niya. At isa lang ang paulit-ulit niyang sinasabi sa mga ito. 

"M-mommy, d-daddy," she uttered with weak sobs.

"sana sa susunod na d-dalaw ko, kasama ko na ang dating H-hunter na minahal ko." Sa dinami-rami nilang pinagdaanan ni Hunter, mas gugustuhin niyang mag-stay at ayusin kahit mahirap ang relasiyon na binuo ng kanilang pagmamahalan. Marami na rin silang espesyal na okasyon na pinalagpas pero patuloy siyang umaasa na sa susunod, muli silang mabubuo dalawa. 

Na-late si Rhys nang kalahating oras kaya naman matalim na tingin na naman ang sunod-sunod niyang natanggap kay Hugo na ngayon ay prenteng nakaupo sa isang couch. 

"Bakit kasi dito mo pa ako inaya? Ang layo tuloy!" reklamo niya upang mabaliktad ang sitwasyon. Tiningnan lamang siya nito saglit bago walang imik na binuksan ang laptop at mag-type roon. 

"Tsk, you're thirthy-one and three seconds late."  Hindi ito nakatingin sa kaniya. Tutok ang paningin nito sa kung anong ginagawa. "Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang pag-uusapan at gagawin natin ngayon, 'di ba?" 

Rhys just clenched her fist in annoyance.

"Galing ako sa puntod ng parents ko kaya ako late, happy?" walang emosiyon niyang paliwanag dito. Ni hindi nga niya maintindihan kung bakit dapat siyang magpaliwanag, e. Hindi naman si Hugo ang boss at hawak din naman nila ang sarili nilang oras pero kung umakto ito para namang siya ang nagbabayad sa kaniya. 

Kitang-kita niya kung paano matigilan ang lalaki sa pagtipa. Para bang natauhan ito dahil sa sinabi niya. 

Gustuhin man niyang makita ang reaksiyon nito, wala siyang magawa dahil natatabunan ng maskara ang kaniyang buong mukha. 

Ilang segundo pa bago ito tuluyang makabawi at bumalik sa ulirat. Wala siyang narinig na kahit ano maliban sa ingay ng keyboard. 

"Here's the drive, open it and try to familiarize everything that could help you as his assistant." Nanlambot kaagad ang tuhod ni Rhys sa narinig.

"T-teka! Hindi pa nga ako napayag diyan, e!" asik niya. 

Hindi naman puwedeng si Hugo lang ang masunod sa kanilang dalawa. 

"Sinabi ko naman sa 'yong ilapit mo ang concerns mo, 'di ba? Pero wala naman akong narinig na kahit ano, so akala ko okay na sa 'yo?" Inis na nagpapadyak siyang lumabas. 

Hindi siya makikinig sa plano ng lalaki. Hindi siya magiging sunod-sunuran at mas lalong hindi niya ipapain ang sarili sa mga kalaban. 

𝑫𝑺𝑺: 𝑯𝒖𝒏𝒕𝒆𝒓'𝒔 𝑺𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕 𝑶𝒃𝒔𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon