CHAPTER 27

515 5 0
                                    

Dalawang araw matapos mabuo ni Rhys at Hunter ang kanilang plano ay pareho silang naghanda sa paglusob sa mga ito. Nakasagap kasi si Rhys ng text mula kay Delgado na kailangan niyang i-ready ang mga papers para sa meeting nilang muli sa warehouse nito at doon balak nila Rhys na hulihin ang mga ito.

"Hunter..." Inabot niya ang earpiece sa lalaki. "kapag nawala ako sa linya, don't worry na kay Delgado ang focus ko."

"Si Archer sa akin." Nagtanguan silang dalawa. Inayos naman ni  Hugo ang suot niyang bulletproof vest. "Pagkatapos ng lahat ng ito, magpapakasal ulit tayo. At sisiguraduhin kong wala nang manggugulo." Napapikit si Rhys nang halikan siya ng lalaki sa noo.

"Andyan na sila," anito. Kaagad na bumaba si Rhys at Hunter. Suot ng lalaki ang niregalo niyang maskara rito at sobrang bumagay ito sa lalaki. Saktong pagbaba nila ay naroon na ang ilan sa mga kasamahan nila. "Nakatanggap na kami ng update, wala pa raw sina Felix Delgado at Archer Delgado sa warehouse."

Tumango silang dalawa. Sabay-sabay silang sumakay sa kaniya-kaniyang kotse. Puro galit lamang ang nasa puso ni Rhys sa mga oras na ito. Wala siyang ibang gustong gawin kung 'di ang makamit ang katarungang nararapat para sa kaniyang mga magulang.

Kalahating oras ang naging byahe nila patungo sa warehouse. Kaagad silang pumusisyon pagkarating sa pinag-usapan nila.

"Mag-iingat ka."

"Mag-iingat ka rin," sagot niya kay Hunter. Muli siya nitong pinatakan ng halik bago nauna sa kabilang parte ng warehouse.

Si Rhys ang balak humarap sa mga ito dahil gusto pa rin niyang masagot ang isang tanong sa kaniyang isipan.

Nang makita ang target, mabilis na nagtago si Rhys sa likod ng pinto. Nanlilisik ang mga matang pinanood niya ang kilos ni Felix at Archer.

"Ibabalik ko sa inyo ang pagpapahirap niyo sa magulang ko."

Nang makahanap ng tyempo ay lumabas si Rhys sa kinatataguan niya at kaagad na tinutukan ng baril ang mga ito.

Mabilis na nagtayuan ang mga businessman at ganoon na rin ang sabay-sabay na pagtutok sa kaniya ng baril ng mga bantay nito.

"Mr. Felix Delgado, the killer of my parents and the father of my fake and impostor husband, what a perfect father and son relationship." Mapang-asar niyang panimula. Halatang hindi inaasahan ng lalaki ang gagawin niya.

"Rhys?"

Puno ng pangmamaliit na tawag sa kaniya ni Archer. "Hi, Mr. Fake Hunter."

Sinenyasan ng lalaki na ibaba ng mga ito ang baril nila.

"She's my wife..." gustong matawa ni Rhys sa lalaki. Marahil ay hindi pa rin nito alam na buhay pa ang totoong Hunter. "Anong palabas ito?"

"Huwag ka nang magpanggap Archer Delgado dahil alam na alam ko na ang buong pagkatao mo," sagot niya. "Akala mo ba hindi ko malalaman na hindi ikaw ang tunay kong asawa? Akala mo ba hindi ko malalaman na pinatay ninyo ang mga magulang ko at sinubukan mong sunugin si Hunter upang makuha mo ang lahat na dapat ay sa kaniya?"

Parang baliw lamang siya nitong tinawanan.

"Alam kong malalaman mo rin ang totoo, Rhys. Pero atlis alam nating lahat na natalo pa rin kayo. Ako ang nakasama mo, ako ang pinagsilbihan mo, at ako ang inuuwian mo." Alam ni Rhys na gagamitin ito ng lalaki upang maasar siya pero hindi siya nagpatalo rito.

"Pilit kong ginawa ang lahat ng iyon sa iyo, Archer. Ikaw nga ang inuuwian ko, ikaw ang pinagsilbihan ko, at ikaw ang nakasama ko, pero hindi naman ikaw ang tuluyang nauna at makakasama ko sa huli." Akmang susugurin siya nito nang magpaputok ng baril si Hunter kasabay  ng paglabas ng mga ito. "Sumuko na kayo." Bungad ni Hunter.

"Sino naman 'to?" nang-iinsultong tanong ni Archer sa kaniya.

"Back-up mo? Naka-costume pa."

Walang sabi-sabing pinaputukan ni Hunter si Archer dahilan upang matamaan ito sa binti.

Nag-umpisa na ring magkagulo at paputukan sila. Kaagad na nakahanap ng pagtataguan si Rhys at Hunter. Sinenyasan siya ng lalaki na lumabas ng warehouse at humanap ng ibang puwesto.

Mabilis siyang sumunod dito at saka ekspertong umakyat sa bubong at naghanap ng malulusutan dito papasok sa ibang bahagi ng warehouse.

Pababa na siya nang makasalubong si Archer.

Hindi ito ang dapat niyang makaharap.

"Anong akala mo, hahayaan kong maging masaya kayo?"

"At ano ring akala mo? Hahayaan kong humihinga ka pa pagkatapos nito?" balik niyang tanong sa lalaki.

"Kumusta naman ang ilang taon mong pagsasayang ng oras sa tabi ko bilang Hunter?"

Tumiim ang bagang nito dahilan upang magdiwang ang puso ni Rhys.

"Kung nagdiwang ka sa pagkamatay ng kapatid mo, nagkakamali ka. Dahil isa kang malaking shunga!" Mabilis niya pinaputukan ang lalaki sabay talon sa hagdanan. Nagtago siya at kaagad na natanaw si Hugo na ngayon ay hinahabol si Felix.

"Hunter... nasa likod mo ako. Magpalit tayo."

Kaagad na lumingon sa kaniya ang lalaki at nagtago sa malaking drum nang paputukan silang dalawa. Pinaputukan ni Rhys si Felix at ganoon na lamang ang bilis nito sa pagtatago.

Laking gulat ni Rhys nang makitang tumumba si Felix Delgado. May bumaril dito kaya naman kaagad niyang nilapitan ang lalaki at pinosasan.

"This is the end of your era, Felix." Nakangisi niyang bulong sa lalaki. Walang kahirap-hirap niyang dinala ang lalaki sa mga kasamahan.

"Agent Maden, isa na lang ang hindi nahuhuli." Pag-update sa kaniya ng kasamahan nila. Sigurado si Rhys na si Archer iyon.

"Kayo na muna ang bahala sa kaniya." Binalikan ni Rhys si Hunter at naabutan niyang patuloy sa pagsusuntukan ang mga ito. Malayo ang baril ng isa't isa sa kanila at mukhang nasipa iyon.

Akmang babarilin ni Rhys nang may bumaril din kay Archer katulad sa nangyari sa ama nito. Mabilis ang kilos ni Rhys upang hulihin ang lalaki. Buong akala niya ay mapapasuko na niya si Archer nang bigla nitong agawin ang baril mula sa kaniya at itutok kay Hunter. Ngunit bago maiputok ang baril ay hinawakan ni Rhys ang kamay ng lalaki pataas dahilan upang sa kisame ito tumama. Papalag pa sana si Archer nang sunod-sunod itong patamaan ng kanilang kasamahan.

Nanlalaki ang mata niyang panoorin itong tuluyang bumulagta.

"Rhys..." yakap sa kaniya ni Hunter.

"Tapos na." Dagdag pa nito sabay halik sa kaniyang ulo. Napayakap na lamang din siya kay Hunter dahil sa pagod at gulat sa mga nangyayari.

Hindi ito ang katapusang gusto niya para kay Archer.

"Buhay para rin sa buhay na kinuha niya."

Nanginginig pa rin ang mga binti ni Rhys hanggang sa makalabas sila ng warehouse. Ang mga nahuling illegal investors ay pinadala na rin sa bilangguan.

"Nakamit mo na ang hustisya, love..."

Emosiyonal niyang hinarap ang asawa at saka tumango.

"Nakuha mo rin ang hustisyang kailangan mo Hunter. Nagbayad na sila."

Dalawang linggo matapos mailibing si Archer ay binisita ni Rhys at Hunter ang kaniyang namayapang ama't ina sa sementeryo.

"Umamin na si Felix sa pagpatay nila kila tita. He killed them because of money. Nalaman nila tita ang plano ni Felix at ang mga ilegal nitong gawain. Sa takot na mahuli at matapos ang kanilang kasamaan, kinuntyaba niya si Archer para patayin kami. Matagal na rin daw may pagtingin sa iyo si Archer kaya pumayag din ito sa plano ng ama niya." Napailing-iling na lamang si Rhys.

Mas ramdam na niya ang kapayapaan ngayon sa puso niya dahil sa wakas, magkakaroon na siya ng chance na tuluyang maging masaya.

Sigurado si Rhys na masaya na rin para sa kaniya ngayon ang mga magulang niya.

𝑫𝑺𝑺: 𝑯𝒖𝒏𝒕𝒆𝒓'𝒔 𝑺𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕 𝑶𝒃𝒔𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon