Inevitably...

4 0 0
                                    

                 Unang Yugto

Life... the moment na maisip mo na ang buhay ay parang life nga lang talaga...me ups and downs, twist and turns, at iba pang realizations tungkol dito, believe me, sign na yan na tumatanda ka na...or napagdaanan mo na ang landas na hindi tinahak ng iba pero nakaya mo, yes!... nakaya mo nga...
Kagaya ngayong araw na'to. Lunes na naman, sa mga me pasok- trabaho o paaralan man yan, kakayanin nilang harapin at gumising ng maaga at hamakin ang traffic sa Edsa makarating ka lang ng on time. Well, sila yun kasi ako hangga't hindi pa ako kinakatok ni nanay at bubungaan nunka akong gigising. Yes, si nanay ang alarm clock ko!Walang mintis yan araw araw. Daig ni nanay ang alarm clock kung binili sa Novo nang  85 pesos kasi nasira nalang lahat, hindi parin ako napatino nito o napaaga ng gising papuntang trabaho. You might say, I am an irresponsible employee but no kahit naman kasi ginawa kong alarm clock ang bunganga ni nanay hindi naman ako nalalate sa work kasi nasa tapat lang bahay namin yung school na pinagtatrabahuhan ko. Yes! I am a teacher and proud to be one kasi nakasalalay po sa amin ang buhay ng mga bagets ngayon. Hindi ako ulirang anak paminsan minsan kay nanay pero take note ulirang teacher po ako. Pinaghuhusayan kong magturo sa mga batang uhaw sa karunungan. And every Monday before nanay could nag at me,bumabangon na ako at naghahanda ng gamit papuntang school kasi every Monday we have our flag ceremony and everybody must attend to it. Sabi ko nga ulirang teacher ako so I make sure na, nakiki join ako. Mind you, mahirap maging teacher kasi madami na ngang paperworks, madami pang pasaway na mga bata. Yung kulang ba sa lambing at pansin sa bahay kaya minsan nadadala sa school ang init ng ulo. Kaya nakikipag away sa kapwa estudyante or worst lumiliban sa klase. Madami factors at kung iisa isahin ko man yan dito, mabobore ka lang. Speaking of boring, bored na akong makinig kay Mr. Makiling ng mga don'ts and do's. Nakagawian nang school na every Monday e reremind ang mga bata ng rules and regulations upang walang alinmang paglabag na magawa. Strict ang pamantayan or rules namin kung kaya marami rami ding mag aaral ang mas prefer sa'min mag aral. The more learners,the merrier ika nga. Merrier ang didsiplinahin at tuturuan. Hindi ako umaangal ha, sinasabi ko lang kahit di mo tinatanong. Bet ko lang na sabihin ng kusa kesa mabitin ka, di ba? Di joke lang! Baka nga nainis ka na at nag aalinlangan kung babasahin mo ba ito or ititigil na kasi sayang sa oras at connection... But anyways, Monday grinds at kailangan pumasok sa classroom bitbit ang class record, lesson plan at laptop for my lessons. I am about to enter the classroom when Joy suddenly jump for joy and shouted na wag muna akong pumasok kasi naglilinis pa sila ng classroom. The cleaners failed to clean the room last friday so eventually they have to clean it now before classes start. Instead na magalit kasi mababawasan ang oras ko sa pagtuturo, I gave them 10 minutes to clean the mess so we can start our lessons. Natapos naman ng ayon sa oras na binigay ko kaya nakapag discuss parin ako kahit papano. Its a joy of a teacher to see the learners na me natutunan at napupulot na aral. At the end of this tiring monday at work, umuwi ako sa bahay at naabutan si nanay at tatay na nag aabang sa akin. Nagmano ako at nagtanong sa dalawa kung bakit, nag abang sila. Kesyo dumating na daw si Leonard na kaklase ko noong high school at napadaan sa bahay. Nanghinayang ang dalawang matanda kasi akala nila nanliligaw si Leonard sa akin. They don't know na nagpapasama lang yung tao na pumunta sa co-teacher ko na ka chat nya noong nakasampa pa sya. Mapupurnada lang ang excitement nila nanay 😔😔

***jhane

 InevitableWhere stories live. Discover now