Inevitably...💔Breaking

5 0 0
                                    

              Ikalawang Yugto

Habang kumakain sa hapag, binalikan ni nanay ang pagbisita ni Leonard kanina sa bahay at real reason kung bakit napunta ito sa bahay. I told them the truth and that wala talaga kahit kunting kilig ke Leonard. Susme, me napupusuan na si heart ko kaso sobrang manhid naman nito. Panliligaw nalang ata ang hindi ko pa nagawa sa taong yun, kaso ang manhid! Lahat ng pagpapakita ng motibo nagawa ko na kaso waley, wa epek parin. Na friendzone lang kamo pero hayaan nyo na at least naranasan ni heart at ni self na rin na kiligin at mairaos ang high school life na masaya at puno ng kulay. He is also the reason why I  become a teacher. Bukod sa ito lang ang scholarship na ibinigay at kinaya ng utak ko kaya go narin. Hindi na ako nagpapaka bitter kesyo ito ang professiong napili ko. Love ko to e! Asan na ba ako? Ay yun nga, sinabihan ko na sila nanay na walang pagnanasa o malisyang nagising sa katawang lupa ko ang pagpunta ni Leonard sa bahay. Kung si Mozart Reyes pa kamo yun ay naku, mag aabsent ako sa klase para lang ito makausap kaso nada, as in wala talaga. Yung pag aalayan ko ng service credit ay walang paramdam. The last time i knew something about him was when nasa Dubai ito. Engineer daw doon ng isang big company. Nahiya akong magtanong kasi kapitbahay lang namin sila at yung ate nya hindi masyadong nagsasalita tungkol sa kanya. Nalaman ata na crush ko kapatid nya kaya ayun ayaw nya daw na magkaroon ng ate na kapitbahay lang. Kaya ako, pinipigilan kong magkomento o makisawsaw pag tungkol na ke Mo kasi ewan ko ba at nalalaman talaga ng kapatid nya at harapang umangal sa beauty ko. Saklap ng love life ko sa ngayon, di ba? But, magka ganon paman, hindi lang din naman doon nasusukat at na eenjoy ang buhay. Maraming advantages at disadvantages, mind you, kaya lahat yan binabalanse ko. Inaanalyze at pinagdadasal. Hindi pwedeng guts mo lang or feelimg mo lang kasi minsan si guts at si feeling e nagkakamali at nauungusan. Speaking of nauungusan, tinanong ni nanay kung bakit hanggang ngayon wala parin akong boyfriend. Sagot ko sa kanya na me inaantay akong tao na crush ko at pag ako di na nakatiis ako na kamo amg manliligaw. Nagalit si tatay kasi kababae ko raw na tao e gagawin ko yun. Sagot ko naman, aba ano ba talaga tatay? Ako ba'y gusto mong magkaasawa o tatandang dalaga na laang? Sabi nya hintayin ko raw na yung lalaki ang manligaw kasi iba parin talaga na yung lalaki ang nag eefort kasi ibig sabihin pinaghirapan ka kaya hindi mabilis mabitawan. Na break ko yata ang puso nina nanay at tatay na sabik makitang me nanliligaw sa'kin.

Sana nga ay hindi mabitawan at maiwanan... 😭😭

***jhane

 InevitableWhere stories live. Discover now