Chapter 2

51 2 1
                                    

Love is just a game
That children play
And no more than a game
Til I met you..

"Oo nga.." nasambit ko habang nakikinig sa FM station.

Sunday ngayon kaya medyo nasa memory lane ang mga songs. Matagal na ata ang song na to. Nirerevive lang. Nakilig pa nga ako minsan sa isang teleserye.

Yung tipong gusto kong maihi. Di ko naman mawari kung bakit. Sabi ni Carl, ganun daw talaga kasi kinikilig ako. Epekto daw yun. Waring nag-usap daw yung hormones ko.

Til I met you..

Di ko alam e. Pero alam ko naka-glue na ata sa iris ko yung gwapong mukha nung football player. Pero after last week di ko na nakita yun. Kahit pa siguro pawisan iyun at may natamaan na namang ulo nang wala sa wisyong naglalakad di ko rin malalaman.

Sheeks! 1 week na pala. Saturday last week yung aming accidental meet-up e. Tapos di na ako nakalabas ng bahay. Church lang 6 ng hapon at choir kami. Kahapon sa practice, hinatid ako ni Auntie. Sinundo rin pagkatapos.

Baliw lang!

Akala ba magtatanan na ako.

Tapos pumunta kami sa bookstore, pinahanap ako ng mga books na gusto ko kahit ilan daw. Bongga di ba? Eh chance ko na yun. Kasi madalas nag-iipon lang ako para makabili ng libro.

Imagine, kumuha akong bundle ni Lang Leav, Love and Misadventure pati ang Lullabies. Pati ang collection ni Jennifer E. Smith and John Green. Mga ateng, walang reklamo ang auntie. As in she was just there tailing me around tapping her iphone. Madalas naman yun feeling ko nga nasa Timber e. Or nasa dating sites.

Sabi ni Carl, maayos daw ang Timber pero mga matatanda ang nandoon. Ang para sa amin nasa school lang. Hehe! Or kaya nasa football field. Ay ano ba yan?

Ang catch lang, nagpasama naman ang tiyahin sa posh nails, nagpa-gel polish. Antagaaaaaal! Pero may books ako kaya ok lang. At eto pa ang effect talaga, ang sabi ng trenta singko anyos, gusto mo bumili ng Kindle?

Waaaaat? Ano daw? Yun yung tablet pero more on books and reading materials lang. Paid and pirated. Pero sabi ko ayaw ko. I'm more comfortable with the papery smell and the sharp edges. Pwede kang ma-paper cut para may maikwento sa mga kaklase pagbalik ng school. Pero wala pa e.

Na-realize ko nga. Nung time na nailipat ako dahil sa mga boys issues, parati akong ini-indulge sa material things. Hindi ko naman din talaga makikita to e not unless i-analyze ni Carl. Na mukha daw pilit dini-deviate yung atensyon ko sa mga hilig ko kesa mafocus ako sa mga lalake.

Si Carl kasi bunsong anak. Mga ate neto malalaki na. Madalas daw may debate sa bahay nila. At mga adults books nakakalat lang sa sala kaya mas marami itong nalalaman. Pero lahat yun theories kasi nga katorse plang kami. Konti palang ang alam. Experience is the best teacher sabi ng iba.

Eh between crush and love nga di ko masagot. Dami definition nun si Carl. Maloka ako pero di ko gets. Nakakalunod. Lalim. 

Recent lang, kay football player, nagagwapuhan talaga ako. Tapos may feeling pa ako nun na naiihi ako eh bago ako umalis ng church nag-CR naman ako. Ano yun balisawsaw? Nung lumapit pa sya, natitili ako. Pero iba yun sa tili ko nung hinabol ako ng aso nung kapitbahay. Iba sya. Yung nasa lalamunan mo lang, parang may karneng kasing-laki ng kaha ng posporo nakabikig dun. At yung kinikilig ka na parang may nakain akong kamias. Promise!

Nasabi ko yun kay Carl sabi nya, humahanga na daw ako. Sabi sa dictionary, paghanga-admiration. Tiningnan ko rin ang crush, admiration din, infatuation. Ang infatuation naman to inspire with a foolish or extravagant love or admiration.

Hala! San dun? Crush na nga kaya yun? So crush ko si football player?

I am inquisitive by nature. Mahilig akong magresearch on extra-sensory perception kasi feeling ko meron ako nun. Yung tipong I can see the future. Pero loko lang, imaginations lang siguro.

Kagaya ngayon, feeling ko makikita ko si football player. Malakas gut-feel ko.

"Chin-chin!" Matingil!

Kakatok ito panigurado.

Tok! Tok! Tok!

See?

Bumalikwas na ako sa pagkakahiga sa kama. Kanina pa ako nakahilata. Music, books o kung hindi man movie lang sa dvd. Yun lang ang allowed sa akin. Imagine, wala po akong cellular phone. Bawal daw!

Maganda nga bahay namin. Nasa abroad parents ko. Nasa exclusive school ako. Habang ang mga kaklase ko naka-iphone na or kung anu-anong touch screen phones, ako wala. Meron naman pala, yung samsung na maliit na dual sim. Haay!

Binuksan ko agad ang pinto at expected ko na na may kakatok na naman ng malakas. Ewan ko ano issue talaga neto sa buhay.

Akma ngang kakatok uli ang aking tiyahin. Medyo namumula pa knuckles neto. Kahit natatawa ako pinigil ko sarili ko.

"Po?" Inosente kong tanong.

"Nakakulong ka lang sa kwarto? Ano ginagawa mo? Asan ang telepono mo? Siguro may kausap ka no? May ka-textmate ka na?" Ratrat. Nakakarindi na.

"Po? Ni di ko nga iniisip yun. At saka magkano ba nilo-load nyo sakin? 10?" Di ko napigilang sumagot.

"Aba?" Namula ito sa sagot ko.

"Auntie naman, wala na akong ginawang tama. Kita mong dami kong libro db? At saka ano naman makukuha ko kung magtitext ako?" Rason ko. Minsan naman nakikinig ito. Depende sa mood.

"Akina ang phone mo!" wika nito saka tinabig ako't pumasok sa kwarto ko. Sinipat-sipat pa ang mga nakakalat na libro sa kama ko.

Lumapit pa ito sa study table ko at nakialam sa mga papel papel na nakakalat doon. Gumagawa kasi ako ng doodle. Yun pa isa kong pasttime.

"Bakit may heart heart tong doodle mo?" Wala na to sa lugar, I know!

"Auntie, maiisip mo ba ang star i-drawing? O kaya ang mangga? Sa prutas, hindi ba apple din una mong maiisip? Ganun lang yun!" Wika ko na nakaismid.

"Aba! Aba! Sumasagot!" At palapit na naman sakin. Kumusta naman ang tenga ko neto?

Umatras ako.

"Bakit? Ano na naman kasalanan ko?" Tanong ko na di ko mapigilan ang luha. Nakakainis na kasi to. Walang rasong pero nananakit.

Hanggang kelan kaya ako magtitiis sa ganitong trato ng taong to? Magulang ko di rin ako papaniwalaan. Hindi rin naman ako lumaking nangangapit-bahay at makipag-tsismisan.

All alone.

Except kay Carl.

"Nakakulong ka lang e. Kanina pa ko tumatawag sa'yo di ka agad sumasagot!" Asik neto na naningkit pa ang mga mata.

"Narinig lang kita bago ka kumatok." Sagot ko na wala ng opo. Kapagod na syang intindihan sa totoo lang.

"Magbihis ka. Maaga tayo sa church at may practice kami sa Singles. " Choir din ito pero sa Singles naman ito naka-join. Mga samahan ng malalamig ang gabi.

"Alas 3 plang, Auntie. 6 pa ang church," sagot ko na bumalik sa kama.

"Sasama ka na para sabay na tayo," Pamimilit neto.

"Ano'ng gagawin ko dun ng tatlong oras?" Tanong ko na pilit kinokontrol wag tumaas ang kilay ko.

"Basta! Sige na!" Anito at nagmartsa na palabas ng pinto.

"Ano po ba kinatatakutan nyong mangyari sakin, Auntie? For 14 years grabe kayong makabantay para namang magpapabuntis ako kada labas ko ng bahay!" di ko napigilang lumabas sa bibig ko yun.

Kitang-kita ko ang paglingon nito. Pag-atras. Inilang hakbang nya lang ang kama kung saan hindi rin ako nakatinag at naramdaman ko nalang ang pananabunot nya na ikinatili ko ng malakas.

Personal PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon