Chapter 20

322 41 4
                                    

Dana's POV
Masaya kaming kumakain kasama ang buong pamilya ni jk ng tanungin ako ni tito jov.

"So iha,ilang taon ka na ?"

"15 po" tapos ngumiti ako

"Ang bata mo pa pala ,hindi ba naawa sayo yung pamilya mo at iniwan ka nila ng ganun ganun lang?" napatigil ako sa pagkain ko at unti unting tumutulo ang luha ko .

"Ay sorry iha , i didnt mean it ,kain nalang tayo " pagsosorry ni tito jov

"Okay lang po "tapos pinagpatuloy ko na yung pagkain nang magsalita si jk

"Tito ,tita she's my girlfriend" pagkasabi nun ni jk hinawakan niya ang kamay ko kaya halos di ko na malunok yung pagkain ko sa kaba.

"Girlfriend?!" sabay na sigaw ni tito at tita na lalong nagpakaba sakin bwiset tong si jk wala man lang go signal na pagpapakilala saken .


"Opo Tito and tita ,alam kong nagulat kayo pero alam na ng buong mundo at kayo nalang ang di nakakaalam dahil busy po kayo sa work niyo " tapos yumuko si jk akala ko kung anong gagawin niya pero tinaas niya ang magkahawak kamay naming dalawa at pinakita pa niya kay tito at tita shit naman oh .

"Ahh sige Jekoy ,papayagan ka namin ha ,pero wag na wag mong sasaktan yang si Dana ha ,kahit di ka namin anak dana eh papahalagahan ka na din namin kasi parte ka na nang buhay netong si Jekoy ,ikaw din Dana wag mong siyang papaiyakin pumapangit yang si jk pag umiiyak " tapos nagtawanan sila ni tita

"Tito" saway ni jk sa kanya

"Hahaha sorry na jekoy ,oo nga pala ,papasok na kayo bukas ha ,goodluck sa buhay niyo atsaka Dana humanda ka na sa mga fangirls netong si Jk baka pagdating na pagdating niyo bukas sa university ay giyerahin ka "

"No ,hindi po yun mangyayari tito van kasi i'll always protect her," tapos binear hug niya ako jusko feel ko tuloy namumula na ako .

"Tama na yan namumula na si dana oh" pagpuna sakin nung tita ni jk kaya inayos ko yung sarili ko

"Yiee kinikilig siya" sabay sundot ni jk sa tagiliran ko

"Ay ewan ko sayo " yan nalang nasabi ko tapos nagtawanan kaming lahat.

Di rin nagtagal natapos na kami kumain nagpaalam na din kami ni Jk na matutulog na kami haha oy syempre hiwalay kwarto noh . Pumasok na ako ng kwarto ko at agad agad humiga sa kama ko ,eto kinikilig pa din kay Jekoy hahapano ba ako makakatulog neto?

Ay may kumakatok mabuksan na nga
Pagbukas ko ay si Jk lang pala

"Goodnigh wifey"then he kissed my cheeks kaya mukha na akong kamatis pero pinakalma ko sarili ko "Goodnight din hubby" at bago pa ako mamula ulit sa harap niya, sinarado ko na yung pinto
tapos tumalon ako sa kama at nagpagulong gulong dahil sa kilig.

Jk's POV
Hahaha ang cute ni Wifey ko kanina , mas bumagay talaga sa kanya na walang salamin ang ganda lang. Ay shet nakakabakla naman eh ! Basta ang alam ko mahal ko na siya . Oo tama kayo ng nabasa "MAHAL KO SI DANA AT DI KO KAYANG MAWALA SIYA SAKIN "

***

He Change My Life|| Compeleted Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon