02

4 1 0
                                    


"Dito niyo yan isabit," I said, we're preparing for the acquaintance party para mamaya, basically it's for highschool department. Kaya kasama ko ngayon yung mga student council na hs students dahil meron kaming members na nasa elementary department. 



"Ang cute nung mga nakita kong dala-dalang outfit nung grade 7 students." Irish laughed habang may dinidikit na design sa pader, "Ikaw Gella? Ano dala mo?" tanong nito, Irish was the Treasurer of Student Council, she's a Grade 10 student pero kabilang section siya.  And Gella was the Grade 7 batch representative.




"Pink po na pj's" natatawa nitong sagot,





Ang naisip naming theme for today's acquaintance party ay pajama party. Kaya kanina palang sa baba nakita na namin yung dala-dala ng mga estudyante na kanya-kanyang pangpalit. Magsastart yung party ng 4:30 pm and hopefully matapos na ng 8 pm. 



Kaming lima, pare-pareho yung nakuha naming costume. It's the jumpsuits pajama, at iba-iba lang kami ng design na animals. 





"Yung mga magpeperform, iask niyo kay sir what time puwede iexcuse." saad ni Ivan kila Rylie at Aidan, Rylie is a grade 9 student she's the secretary while Aidan is a grade 8 student and the P.R.O, bumaba na naman yung dalawa.





Bawat section may napiling students na magpeperform, either sayaw o kanta. Our acquaintance party is just basically a party full of dancing, singing and socializing with the whole hs department. "Beh, paano 'to?" natatawang tanong saakin ni Ashley at pinakita yung isang paper.



Inexplain ko naman dito yung gagawing design ng papel. Ashley is also my classmate and she's the Grade 10 batch representative. Yung mga kaibigan ko, they are also part of officers pero hindi sa student council. Yezra is also an officer in Journalism Club, she's my secretary there.



Si Kallie, vice president ng sports club at si Liam naman ang president. And si Kallie part din siya ng youth council, they are like the second student council, siya yung Treasurer doon. Baka mamaya nandito din ang youth council para tumulong. And si Angelo? Gusto niyang tahimik buhay niya kaya hindi siya nag-abala sumali sa mga ganito. 





"Hi po!" biglang sigaw ni Liam na nasa bukana ng hagdanan at pumasok ng pinto, nakalimutan kong sasayaw nga pala 'to. "Sabihin mo kumalma sila." bulong nito na dahil tinitignan siya ng lower batch. 



"Quiet." I whispered back to him at umupo na sa upuan niya. 

At SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon