03

3 1 0
                                    


"Goodluck sa exams!" pagcheer ni Daddy saakin, kaya napangiti ako.




It's been a week nung nagparty and after non, tuloy-tuloy na yung pag-aaral for this examinatios and today is the last day, confident naman sa exams ko kahapon at nung isang araw,  dahil nag-effort ako and nag-aral talaga ako and nagprepare.




"Thank you, alis na po ako" saad ko dito at humalik sakanila ni Mommy, naglalakad lang naman ako papasok dahil malapit lang.




Tsaka angganda maglakad-lakad ng umaga dito, walang masyadong tao at hindi ito katulad ng Maynilad na puro usok, ayun ang sabi. At dito sa Bataan, sobrang gaganda ng interior ng mga bahay at sabi ko sa sarili ko na balang-araw guguhit ako ng isa sa mga pinakamagandang bahay na puwede dito ipuwesto sa Bataan.



Pagdating ko sa school ay magsisimula na ang flag ceremony, araw-araw may flag ceremony saamin at dahil president ako hindi ako puwedeng malate, yung apat na magagaling wala pa. Lalo na si Liam at Kallie, yung dalawang yon sinasadya pang magpalate. Natambay pa ata sa mga coffee shop bago pumasok, sinabi ko sakanilang wag sila masyadong nagpapalate kung ayaw nilang mabigyan ng warning,




"Uy ano yung one plus one?" tanong ni Kallie.



"Baliw, balik kanalang grade 1 pre, tsaka uy kahapon pa yung math. Hindi ka makamove-on." sagot ni Yezra dito kaya natawa ako, "Kinakabahan ako, baka itlog makuha ko."



"Nag-aral naman kayo diba?" tanong ko sakanila at tumango si Yezra, "Ayun naman pala, kaya yan tsaka matataas din naman lagi score niyo." saad ko dito,



"Pre yun na nga problema, hindi ako nag-aral." saad ni Kallie at humawak pa sa dibdib nito na parang nasaktan, napatingin naman ako kay Yezra na nagtakip na ng tenga at akmang nirerecite yung mga inaral niya.




Pag-akyat namin sa classroom ay may kanya-kanya ng mundo mga estudyante habang nag-aaral, napatingin ako kay Liam na tumayo dala-dala notebook niya, dumiretso ito sa harapan at umupo sa sahig sa tapat ni Angelo. 



Pagdating ng adviser namin ay binigay agad saamin nag exams at nagsimula agad kami, 5 subjects ang ieexam namin ngayon, pinakamadami ngayong last day dahil lahat na ng minor subjects[.




"Hala ansakit sa ulo," rinig kong bulong ni Kallie habang iniikot ang ballpen niya, napatingin ako sa sinasagutan niya at napangiti, kaya pala naiiyak na nasa Identification part na siya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

At SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon