Kabanata 11

161 6 0
                                    

Bagay ba?
xMaligaya©November2022

UMABOT na yata hanggang sa langit ang kilig na aking nararamdaman dahil hindi ko pa rin makalimutan ang mga katagang binitiwan ni Miah.

Hindi nga siya nagbibiro. Tinotoo niya talaga ang kaniyang panliligaw sa akin. Para tuloy akong lumilipad sa ulap araw-araw sa tuwing bibigyan niya ako ng isang tangkay ng pulang rosas. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae dahil na-crush back ako.

Wala rin siyang mintis sa pag-amin niya ng kaniyang nararamdaman para sa akin, bawat oras at bawat minuto ay may na-re-receive akong magic words mula sa kaniya. Lagi na rin akong may ka-late night talk at may nag-gu-good morning na rin sa akin sa umaga.

Jusko po!  Iyon ang palaging sigaw ng aking puso sa tuwing makikita ko siya. Totoo ngang mayroong mahika ang pag-ibig dahil sa bawat araw na lumilipas ay lalong tumitindi ang pagsikdo ng aking puso.

Mayroon lang akong ikipinag-aalala. Iyon ay ang kaniyang pamilya at kung ano ang sasabihin ng mga taong nakapaligid sa kaniya kapag nalaman nilang lahat na pumatol siya sa isang katulad kong mahirap at walang kayang ipagmalaki sa buhay.

Pero ano nga ba ang magagawa ko? May nararamdaman din ako para kay Miah.

“Sigurado ka na ba talaga sa akin? Paano kung malaman ni Lolo o ng Mommy mo ang tungkol sa atin?” Kumakabog ang loob ng aking dibdib sa kaba, hindi ko mapigilan ang hindi mag-alaala dahil nakabanta sa amin ang malaking problema.

Hindi tuloy niya napigilan ang mapatigil sa aming paglalakad. Oras na ng uwian kaya nagpalinga-linga ako sa aming paligid. Nang may makita akong estudyanteng makakapansin sa pagiging malapit namin sa isa’t isa ay mabilis kong kinalas ang aming mga kamay at lumayo rin ako nang kaunti sa kaniya.

Mag-iisang buwan na kaming ganito. Para bang palagi kaming mayroong pinagtataguan. Hanggang ngayon din ay hindi ko pa rin masabi-sabi kay Lolo Alejandro ang tungkol sa pag-amin sa akin ng kaniyang apo at ang panliligaw nito sa akin. Kami-kami lang ng mga pinsan niya ang nakakaalam ng sitwasyon namin ni Miah.

Mabuti na lamang ay hindi sila nangingialam dahil natatakot akong magalit sa akin ang matanda. Nahihiya rin ako dahil pinatuloy na nga ako nito sa mansion pero ang pagpapaligaw lang sa apo niya ang aking iginanti.

“Lolo likes you,” he suddenly stated as if he was boosting my self-confidence. Kinuha niyang muli ang aking kamay pagkatapos ay hinalikan niya pa ang likod ng aking palad. Nagulat naman ako at napatingin muli sa aming paligid. Baka may makakita sa amin at pagsimulan pa iyon ng chismis.

“And I’m sure, Mommy will like you, too,” dagdag niya pa, ngunit sa halip na gumaan ang aking pakiramdam ay lalo pa yatang nanginig ang aking puso kaya tinanggal ko ulit ang pagkakadikit ng aming mga palad.

I was overthinking. Sigurado akong hindi ako magugustuhan ng Mommy niya. Elegante iyon at sopistikadang babae, samantalang dukha lamang ako at. . . at. . .

“I know what you’re thinking. Huwag mo silang masyadong isipin. Kahit na itakwil nila ako, hindi ako hihiwalay sa’yo,” pahayag niya na sa halip na magpakilig sa akin ay lalo lamang akong ginulo ng aking konsensiya.

“You know, Joy, I really don’t like this set up. Hindi ko gusto na tinatago kita at tinatago mo ako,” pagpapatuloy niya pa kaya napaiwas na lamang ako ng tingin. Nahihirapan ako, hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin ko.

Matagal ko na siyang crush. Simula pa lang noong unang araw na pagtuntong ko sa unibersidad na ito ay siya na agad ang pinangarap ko, pero ngayong nandito na siya sa tabi ko. . . bakit parang ang hirap-hirap niyang abutin?

Bakit parang ang hirap-hirap tumaya? Dahil ba mayaman siya at mahirap lang ako o dahil alam kong ang lalaking pinagtutuunan ko ng pansin ay isang babaero?

Four Sandovals and I [SC: The Beginning]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon