Chapter 2

5 1 0
                                    

Lia France Mercado P.O.V

Kring!

Kring!

Kring!

Kring!

Nagising ako ng may narinig akong
tumutunog na bell wait teka bell?

Kaya tumayo ako dali dali at sumilip sa bintana ng condo ko hinanap ko kung san nang gagaling yung tunog ng bell pero hindi ko makita.

Hinanap kopa sa buong condo ko yung tunog ng bell hindi ako pwedeng mag kamali bell talaga yung narinig ko.

Nang hindi ko mahanap yung tunog ng bell ay sumuko na din ako pero nakakapagtaka parin na may tunog ng bell dito sa loob ng condo ko.

Wala naman akong binili or inuwi na bell dito sa condo ko kaya imposible naman yun.

Kahit nagtataka ay pumunta nalang ako ng banyo at naligo.

After 30 minutes ay lumabas na ako at nag bihis. Dumeretso ako sa kusina para mag luto ng umagahan.

Nagluto lang ako ng hotdog,egg, beacon. Kasalukyan akong kumakain ng maisip kona pumunta sa puntod nya.

Gusto kong malaman kung naka move on na ako since two years narin naman ang naka lipas siguro naka move on na naman ako diba?

After kumain ay lumabas na ako ng condo at pumara ng taxi.

Sinabi ko sa driver yung saan nya ako ibaba. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating narin ako.

Pagkapasok ko ay parang bumibigat yung pakiramdam ko pero pinilit ko na makapasok na.

Nang marating ko ang puntod nya ay napahagulgol nalang ako. Hindi ko parin pala kaya umiiyak kong sabi.

Ang tagal na nung panahon na yun pero hindi ko parin kayang takasan.

Ewan ko kung bakit bigla kong naisip na pumunta dito.

Hindi ko kaya dali dali akong umalis don at patakbong lumabas.

Pinagtitinginan ako ng mga tao kaya napayuko ako.

Napatigil ako sa pagiyak at pag lalakad ng may biglang nagsalita.

Hey miss! Pagtawag nito sakin kaya nilingon ko ito.

Laking gulat ko ng makita kung sino ito.

Eto yung lalaking naka bungguan ko kagabi. Sya yun yung nag bigay ng flayer sakin.

I-ikaw y-yung l-lalaki kagabi d-diba? Gulat kong sabi sa kanya.

Ahm oo bigla syang naglahad ng panyo kaya napatingin ako dito.

A-ahm salamat. Sabi ko at kinuha yung panyo nya at nag punas ng luha.

I-try mong bumisita dun sa cafe at mawawala yang bigat na nararamdaman mo biglang pumasok sa isip ko yung sinabi nya kaya napalingon ulit ako sa kanya.

Pero paglingon ko ay wala na sya katualad kagabi ay hinanp ko sya sa mga taong naglalakad pero hindi ko sya nakita lagi nalang syang naglalaho.

Tumingin ako sa panyong hawak ko nakalimutan nyanv kunin sakin to.

Nag commute ako pauwi ng maka uwi   ay kinuha ko yung cellphone ko at nag dial ng number ni Jessica.

Naka tatlong ring yun bago nya sagutin.

[Hello] sabi nya sa kanila linya.

[Jessica kamusta ang lolo mo?] Nangangamusta kong tanong.

[Okay na sya sabi ng doctor need nya ng pahinga para mabawi yung lakas nya] sagot nya sakin.

[Ahh mabuti naman kung ganon] sabi ko sa kanya. Hindi rin nagtagal ay binaba kona yung tawag at humilata sa kama simula nung mangyari yun ay naging malungkot ang buhay ko.

Hindi kona kayang ngumiti kagaya ng dati.

Naisipan ko na manuod nalang ng tv kaya kinuha ko yunv remote at binuksan yung TV.

Nanuod lang ako ng tv hanggang sa inantok na ako.

Nagising ako sa isang katok sa pinto kaya bumangon ako at binuksan ito.

Sumalubong sakin ang ngiti ng aking kaibigan na si Jessica.

Oh pasok ka. Medyo nagulat pa ako ng pumunta sya dito wala naman syang sinabi na pupunta sya.

Naupo sya sa sofa at nilapag ang bag sa lamesa. Nagulat pa ako ng may bag syang dala kaya napatingin ako sa kanya.

Bakit may malaki kang bag? Takang tanong ko sa kanya.

Ahm dito muna ako sila mom na daw ang bahala kay lolo naisip ko na wala Ka naman kasama dito so dito nalang ako mag stay para mag kasama tayo. Sabi nya at ngumiti.

Medyo nagulat pa ako sa part na yun pero kalaunan ay napangiti din ang bait talaga ni Jessica.

Umupo ako sa tabi nya at niyakap sya ng mahigpit natawa pa sya nung una pero agad din yumakap pabalik.

Tumayo na ako at nag punta sa kusina at kumuha ng juice para sa kanya.

Pag balik ko ay nilapag kona yung juice sa harap nya.

Salamat sabi nya at ngumiti ng matamis. Napatingin ako bigla sa bag ko ng maalala ko yung flayer na binigay sakin nung lalaki.

Kinuha ko yun at inipit sa libro nilapag ko sa table ko at bumalik sa sofa.

Maya maya pa ay tumayo si Jessica sabi nya sya nalang daw ang magluluto kaya nag nod nalang ako sa kanya.

Hindi rin naman nagtagal ay naka luto na si Jessica. After non ay kumain narin kami tahimik lang akong nakain habang si Jessica naman ay kinakausap ako.

Nakikinig lang ako sa kanya pag tapos namin kumain ay ako na ang nag prisinta na mag hugas.

Biglang sumulpot si Jessica sa gilid ko kay napa hawak pa ako sa dib-dib ko sa gulat.

Nang gugulat ka! Sabi ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

Ahm bes nood tayo sa loptop mo Netflix. Sabi nya kaya um-oo nalang ako.

Umalis na sya at pumunta sa kwarto ko dun nalang kami manonod.

The magic cafeWhere stories live. Discover now