CHAPTER ONE

165 8 0
                                    

Ayoko sanang gumising ng ganito ka aga, bakit kasi kaylangan pang mag-aral kung pwede namang mag apply nalang ako sa abroad mas malaki na ang pera, di pa gagastos si mama ng napakalaking pera dahil nag-aaral ako at si kuya sa napaka expensive na university. Di ko hilig ang pag-aaral, tamad ako at totoo ako diyan, ayoko yung nagpapanggap na matalino at pursige sa pag-aaral eh magugulat ka nalang buntis na o nakabuntis. Uso kase samin yan sa school, marami na akong nabalitaan niyan at isa din dun ang ex-barkada kong si Faye na akala ko tibo.

"Ivy! ano ba! babangon ka ba diyan o isasaksak ko tong medyas ng kuya mo sa bunganga mo?!" sigaw ni mama sa'kin.

Agad na akong bumangon dahil baka ma ospital ako sa banta ni mama, gumapang gapang ako papuntang C.R hindi ko talaga alam kung bakit wala akong gana pag dating sa pag-aaral. "Wag niyo namang idamay ang nananahimik kong medyas ma! nilabhan ko na yan last last month kahit ipaamoy mo pa kay Ivy" si kuya habang tumatawa. Di ko din gets ang pagka burara nang kuya ko eh, malinis kase kami ni mama pagdating sa mga gamit namin. Akala ko nga pinaglihi ng basura ang kuya ko sa sobrang rumi ng kwarto niya at umaalingasngaw na amoy isda ng katawan nya.

Pinigilan ko na ang sarili kong mag daydreaming sa loob ng C.R ko, baka hampasin pa ako ni mama ng pintuan. Mahirap ng magkapasa na pumasok ng school, paano nalang ang mga chikas ko hahaha! Enjoy naman pala talaga ang pagiging single, kahit papano nakakama ko lahat ng chiks ko nang walang disturbo. "Ma, pakisabi kay manong Jomar na hindi ako magpapahatid" sabi ko, habang nagbibihis na at ready nang bumaba.

"Hoy! pupunta ka na naman kina Joyce?!" tanong ni kuya habang nakapamewang. Paharang-harang sa daan, if I know gusto lang niya talagang tigilan ko si Joyce dahil may gusto din siya dito. Kahit siya kase ang na una na nakakilala kay Joyce, ako naman kase ang na unang nakipag ka-ibigan nito. Sorry nalang siya! hahaha "Eh ano naman sa'yo?, umalis ka nga sa dadaanan ko harangin mo man ako, ako pa rin ang hahabulin 'nun!" sabi ko na natatawa. Tinabig ko siya dahil di na talaga maipinta ang fes ni kuya.

Bumaba na ako diretso sa kusina, di ko na naabutan si mama pero okay na at least nag iwan ng sandwich kahit may ingkit na'tong isa walang hiya din kase tong kuya ko eh kung makakain daig pa ang lumba-lumba. Naririnig ko ang pag baba ni kuya na padabog halatang nananakot ang sira, pinagmasdan ko lang siyang lumabas ng bahay na di man lang sinara ang pinto, di lang kase siya patay gutom bobo din.

"Hoy Ivy Johansen Villanueva! binabalaan kita, oras na malaman kong kayo na ni Joyce kakalbuhin ko yang kilay mo! tingnan lang natin itsura mo!" sigaw ni kuya habang sinastart ang engine palabas ng gate namin, mukhang seryoso ang kumag pero wala akong paki noh, edi sa kanya na si Joyce, pinagsawaan ko na yun. "Kalbuhin mo na kilay ko kuya, isama mo na pati pilik mata ko! Huli ka pala sa balita eh! ahahaha" sigaw ko rin habang ngumunguya ng sandwich.

Umalis na siya habang ako na iwang nakatunganga. Kahit naman kasi babae ako kung tutuusin ang kuya ko talaga ang mas parang babae dahil di man matalino at masyado pang makintab ang utak dahil di pa nagagamit ng kumag eh mas may pursige yun sa pag-aaral lahat ginagawa di lang mabigyan ng sakit sa ulo si mama. Eh samantalang ako, matalino ako, syempre pogi din dahil di naman ako kukuning model kung mukha akong oger, pero wala akong interes ni kahit man lang negative 1 sa pag-aaral.

Oo, si mama na mismo nagsabi na ako ang dahilan ng pagkakaroon niya na athritis. Akalain niyo yun? Sisisihin pa ako, di nalang kasi tanggapin na matanda na siya. Hihihi, pero kahit ganun na lang yun, mahal ko naman mama ko kahit di talaga ako nabigyan ng sweetness sa katawan at di ko maipakita sa kanya yun. At kahit din ganoon ang kuya ko, ganun na talaga siya ahahaha! Kinuha ko na bag ko at inayos ang suot ko, naka T-shirt lang ako ng itim at may print na eiffle tower, magulo ang pagka bun sa buhok at naka faded skinny jeans at sneaker.

Handa na ako sa panibagong araw ko!
___________________________________________________________________________________________________My Slovenly Lady (GxG)

MY SLOVENLY LADY (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon