Chapter VI

88 7 0
                                    

A/N: Thank you sa mga nagbabasa nito.


Kamsi


Pagkatapos naming mag-usap nila Ludacris at Daelle doon sa gay bar, kumaripas na ako ng takbo dahil tama nga pala first day na first day ko sa bagong university na nilipitan ko kailangan 'di ako ma late. Talent ko pa naman yun.

Pag dating ko sa apartment ko, dire-diretso na akong pumunta sa kusina upang initin ang malapit ng mapanis na lao.uy na niluto ni Faye kagabi. Di ko siya naka usap kagabi kasi naman ang init init ng ulo niya, napaka wrong timing niyang mag inarte. Nakakatawang isipin na kahit di ko na siya sinusuyo tulad ng dati, patuloy parin ang pag aalaga niya sa'kin na parang walang nangyare.

Putchak... 6:47am na!

No choice talaga ako ngayun.

"Kamsi... "

Bigla akong napatigil sa narinig ko. Napasilip ako sa kinaroroonan ng boses na yun, tinungga ko muna ang isang mangkok ng lao.uy at hinarap ang babaeng minahal ko ng sobra noon, ngunit kina iinisan ko na ngayon.

"Salamat dito" sabay angat ko sa bowl. Hindi ako makatitig sa kanya, hindi dahil sa di pa ako nakaka move on sa nangyari. Tang inot naman kasi... ang suot niya! Bakit ba ang wrong tyming niya? May klase pa kaya ako. "Aalis na ako, makaka uwi ka na rin"

"Kams, ano ba! Tingnan mo ako, kausapin mo ako ng matino!"

"Please Faye... please lang" sabay tulak ko sa kanya nang akmang yayakapin na naman niya ako.

"Please Kams, ako nalang..."

Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? gago lang e, ako na nag makaawa dati hindi niya pinakinggan. Natakot siya, naduwag sa mga magulang niya na kulang nalang sambahin ang pera.

Umalis na ako na wala man lang paalam, walang patutunguhan kung mag-uusap kami tungkol sa nakaraan para saan pa't may pamilya na siya, may anak at asawa.

————————

Shet this! Late talaga ako first day na first day ko pa naman!

Ganito pala dito, walang pinagkaiba ang university na'to sa isang mall, napakalaki at napaka engrande. Mukhang matatagalan bago ako masanay dito.

Di na ako tumakbo pa, late na naman talaga ako e.

"Hmm, room 207... 2nd floor. Ba't ang layo naman ata." napalingo-lingo nalang ako dahil kahit napaka ganda at napaka expensive ng paaralan na ito e kung maka asta naman 'tong mga estudyante dito e parang public school lang.

Kung makatambay sa corridor at hallway e kulang nalang maglagay sila ng lamesa at mag order sila ng empe lights at isang bucket ng san mig. Tsk!

Natuntun ko na rin ang classroom ko, pati pa naman dito ang ingay-ingay. May isa pang grupo dun sa likod na mukhang pasimuno ng ka ingayan dito. Pwede naman sigurong mag take ng call sa labas ng classroom or di kaya hinaan ang boses.

Late nga ako dahil nakalatag na ang mga gamit sa lamesa ng professor sa subject na ito. Langya talaga, sana naman 'di lang ako ang late ngayon. Umupo ako sa front row malapit sa pintuan, ito lang naman kase ang pinaka malapit at bakanteng upuan na nakita ko.

Meron namang isa dun sa likod pero ayoko ng rumampa. Sandaling minuto din ako nakayuko, napansin kong walang bag na dala ang ibang tao dito ako rin naman wala pero dahil di ko rin naman alam ang dadalhin ko dahil nga bago palang ako dito.

Nang mapansin kong may nakatayo sa harap ko, tiningnan ko lang siya at yumuko ulit. Ano bang problema niya? gusto ba niyang kumandong sa'kin?

"Excuse me? I'm Jonah" pakilala ng babaeng nakatayo sa kinauupuan ko. Medyo nagulat ako pero ngumiti nalang ako. Naks naman! may chix agad ako? Agad-agad?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY SLOVENLY LADY (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon