CHAPTER IV

84 7 0
                                    

Johansen


Siya nga si Kamsi... Potek akala ko pa naman yugyugan na. Mga ilang minuto din akong nakatitig sa kanya, 'di ko nga namalayan na nagmumukhang gago na pala ako dahil pinagtatawanan na ako ng mga pakno kong kaklase kinuhaan pa ako ng stolen picture ng mga barkada ko.


Kung hindi ako tinawag ni Ma'am Karen, siguro'y nakatitig pa'rin ako sa kanya. F.Y.I lang mga pare, 'di ako na aattract sa kanya kaya ako napatitig ng ganito. Di naman lahat ng titig e maganda ang dahilan, may mga titig na pandidiri ang dahilan.


Ang Kamsi na 'to... sus, kahit bulag ang tatanungin paniguradong mahuhulaan na hindi ito naligo.


"Miss Johansen and Miss Kamsi? since both of you are late. I want you to prepare an entertaining dance to be perform tomorrow before we start our class." sabi ni Ma'am na seryoso ang mukha habang naghihiyawan na ang lahat sa klase.


Bigla akong nakaramdam ng panginginig sa tuhod ko, tutang ina... ganda lang ang meron ako pero 'nung nagsabog ang panginoon ng talento sa pagsasayaw natutulog pa ako sa intestine ng nanay ko.


Hindi ako star player ng kung anung varsity dito sa university, ni hindi ako dean's lister sa aming department. Ngunit buong studyante dito sa university kilala ako dahil ako lang naman ang tinaguriang "MODEL OF THE SEASON", "MOST OUTSTANDING" at ang pinaka the best sa lahat "MOST TALENTED OF THE CENTURY" wagas!


"Sure. Any kind of dance?" napalingon ako na may halong shock. Ano daw teh? ang taas din ng confidence ng Kamsi na'to ah. Paslangin ko kaya 'to mamaya?


"Yes. Any kind of dance basta sayaw ang gagawin niyo at hindi adult exercise. Wag kayong mag aerobic sa harap namin. Okay?" tango lang ang sinagot ng hinayupak at ako naman dito nakakunot ang kilay at hinahanap pa ang boses ko.


"Then that's the deal. ANY KIND OF DANCE" sabi niya habang umupo na at parang hindi ako nakikita. Ang yabang din e, kailangan ko talagang lusutan 'to dahil kong hindi ito lang ang dahilan ng pag guho sa'king reputasyon dito, ito lang din talaga ang magpapawala ng mga iniingatang chikas ko dito.


"Ma'am, kanta nala-"


"Umupo ka na Miss Villanueva" pambabaraw ni Ma'am Karen sa'kin, ang hard ng gaga.


Okay! fine! kayo na... bwesit 'to. Huminga ako ng malalim at nilingon ang batang yagit na si Kamsi. "Huhulaan ko ulam mo, gusto mo?" sabi ko na bumubulong habang tinitingnan si Ma'am Karen na busy sa pag-aarange ng laptop niya.


"Hmm" sabi nito. Ooy, ayaw niyang buksan ang bibig niya concern pala si ate.

"Amoy lao.uy ka, 'lam mo yun. Pag nagpractice na tayo sa pagsasayaw maligo ka ah" sabi ko sabay kindat at aalis na sana kung di niya lang ako hinila pabalik sa kanya.


"Maliligo talaga ako" sabi nito na may halog pang aakit sa boses. Hindi ko maitanggi ang gulat sa mukha ko, dahil ang boses niya... ang lakas ng impact dito sa kaliwang ribs ko.


Aktong kakawala ako sa mahigpit na pagkakahawak niya, isang halik sa pisngi ang binigay niya.


At ako? sa sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko sa 'di maipaliwanag na dahilan, nandilim lahat ng paningin ko.


MY SLOVENLY LADY (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon