PROLOGUE

127 8 2
                                    

National museum of Philippines

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


National museum of Philippines


Mailap man ang aking distanya sa mga disensyo na nakadikit rito sa museum hindi alintana ang isang disensyong kaagaw ng aking pansin.


Isa itong disensyo na kasing taas ng disensyo ni Mona Lisa, isa itong disensyo na nakaukit sa isang lugar na para bang katulad sa movie na Alice in wonderland.


"Ate tara na daw" My Younger brother said to me while his hands on his hips.


"Oo na bossing eto na nga" sarcasm kong sabi at pumunta na kami sa magulang namin, na naghahantay lang sa labas dahil tinamad na 'raw sila.





Hindi pa 'rin maalis sa aking isipan ang disensyong aking nakita kahapon sa museum, Harmosa.


Napangiti na lang ako sa kawalan ng aking banggitan sa aking sarili ang paksa ng disensyong bumihag sa aking kahapon.


"Paano ba nabubuo ang panaginip?"


Curious na sabi nang nakababata kong kapatid habang nakatingala sa kisame at naka-hawak ang kanyang kamay sa kalaro niyang babae.


I'm currently watching over my siblings because both of our parents are at work. They're not too mischievous like other kids because they're already mature enough to understand things.


Pero masyadong curious ang kapatid ko kaya lahat ata kaya niyang itanong.


Katulad ng paano ba raw kami nagawa, kung ano nga ba daw ang nauna.


Itlog o manok, minsan tinatanong niya rin sa akin kung ampon ba ako kahit mag kamukha naman kami.


"Edi pumikit ka" rinig kong sabi naman ng kanyang kalaro at sabay silang pumikit, napangiti na lang ako dahil ang cute nilang pag masdan. Lalaki ang kapatid ko at ang kalaro niya ay isang babae kaya panigurado kung hindi kami lilipat o hindi lilipat ang babaeng kalaro ng kapatid ko—panigurado sila ang magkakatuluyan.

Pero sino nga ba ako para mag pasya!

Nakapikit na silang dalawa habang magka-hawak pa rin ang kamay kung kaya't napagaya na lamang ako, pinikit ko ang aking mata ng saglitan habang may ngiti sa aking labi.

"Mahal na mahal kita"

Kakapikit ko pa lamang ngunit para na akong nananaginip dahil sa boses na aking narinig, diniin ko lalo ang aking pag pikit sinusubukan na masulyapan ang lalaking nasa harap ko ngayon.

"Ikaw ang katanging-tanging aking mahal, tanggapin mo ito bilang takdang ng aking pagmamahal sa iyo"

Napakalamig ng kanyang boses na kahit nakapikit lamang ako ramdam na ramdam ko ang kanyang presence, sa aking pag gawi ng tingin sa nakapikit kong mata nakita ko ang kanyang hawak.

Ito ay isang purple passionflower na nasa isang malaking basket, kumuha ako ng isa at ramdam na ramdam ko ang texture ng flower at agad ko iyon pinisil dahilan para kumulay sa aking palad.


Sa aking pag-kagulat sumabay ang alingawsaw ng boses ng aking kapatid.

"Ate!"

Napadilat ako sa hindi ko malaman na dahilan, kasabay ng pagkabigla sa aking mukha—nasa tapat ako ng isang malaking puno na malapit lang sa school namin.

"A-Anong ginagawa natin rito?" Pag tataka kong tanong dahil kaganina lang ay nasa bahay lang kami.


Takang taka akong nakatingin sa puno, kusang umatras ang aking mga paa.


"Sinundan ka lang po namin, narinig po kasi namin na humahagik-ik ka kaya binuksan namin yung mata namin, naglalakad kana palabas." Sabi nang babaeng kalaro ng aking kapatid na lalaki.


Impossible dahil saglit lang ang pag pikit ko at kung lalakarin ko man itong punong nasa harap ko—panigurado ay pagod na ako dahil masyadong malayo ang bahay namin dito sa punong nasa harap ko, kailangan pa namin sumakay ng isang jeep at tricycle bago makapunta rito.


Kaya papaanong naglakad lang ako rito? Napatingin ako sa dalawang bata na hingal na hingal at bakas sakanilang mukha na sila ang napagod kakahabol sa akin.

Bigla nanaman pumasok sa aking isipin ang lalaking nasa aking paningin nung ako'y pumikit kaganina, napatingin ako sa aking palad dahil may kulay purple na ang aking palad na alam kong wala naman ito kaganina.

Ano nga ulit ang nanyari?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whisper of starlit heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon