| 2 | - Finding A Partner

47 4 16
                                    

Chapter 2


Finding a Partner

Andy's POV

Saturday ngayon at sa Friday na yung Dance Fest namin at ako nalang ata yung walang partner sa school. Oo kawawa ako no.

Pupunta na ako sa Coffespree, yung coffee shop na part time ko. Every Saturday lang ang work ko dun. Oo convenience store, pizza delivery, at saka coffee shop ang part-time ko. Masaya ba? Oo sa simula pero nakakastress at kapagod rin.

( ;'Д`)

"Oy Hazel, punta na ako sa Coffespree. Time na ng shift ko eh, bye!"

Ay tulog pala. Eh kasi nagpuyat 'to e. Binasa mga libro na binili kagabi. Sobrang hyper nito.

Inalog ko yung kama niya.

"Oh?!!" sigaw niya naiinis.

Highblood??

"Teh! Part time job ko ngayon! Bantayan mo yung bahay ha! "

"Oo na, 'ge. Ingat ok. Kita mong tulog yung tao e!"

"Oo na sige!"

Hay umalis na ako, umagang umaga, oo. Medyo malayo kasi sasakay pa ako ng MRT, 'e ayokong abutan yung maraming tao na sasakay kaya ayun mauuna ako. Exercise ko na rin 'to.

Earphones ulit, tapos nagcommute na ako papunta sa MRT Station. Salamat di naman marami yung tao ngayon na sasakay total Saturday, yung iba walang pasok.

Sumakay na ako at medyo inaantok parin ako kaya natulog muna ako sa MRT.

**

Pag gising ko...

Nasa anong station kami... Teka Antipolo na.

Teka hindi ako dito..

Makati lang ako...

HAH?!?!? LUMAGPAS NA AKO NG STATION!!!

Anak ng tinapa!!!!!!!! Nakatulog ako ng masyadong matagal!!!!!

Nagpanic ako at lumabas na agad sa train. Tumakbo na ako palabas at sasakay nalang ako ng bus papunta sa Coffespree sa Makati.

Pumara ako para sa bus, pero walang kwenta. Walang bus papuntang Makati ngayong oras.

Wala ng ibang paraan kundi maglakad ako sa isa pang MRT Station....

Hayy oo naglakad ako ng isang oras kawalang kwentang araw ngayon. Ngayon lang ako nagkamali sa pagcommute.

Nakarating na ako at nakakita ng bus papuntang Makati. Ayan punong puno rin yung bus, ang daming tao! Init!

Ang init sa Pilipinas (゚o゚;;

**


Nakarating na ako sa destination ko, sa Makati. Naglakad ako for ten minutes papuntang Coffespree. Late na ako... By 10 minutes. Hay...

"Andy? Ngayon ka lang? Bat ka late? Pawis na pawis ka oh! Dali magbihis ka na, ayusin mo itsura mo ngayon. Hahanda pa tayo ng tables! "

Oo waitress ako.

"Opo 😅 Sorry po nagkaproblema po kasi kanina sa commute."

"Commute? Nagkaproblema ka? Hala ka diba ikaw nga yung pinakaunang nakakarating dito?"

"Ewan ko nga rin po. "

Hay, sige. Nagbihis na ako ng uniform at umunta ako sa mga upuan at inayos na.

My Favorite LoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon