HINDI ako makatulog.
Ewan ko hindi mawala wala sa isip ko yong nangyari kanina. I really did'nt expect na mangyayari yon. Bat ba kasi niya ako tinulungan.
"Kasi nga ginulat ka niya kaya siya bumawi"
Ito ang paulit-ulit ko na sinasabi sa sarili ko pero pvtang!na hindi naman pumapasok sa kukuti ko.Pasado 11pm na pero ito ako ngayon hindi dinadalaw ng antok.Nakakairita.Kinuha ko yong phone ko na nasa lamesa at nagfacebook.
Masearch nga yong name ni singkit.
Wait. Paano ko masearch eh mavy lang yong sinabi niya at walang apilyedo. Amm.sinearch ko ang pangalan ni jomar at nagbabakasakali na makita ko sa mutual friend niya.
Pero Hindi ko makita eh. Aishh. Wag nalang nakakatamad na.
Ilang saglit lang ay may nagfriend request sakin. I mean marami namang nakipag friend request sakin diko lang talaga kino confirm.
>Mavy zach Goven sent you a friendrequest
Laking gulat ko ng makita kung siya to. OMG. In add niya ako.
"Ackkkk... Ackkk.. ackk" kinikilig kong banggit at nagtatalon-talon sa kilig.
Agad ko namang pinindot ang confirm tas ayon friends na kami. Ackk. Inistalk ko mona siya.
"Oh famous pala tong si singkit"bulong ko sa sarili ko.
Itong profile niya na naka hubad yong damit niya na halatang stolen pic lang. Hindi naman siya masculado pero may abs din naman 6 pcs abs. Shytttt.
Tas ang yong mga nagreact 1k na, tinignan ko ang mga comment na mga 500 comment din. Tsk. Halos mga nagcocoment ay babae.
Bat naman niya ako inadd!? Chenick ko naman yong mga messages ko baka magchat sakin si singkit.
Pero imposible naman knowing him hindi naman siya yong tipong lalaki na mag fifirstmove kasi nga igop. Tsk.
11:40pm na kaya inoff kona yong phone ko. Inaantok nako kaya natulog na ako at pinatay ang ilaw.
NASA may palengke ako kasama ko si mama. Friday kasi ngayon kaya madaming mga nagtitinda.Nandito ako sa hagdan naghihintay na matapos si mama na bumili ng mga kakailanganin para sa bahay.
Nakakabored dito wala man lang akong makitang igop. Umupo ako sa may hagdan tapos nagselpon. I still can't move on what happen yesterday.
ting*
Tinignan ko kung sino ang nagmessage sa akin. Laking gulat ko ng si mavy ang nagchat. Ackkkkkkkk, kinikilig ako.
MAVY•
-Ur so funny, ur jumping like a kanggaro.
Nagtataka ako sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin? Nakikita ba niya ako?! Pvta, posible bang nandito siya?No way.
-Ano bang pinagsasabi mo jan, baliw!
-Nothing, oh look ur blushing huh!
-Tumigil ka nga jan pvtang!na mo nakakairita kana ha.Makita lang kita dito babalatan talaga kita ng buhay tamo.
Pananakot ko sa kanya sa chat.Kagigil tong lalaking to nang-iinis.Makita ko lang siya talaga dito babalatan ko talaga siya ng buhay.
Kagigil.
Ano bang trip ng damohong singkit nato at nagchat lang para mang-inis.tskkk.
MAVY•
-As if you can do that!You don't even know where i am.