Chapter 04

1.4K 59 7
                                    

[.EZRA'S POV.]

"Ambilis naman tumakbo ni Sky." , sabi ko sabay kamot sa batok ko. Hindi ko tuloy nahabol, pero parang alam ko kung saan siya nagpunta.

"Coach." , tawag k okay coach Samuel. "Hahabulin mo best friend mo?" , tanung niya sa akin, aba matinde! Alam niya agad ah. Tumango naman ako bilang sagot. "Sure. And make sure that she's ok." , nakangiting sabi ni coach sa akin.

Nagpaalam na din muna ako kay Treb at kay Winter.

Naglakad ako papunta doon sa tambayan naming dalawa. Sa garden.

Pag dating ko dun ay nakarinig ako ng hikbi. Tama nga ako, nandito nga siya. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit habang hinahagod ko yung likod niya.

"Shhh. Sky tahan na best friend. Ayokong makita kang nasasaktan at umiiyak kasi masakit para sa akin yun." , sabi ko sa kanya.

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at itinapat ko yung mukha niya sa mukha ko, ipinagdikit ko naman yung noo naming dalawa, at tinitigan ko siya ng maigi sa mata niya. Napansin ko naman na namula siya doon sa ginawa ko kaya tinawanan ko lang siya. Bigla siyang tumalikod sa akin at nagpunas ng luha niya.

"Baliw!" , sigaw niya sa akin habang nakatalikod.

"Tara na! Balik na tayo sa gym." , pag-aaya ko sa kanya. "Ayaw ko Ez! Baka mamaya nandun pa sila." , sabi niya. "Ako bahala sayo." , sabi ko naman sa kanya. Hindi ko na hahayaang may mangyari pang hindi maganda kay Sky!

=

[.AUTUMN'S POV.]

Pabalik na kami ngayon ng gym ni Ezra at nagulat ako ng hawakan ni Ezra yung kamay ko at sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Tinitignan ko siya habang naglalakad kami at sa di inaasahang pangyayare ay bigla akong napatid.

"Kasi naman, alam kong gwapo ako bff, pero di mo naman ako kailangan titigan pag naglalakad ka." , natatawang sabi niya habang inaalalayan ako. Ang bait talaga ng best friend ko at ang gwapo pa!

Pagkadating namin sa gym...

"Ok ka lang baby?" , nag-aalalang tanung ni kuya sa akin. "Autumn." , malungkot na tawag sa akin ni Trebor. "Pwede ba tayo mag-usap?" , tanung niya sa akin. At tumango nalang ako bilang sagot. Tungkol saan naman yung pag-uusapan naming dalawa at parang sobrang seryoso ng aura nito.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinatak ako sa likod ng gym.

"Uhm, ano kasi Autumn eh. Baka kung ano." , nanginginig niyang sabi.

"May speech defect kana ba Trebor?" , seryoso kong tanung sa kanya. "Ah- eh ano kasi. Uhm, kung pwede sana ta –" , hindi natuloy ni Trebor yung sasabihin niya ng biglang magsalita si Leslie.

"Nandito ka lang pala Treb. Hinahanap ka ni coach Samuel. I-practice mo na daw yung lay ups mo." , sabi ni Leslie. "Ah ganun ba, wrong timing naman." , banas na sabi niya.

Being BulliedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon