"Misery"
-Clarkson Lake-
Agad na tumawag sa office si Detective Davis para sa gagawing aksyon.
Habang abala si Detective Davis sa pag cocontact sa Office, nilapitan ni Detective Vergara ang Ina ni Kleane na si Monica na humahangos at tahimik na nakaupo sa tabi
"Magandang Araw po" Ang sambit ng bibig ni Detective Davis
Tumayo naman sa kinauupuan si Monica
"Detective, Kamusta? Ok lang po sila?" Ang sunod sunod na tanong niya
"Misis. Kumalma muna kayo. Ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya para makauwi ang mga bata na ligtas" Ang ani ni Detective Vergara
"Pero ngayon kailangan namin kayong tanungin kung sino sino ang kasama ng inyong anak" Sabi naman ni Detective Davis
"Hinatid ko siya sa Bahay ng isa niyang kaibigan na si Bryson Ortiz. Hindi ko na nakita yung ibang kasama sa loob pero alam ko na kasama dun ang kaibigan ng anak ko na si Aleecia Dy" Ang sagot naman ng ina ni Kleane
"Mag papadala ako ng unit sa bahay ng mga Ortiz" Ang ani naman ni Detective Vergara at pumunta sa sasakyan
Naiwan naman si Detective Davis sa tabi ni Monica na nag aalala sa kalagayan ng kaniyang anak.
Meanwhile: Cassova Lake
Sa kanilang narinig na huling sigaw ni Claire ay ikinalungkot nila ito. Hanggang ngayon ay tumatakbo parin sila sa kanilang buhay at sa kagandahang palad ay may namataan sila na isang Tree Platform na mataas.
Meron itong rope ladder na luma. Naunang umakyat si Kleane sumunod si Sean, Bryson, at Colleen.
Sa pag akyat naman ni Zach ay nasira ang hagdan dahil ito ay marupok na. Buti nalang at nahawakan pa ni Colleen ang kaniyang mga kamay.
Ang platform ay sampung talampakan ang taas. Walang maakyatan si Zach at tanging kamay nalang ni Colleen ang kaniyang hawak hawak. Agad namang tinulungan ni Bryson at ni Sean si Colleen pero dahil sa dead weight o sa bigat ni Zach ay parang hindi nila siya maiangat.
"Hang on!" Sabi ni Colleen
At sa hindi inaasahan ang buwaya ay umatake at nakain ang kalahating katawan ni Zach, pero kahit ganun may malay parin siya.
"No!" Sigaw ni Colleen
"Let go-" Nanghihinang sabi ni Zach
"No!! i will not" Naluluhang sabi ni Colleen
"Save yourself- Colleen.. Alam ko na hindi mo ako mapapatawad sa nagawa kong kasalanan sayo... Pero tandaan mo, ikaw lang ang babaing minahal ko na ganito" Nanghihinang sabi ni Zach
"how come you are talking?!" Naluluhang sabi ni Colleen
"Bryson, Sean.. Help me! Bring him up!" Sabi ni Colleen
Pero ang pwersa ng bigat ni Zach ay hindi mabuhat, ganun na din ang pagkahina ng sikmura ni Bryson
"Let go" Mahinang sabi ni Zach habang ang dugo ay umaagos sa kaniyang labi
"No! no!.. i forgive you! I still love you!" Sabi ni Colleen
"Let go, Colleen.. please" sabi ni Zach
"I will not" Umiuyak na sabi ni Colleen
Lumapit si Kleane kay Colleen para tulungang iangat si Zach
"Please. Kleane.." sabi ni Zach
Indicating na wag na siyang subukang iligtas
BINABASA MO ANG
The Lake
Science Fiction(ONGOING) (UNDER EDITING) What should have been a fun and peaceful Spring Break Vacation by a group of teenagers ended in a tremendous tragedy. Can they still survive? Will they survive? Who will survive TAGALOG - SHORT STORY DISCLAIMER This...