-Victory?-
Kleane POV
Matapos ang ilang oras na byahe papuntang hospital ay ligtas namang nakaratinng sila Sean, Bryson, at Kleane sa hospital.
After 5 hours
Pagkatapos ng ilang mga oras ay binuksan ni Kleane ang kaniyang mga mata at nakita ang liwanag ng hospital. Kaniyang nakita ang kaniyang ina na nakatulog ng nagbabantay sa kaniyang tabi.
Siya ay gumalaw ng bahagya at naramdaman ang mga sugat at galos na kaniyang natamo sa kanilang ginawa.
"Kleane? Ok ka na ba?" Ang tanong ng Ina niya
Ngumiti lang siya at huminga ng malalim
"Opo" Ang sagot niya
"Sila Bryson at Sean po?" Ang dagdag niya na tanong"Ok lang sila.. gising na rin sila.. nagpapasalamat ako na ligtas ka" Sabi ng kaniyang ina at niyakap siya
"Pero sila Alee" Naiiyak na sabi ni Kleane at umiyak sa bisig ng kaniyang ina
"Shh.. Kleane.." Ang naiiyak rin na sabi ng kaniyang ina
Maya maya pa ay napagpasyahang lumabas muna ni Kleane paara lumanghap ng sariwang hangin, dala dala ang swero nagtungo siya sa rooftop.
Habang naglalakad papunta elavator nakita niya ang kwarto na ang pangalan ni Sean ang nakasaulat ngunit walang tao roon.
Kaniya itong ipinag tanong
"Excuse me. Nurse, Yung pasyente po dito? Nasaan?" Tanong ni Kleane
"Ah inilipat na po siya ng Hospital ng pamilya po niya.." Ang sabi naman ng Nurse
"Ok po.. salamat po" Ani ni Kleane
"Si Bryson Carter po?" Ang tanong pa ni Kleane
"Kasama siya sa lumipat ng hospital" Ang sagot naman muli ng nurse
Walanag nagawa si Kleane at huminga na lamang ng malalim at bumalik sa kaniyang kwarto at doon uli umiyak dahil sa sinapit niya.
Ngunit pinipilit niya na maging matatag upang maging ok sa kaniyang mga nararamdaman. Kahit alam niyang hindi makakatulong ito.
After two days
makakauwi na rin si Kleane galing sa hospital. Habang nag mamaneho ang kaniyang Ina ay sobrang tahimik
"Ma, nakita na ba nila yung mga kaibigan ko?" Ang pambabasag sa katahimikan ni Kleane
"Oo.. Ang ilan sa kanila nakita sa loob ng tyan ng buwaya" Ang sabi ng kaniyang ina
huminga ng malalim si Kleane
"Anak.. magkakaroon ng sabayang libing bukas para sa mga kaibigan mo.. gusto mo ba pumunta?" Ang tanong ng kaniyang ina
"Opo" Maiyak iyak na sabi ni Kleane
"Sigurado ka ba?" Ang tanong ng kaniyang Ina
"Opo" Ang sagot ni Kleane
Nalulungkot ng lubusan si Kleane dahil ang dapat sana'y masaya at nakaka walang stress na spring break ay naging nakakalungkot na trahedya.
Kinabukasan ay pumunta siya sa libing, ngunit hindi siya lumabas ng kotse hanngang sa mawala na halos lahat ng mga ummatted.
Nang maka-alis na ang ibang mga tao ay lumabas siya ng kotse dala dala ang mga bulaklak, naluluhang lumapit sa bawat puntod ng kaniyang mga kaibigan
Tumigil siya sa puntod ng kaniyang kaibigang si Alee at doo'y naiyak.
Maya-maya ay may humawak sa kaniyang kamay at pagkatingin niya ay si Sean ito.Niyakap ni Kleane si Sean
"Makakaya natin ito" Ang sabi ni Sean ay niyakap rin Kleane at hindi mapigilang umiyak
Lalong hinigpitan ni Kleane ang yakap niya kay Sean at lalong lumakas ang hagulgol, ang kaniyang pagpipigil sa mga nararamdaman ay sabay sabay na bumuhos
Nanlumo si Kleane at hindi mapigilang mapaupo nalang, inalalayan lamang siya ni Sean
BINABASA MO ANG
The Lake
Science Fiction(ONGOING) (UNDER EDITING) What should have been a fun and peaceful Spring Break Vacation by a group of teenagers ended in a tremendous tragedy. Can they still survive? Will they survive? Who will survive TAGALOG - SHORT STORY DISCLAIMER This...