CHAPTER 2

19 0 0
                                    

After ko maidlip ng sandali, oo sandali lang at idlip lang. Ginising kasi kaagad ako ni Mama kasi kakain na kami ng tanghalian. Bale, kami lang dalawa sabay na kakain ngayon dahil ang mga gwapong kalalakihan sa bahay na ito ay masipag na nagtatrabaho para sa ikakaganda ng kabuhayan namin. Hahaha. Lalim. Well, kidding aside, ayun si Mama at nakapagluto na ng aking ever favorite, sinigang, beybe!

I went straight to my Mom and hugged her from behind.


"Wow, favorite ko Ma! Thank you!"


"Aba'y maganda yata ang gising mo, natuloy ba yung panaginip mo't naglalambing ka kay Mama?" Natatatawang sabi ni Mama.

"Nope, actually I was just very happy that my ever favorite food's served on the table, Mom." I answered with a smile.

"No biggie, sweetie. Alam ko namang diet ka ng konti e, kaya ipahinga mo muna at kumain na tayo."

"Aright."

After we ate, nothing eventful happened. Nganga all the time. Pa-gm gm, twitter, fb, insta, and most importantly, investigating Harris' Fan Pages. Yeah, investigating. I dont do stalking, I investigate. Grabehan na talaga ang kasikatan ng bebilabs ko. At opo, hindi ko siya kaibigan, kapitbahay o kaklase. Isa syang artista. Isang bituin na kay hirap abutin. Haayyy.

"Lalim nyan ah. Gusto mo pasyal tayo?" Yaya ni Mama. Well, actually, madalas naman talaga ang mother-daughter day namin ni Mama. Medyo nakakatamad lang din kasi Summer. Mainit.

"Tara nga Ma, nang malamigan naman tong balat ko. Iniisip ko nga kung mag evacuate na muna ako sa ref e. Inet!"


"Corny mo. Sige, hala, magbihis ka na't tayo'y umalis na para maaga rin tayong makauwi bago makapaghapunan."


Nag stroll lang kami ni Mama sa mall and bought some dresses and shoes and were off to home.

Were on our way to the mall's exit when we heard someone calling.

"MP! MP! Tita Mariane!"

Tiningnan ko kung sino yung tumatawag samin, at ang magaling na Ace lang pala.

"Ano ba yun T-Ace? Makatawag ka naman kala mo katapusan na ng mundo." Napatingin ako sa kanya kasi hinihingal sya. Anyare dito?

"Ang sweet nyo talagang mga alak kayo. Haha. Anyways, bakit tinatawag mo kami at hingal na hingal ka dyan? San ang marathon?" Pabirong hirit ni Mama. K. Haha.

"OA naman Tita M. Gusto ko lang po sanang sumabay na sa inyong umuwi." Paliwanag niya. Akala ko naman kung bakit. Psh.

"Yun lang pala e. Pasigaw sigaw ka pa dyan. Kala mo manganganak ka na." Pang aasar ko sa kanya.

"Whatever you say, MP. Napansin ko lang kasi yung pangit mong lakad kaya nalaman kong ikaw agad yung nakita ko." Depensa nya. Kala naman nya maasar ako.

"Shut up." Pagkasabi ko'y hinampas ko sya. Hindi talaga ako naasar sa kanya. Hindi talaga.

"Hey hey. Chill there, you brute. Wala tayo sa bahay nyo." natatawang sabi nya. Kahit kailan talaga tong lalaking ito. Nakakabuwisit.

"Ewan ko sayo. As if naman gusto kong nasa bahay ka."

"Para namang hindi nga. Mas gwapo pa kaya ako kay Harris na kinababaliwan mo." Sabay papogi at pa-cute nya. Ay leche nakakasuka.

"Tigilan mo nga ako. Nagugutom na ako at nakakasuka ka. Baka maubos laman ng sikmura ko sa pinagsasabi mo."

"Hayy liquor lovebirds, tigilan nyo na nga yang LQ nyo."

As in?! As in?! Ano ba tong nanay ko? As if magkakagusto ako sa kapre na yan. Yuck. Over my dead hot gorgeous bodeeeeh.

"Eew. Ma. Ano ba. Don't say bad words. Lika na nga, lets go home. Im tired." Naglakad na ako palabas kasunod si Mamang ngingiti ngiti at Ace na pinapatay ako ng tingin. Whatever you freak.

Nang marating namin ang bahay, pumasok na agad ako sa gate papuntang main door. I am so damn tired kaya mas gugustuhin ko na munang magpahinga sa kama ko. Naririnig ko pa sila Mama na nag uusap sa labas.

"Teka Ace, di ka ba muna papasok? Dito ka na maghapunan kasabay namin. Parating narin sina Mark at Phyl." Yaya nya kay Mama. Ano ba Ma, wag kang magpasok ng enkanto dito sa bahay, please lang.

"Hindi na po Tita M, mamaya maggalaiti nanaman yabn MP nyo at sisihin ako kung bakit di sya makakain ng maayos. Mauuna na po ako. Salamat po." I can taste dispair in his voice. Bakit ganun? Gusto nya rin namang malayo sakin ah. Naiirita nga daw sya pag magkasama kami. Well, mukhang paninindigan nya na. Pero, base sa tono ng pananalita nya kanina, may iba e. Iba talaga. Ano kaya yun?

"Oh, akala ko umakyat ka na sa kwarto mo? Bakit nandyan ka sa pinto't nakaharang? Dadaan ako, tabi." nagulat ako ng biglang buksan ni Mama yung screen door namin. Anukayayon. Imba nanaman si Ina.

"Pakitawag nalang po ako pag dumating na sina Kuya't Papa, Ma. Thanks." Pakasabi ko'y mabigat ang paa kong umakyat papunta sa kwarto ko. Nakakapagod. Bukod dun nabubwisit pa ako. Idunnowhy.


Pagkapasok ko, humiga agad ako at nakipagtitigan sa kisame. Nakakatamad magpalit ng damit. Mamaya nalang.


"Nakokonsensya ba ako? Teka nga, bakit naman ako makokonsensya dun sa kapre na yun. Eh palagi naman kaming nag aasaran." Tsk. Malala na to. Kinakausap ko na sarili ko out of curiousity. Pero nakakapagod talaga e. Idlip na muna ako.


"Anak, Psy, gising na." narinig kong sabi ni Mama habang kumakatok. Himala, nagising ako. Knowibg Mary Psylhiene, tulog mantika to.

"Opoooo."


"Hintayin ka namin sa baba ha." At narinig ko ang palayong yabag ng paa ni Mama. Actually, nawala gutom ko e. Nalipasan na siguro ako. Pero bababa parin ako. Baka pagalitan ako ng mga kalalakihan dun e.

Matapos kumai'y nalinisan ko ang mga plato't dumiretso na sa kwarto ko. Hindi pa ako inaantok, paano? Natulog ako. Imba. Haha.

I decided to check my FB account. Wala e, hindi ako kuntento ng hindi nakakapagpost sa isang araw. Parang kasali na sa daily routine ko yun.

Mary Psylhiene Zapanta


I cannot understand. Why do conciousness kill me?


#Confused


Like Comment


After a minute, may nagcomment.

Timothy Ace Yim


Ang gwapo ko kasi.

Kahit kelan talaga, epal tong T-Ace na to. Tsk.


Mary Psylhiene Zapanta


Oh? Anong connect? Epal neto.

*Timothy Ace Yim commented on your status.*

Timothy Ace Yim


Wireless.


Mary Psylhiene Zapanta


Ewan ko sayo. Makatulog na nga lang.

Timothy Ace Yim


Edi matulog ka. Hinihintay ka na ng kagwapuhan ko sa panaginip mo. Sige na, tulog na.

Mary Psylhiene Zapanta


Che. As if.

Timothy Ace Yim


Oo nga. Sige na, Gdnght. Hpngsmdy.

Mary Psylhiene Zapanta


Ha? Anuyun? Nag e-alien ka nanaman. Sabi ko na nga ba, may lahi ka talagang alien e.

Timothy Ace Yim


Wala. Sabi ko matulog ka na ng tumangkad ka naman kahit papano.

Mary Psylhiene Zapanta


Hmp. Whatever, you freak!

Timothy Ace Yim


Hahaha. Tulog naa. :)


Nahiga ako sa kama ko ng may ngiti. Hala?! Bakit ako ngumingiti? Huh, siguro kasi natawa lang sya sa freak na yun. Makatulog na nga! Baka inaantay na ako ni Harris bebilabs sa dreamland. Ayoko syang pag-intayin! :D

Akala mo langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon