My Sister's Love

82 2 0
                                    

"Huwag ka na nga kasing umalis, ate." Pilit ni Mary sa kanyang ate.

Aalis kasi ang kanyang Ate Hannah dahil may iniutos sa kanya ang kanyang boss na siya namang boyfriend din nito. Ngunit hindi alam ni Mary na ang mismo ngang boss ng kanyang ate ay ang boyfriend nito.

"Mary, isang linggo lang naman kami doon." Paliwanag ni Hannah sa kanyang nakababatang kapatid.

"Ayun na nga ate, eh. Ang tagal kaya ng isang linggo. Huwag na ate, please?" Pilit ni Mary kay Hannah.

"Grabe naman, Mary. Para namang isang taon akong mawawala. Babalik naman ako, eh." Paliwanag ni Hannah.

"At isa pa, wala akong tiwala doon sa boyfriend mo. Masyado kang tiwala sa kanya. Bakit kasi ayaw mo pa siyang ipakilala sa akin? Ni pangalan nga ayaw mong sabihin." Natawa si Hannah sa kanyang kapatid.

"Don't worry. Ako na ang nagsasabi, mabait siya. At malalaman mo din kung anong sinasabi kong pagtitiwala kapag nakahanap ka na din ng lalaking para sa'yo." Paliwanag niya sa kapatid.

"Nagpapatawa ka na naman, ate. Alam mo namang walang nagkakagusto sa akin."

"Sa ganda mong 'yan? Magkamukha kaya tayo."

"Magkamukha nga, mas maganda ka naman."

"Mary, kaya nga magkamukha diba? Parehas lang tayo."

"Eh, anong pangalan niya?" Pag-i-ibang tanong ni Mary kay Hannah.

"Nino?" Takang tanong ni Hannah sa kapatid.

"Nung boyfriend mo." Sagot ni Mary.

"Secret." Sagot ni Hannah.

"Si ate talaga. Tignan mo, after two months, graduate na rin ako. Diyan din ako magtra-trabaho sa pinagtratrabahuan mo para makilala ko na yang lalaking yan."

"Sige, sige. Bahala ka. Basta ako, aalis na. Si Manang na bahala sa'yo habang wala ako. Mary, behave." Bilin ni Hannah sa kanyang kapatid.

"Ate!" Nakalabas na si Hannah sa kanilang pintuan ngunit tinawag siya ni Mary kaya lumingon ulit ito sa kanyang kapatid.

"Oh?"

"Uuwi ka ha?" Natawa si Hannah sa tanong ni Mary.

"Hoy." Saway ni Mary sa ate niyang tumatawa.

"Oo naman, syempre. Sige na, bye!" Paalam ni Hannah kay Mary at sumakay na sa isang kotse. Hindi niya nakita ang nagmamaneho nito dahil tinted and bintana ng kotse nito.

"Bye. Mag-iingat ka." Mahinang sabi ni Mary sa sarili dahil hindi na nito nasabi sa kanyang ate dahil nakaalis na ito.

"Mary, kumain ka na." Tawag sa kanya ni Manang kaya pumasok na siya sa loob.

***

"Hindi pa ba umuuwi ang Ate Hannah mo? Akala ko isang linggo lang siyang mawawala, ah." Tanong ni Manang kay Mary.

"Oo nga manang, eh. Hindi man lang siya nagtext o tumawag para sabihin niyang hindi pa pala siya uuwi." Sagot ni Mary kay Manang.

"Tatawag din 'yung ate mo. Baka busy lang siya." Paliwanag ni Manang kay Mary.

"Siguro nga manang."

"Oh, sige na. Matulog ka na at may pasok ka pa bukas. Ako na ang bahala dito. Tatawagin na lang kita kung tumawag ang ate mo."

"Sige po, Manang. Good night." Nginitian na lamang ni Manang si Mary.

***

"M-mary.." Gising ni Manang sa alaga.

My Sister's Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon