TON III

109 5 0
                                    

Maaari ba na magtagpo ang dalawang taong magka-iba ang pananaw sa buhay na hinaharap?
Ano nga kaya ang manyayari sa kanila, sa una nilang tagpo?
Would it be as is or it will change their lives?

***
*****

Breathing the same air, feeling the same humidity, both experiencing separation anxiety.

SPRING's

I already lost count of how many drinks I've had but one thing is for sure, my high alcohol tolerance won't betray me tonight. That's for sure.

"Spring, ano nga? Bakit ka biglang nag-aya mag bar?" Tanong ni Ludwig habang tinutungga ang beer sa kaliwang kamay at may inaakbayan na babae naman sa kanan niya.

Napailing na lamang ako, ibang babae nanaman kasama nito. "Wala, trip ko lang."

"Huwag kami, Spring!" Aniya naman ni Timo

"Oo nga! This..." turo ni Zarces sa mga shots ng alak na nasa table namin. "...and this..." Turo naman niya sa maingay na crowd. "...this ain't your thing. Kaya nagulat kami na ikaw ang nag-aya."

Ininom ko muna ang shot na hawak hawak ko. "I'm just enjoying my life."

"Hoy! May sakit ka?? Gaano na kalala??" Aniya ni Zarces at kumapit pa sa braso ko na tila umiiyak.

Agad ko namang tinanggal ang pagkakakapit niya sa braso ko. "Siraulo! Wala akong sakit. Nag eenjoy nga lang ako...Malay niyo bukas, makalawa may pamilya na ako, eh di hindi na ko nakagimik ng ganito." Pabiro kong aniya pero mukhang sineryoso ng mga kaibigan ko.

"Hoy Spring! Hindi kami magnininong sa baby mo kapag hindi kami invited sa kasal mo!" Aniya naman ni Timo. Nakita ko naman na naitulak ni Ludwig ang kalandiang babae ng marinig ang sinabi ni Timo.

"Ikakasal ka na?!?" Binato ko naman siya ng tissue masyadong issue eh.

"Hindi, hindi! I'm not getting married! OA lang talaga yang si Timo!" Aniya ko at tumayo mula sa kinauupuan ko.

"Oh saan ka pupunta??" Tanong naman ni Zarces.

"Sa cr, baka gusto mong sumama?" sarkastikong aniya ko at umalis na nga.

This is what I'm saying. Party, Drinks, party noise, and crowded people is not my thing. Kaya inasahan ko na ang ganitong nga reaction ng nga kaibigan ko lalo na at ako ang nag-aya. Pero gusto ko lang naman talagang ienjoy ang buhay.

Ayoko lang pagsisihan sa huli, kaya enjoy life while you still can.

There's only one cubicle available, means all genders can use that cubicle at ano pa ang aasahan ko, syempre you need to fall in line bago makagamit ng cubicle but my patience is too short for things like that.

I decided to go out at doon na lang maghanap ng comfort room or kung saan pwedeng umihi, well lalaki naman ako eh.

I saw a convenient store near where my car is parked, siguro naman ay may cr sa loob non. And yeah, mayroon nga, hindi din naman ako nagtagal at lumabas na din.

"Hey! Hey! What are you doing?!?" Tanong ko sa isang babae na pilit binubuksan ang kotse ko gamit ang susi niya.

"Isn't it obvious?? Naghihilamos yata ako." Mataray na aniya ng babae habang patuloy pa din sa pagsalpak ng susi niya sa kotse ko.

"Oh edi, maghilamos ka diyan ng ayos!" Aniya ko at akmang iiwan na siya doon. Hindi ko na inalala ang sasakyan dahil alam ko naman na kahit anong pilit niya na buksan ay di niya magagawa.

That One NightWhere stories live. Discover now