SPRING's
Two months passed pero hindi talaga maalis sa isip ko si Autumn. I was just being silly when I said that it won't be the last time we'll see each other and now here I am being trapped with Autumn's spell, Hinahanap hanap ko na siya.
"Spring, una na ko ha." Pagpapaalam ni Zarces.
"Saan lakad mo?" I plainly asked habang nakatuon ang pansin sa laptop na kaharap ko.
"Client meeting...Yung beach wedding, yung anak ang naginquire." Zarces explained. Tumango na lamang ako, dahil natandaan ko naman ang client namin.
"Take down notes and the details. Thanks for covering up."
Napailing naman si Zarces bago tuluyang tinungo ang pinto. "Magandang lalaki ka naman pero ayaw mong magface reveal sa mga client natin." Pahabol pa niya bago tuluyang lumabas ng office namin.
Yeah, we own a photography business. Usually we are hired as official photographers sa mga weddings, birthdays, corporate events. We also do same day video edits. Good Print Photography.
Usually it's Zarces and Timo only who go on events pero ngayon sasama ako. This is the first time I'll be going, hindi ko alam pero naantig kasi ako sa istorya ng magulang ng Client namin. Iba siya sa lahat ng mga weddings na na-cater na namin, One of a kind.
"Uy! Spring, pare!" It was Ludwig who just barged in.
Nagtaas lang ako ng tingin sa kaniya at tsaka bumalik sa ginagawa ko sa laptop. "Bakit ka nandito?"
"Sungit mo naman, may dalaw ka noh?" He jested kaya agad ko naman siyang binato ng ballpen na nasa mesa ko.
"Siraulo!"
"Oh teka nga! Sungit naman neto, may good news pa naman ako..." Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo. "...Kaso huwag na lang pala, ang init ng ulo mo eh, alis na lang ako." Hahakbang na sana siya paalis nang magsalita ako.
"Paglabas mo, dalhin mo na rin yung mga gamit mo, yung huling sweldo mo ittransfer ko na lang mamaya sa account mo. Makakaalis ka na." Seryoso at diretsa kong aniya. I don't know what's with me today, maybe I woke up at the wrong side of the bed.
Agad namang lumapit sa akin si Ludwig at umakbay pa. "Ito naman joke lang eh!" He get something on his pocket. "Oh ayan! Para naman hindi na mainit ulo mo." He showed me his phone.
"Anong gagawin ko sa cellphone mo? Ibabato ko??"
He opened it and showed me a captured photo. A photo of people, lined in a counter inside a mercury drug store. The medicine counter to be exact.
"Oh ano namang gagawin ko diyan? Pinapakita mo ba na marunong ka na gumamit ng phone camera?"
Napatawa naman siya at nakita ko na izinoom-in niya ang litrato. "Ayan oh! Yung hinahanap mo, Si Miss Autumn your loves!" Pang-aasar niya.
Agad naman akong napabalik ng tingin sa cellphone niya. Naka side view yung babae na kinuhanan ni Ludwig ng litrato, kaya hindi ko masabi kung si Autumn nga ba iyon o ginugoodtime lang ako ng mokong na to.
"Baka kahawig lang yan." Seryoso kong saad at ibinaba na ang cellphone ni Ludwig.
"Pare! Sure ako siya talaga yan. Di ba nga sinearch pa natin yan sa friendsbook, kaya hindi ako pwedeng magkamali, siya talaga yung nakita ko kanina!" Si Ludwig ang pinakamaloko sa amin but I knew when he's playing around or if he is serious and now, I can say na totoo ang sinasabi niya.

YOU ARE READING
That One Night
FanfictionIt should be a tequila night only but I ended up having Damara and Layon-That One Night.