Prologue

378 21 3
                                    

"Tignan mo yung girl oh. papunta sa section A. Ano kaya nakain niyan at dyan siya pupunta?"

"Mukhang transferee e."

Ano ba problema nila? Wala naman akong ginagawang masama ah? May problema ba sa room na ito?

"Ate, bakit niyo po ako pinaguusapan?" Tanong ko sa babaeng mahaba ang buhok.

"Bakit kasi--" Hindi naman niya maituloy ang sasabihin niya nang may bigla nalang nagform na hawi sa gitna ng hallway.

Tinignan ko naman ito at para bang nakakita ako ng holliwood super stars. Kasi mukha silang masusungit. Hay. Sa panahon talaga ngayon, wala nang mas babait pa kay Nathaniel.

Papasok nalang ako sa room ko. Pero pinauna ko na yung mga holliwood stars. Nung nakasiguro ako na nakapasok na sila e dumeretso na rin ako sa room ko.

Pagpasok ko e nakaupo na sila. Naupo nalang din ako sa upuan sa likod. Nasa gitna sila habang ako naman e masa likod. Hindi naman nila ako napansin kaya okay na ako.

Maya maya ay dumating na teacher namin. Bat walang ibang pumasok? hayaan na nga.

---

Nasa kalagitnaan na ng klase nang mapansin kong tumayo ng upuan yung lalaking brownish ang buhok.

"Mr. Jeon! Where do you think you're going? Magpaalam ka manlang saakin!" Sigaw sakaniya ng teacher. Tinignan lang ito nung lalaki at mukhang natakot ang teacher kaya hinayaan nalang niya ito.

Ano ba yan naiihi ako! Pano ba naman? Urinary system ang lesson? Grade 9 kami pero ito lesson? Tindi rin.

"Sir, Can I go out?" Tinanguan naman ang ako ng teacher at nararamdaman kong nakatingin yung anim na lalaki saakin. Oo anim. Yung isa wala pa rin.

Patakbo akong pumunta sa cr. At sa minamalas nga naman, may nakabangga ako. Nang tignan ko ito ay para bang umurong ang ihiin ko.

"So-sorry po." Nagbow ako sakanya at aalis na sana pero nahawakan niya ang kamay ko at itinulak ako sa pader.

"Tatandaan mo ang araw na to. Lalong lalo na ang pangalan ko."

"Jeon Jungkook"

Patay.

---- Kaway kaway!! Ginawa ko ito pagkatapos na pagkatapps ko mapanuod ang INEEDU mv huhu nakakabaliw best era! si yun! Salamat sa mga nagbabasa sana magustuhan niyo hehe

ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon