Anne Santiago
Nakatulala lang ako sa gwapo niyang mukha. Ano ibig niyang sabihin?
Iniwan na niya ako dun. Tinignan ko lang ang likod niya palayo. Sa school na ito, pwedeng pwede ang hindi nakauniform. Di ko nga alam e. Basta yun ang napapansin ko. Sila kasing pito ganun e.
Pumunta na akong cr at ginawa ang dapat kong gawin. Pagpasok ko sa room e saktong nagbell na. Reccess na pala. Kukunin ko lang ang wallet ko sa bag ko at nang makabili na ako.
Kinukuha ko na ang gamit ko sa bag ko pero ramdam ko ang mga tingin nila saakin.
"Bakit ka andito?" Tanong saakin nung mayaman sa gilagid. "Uhmm nagaaral po?" Mukha namang hindi siya kuntento sa sagot ko
"We mean, bat ka andito sa section na ito? Kami lang ang pwede dito. Bangtan lang ang pwede dito." Sabi naman nung lalaking mas maganda pa saakin.
"Nakita ko lang po sa bulletin board yung pangalan ko sa section na ito." Nginitian ko sila para makaalis na ako
Patakbo na nanaman akong lumabas at may nakakita saaking babae na taga ibang section ata?
Hinatak ako nito papunta sa isang table sa canteen. Okay? What's her problem?
"Ako nga pala si Jenny Fernando. Jenny nalang. At ang rason kaya kita hinila dito ay para tanungin ka. Bat ka napunta sa section A?" Close ba kami?
"Hindi ko alam pero.. Nakita ko lang kasi sa BB pangalan ko dun e."
"Sigurado akong may dahilan yan. Tatay ni Jeon Jungkook ang may ari ng school na ito. At siya ang nakakaalam ng mga bagay na may kinalaman sa school na ito. Sigurado akong may binabalk yan sayo. Magiingat ka lagi. Delikado ka sa lagay mo ngayon. Hangga't maaari ay iwasan mo na sila. Kahit nasa iisang room kayo, iwasan mo sila" Pagkasabi niya nun e nagbukas ang pinto ng canteen at lumabas ang bangtan. Gwapo silang lahat. Lalo na sk Jungkook. Pero may kakaiba silang aura. Yung talagang katatakutan mo at lalayuan.
Umupo sila sa table malapit saamin. Sa likod ng table namin to be exact. Buti nalang nakatalikod ako sakanila kaya ang nakaharap sakanila ay si Jenny.
"Jen, order na ako a." At nagsmile ako sakaniya "Teka ito pera ko o" umiling ako sakaniya at sinabing ako na muna magbabayad.
Pumila na ako. Buti nalang maikli lang ito kaya mabilis ako makakabili.
May naramdaman akong presence sa likod ko kaya liningun ko ito. At puta pinagsisisihan kong lumingon ako doon.
Yung kaibigan ni Jungkook.
Urgh! Kinikilabutan pa rin ako pag sinasabi ko pangalan niya! Humarap nalang ulit ako at naghanap ng maoorder.
"Wag ka matakot sakin. Act normal when you see me." Sabi niya saakin pero di ko nalang siya liningon. Nakakatakot aura niya e huhu.
"Ano sayo iha? Bago ka no? Ang ganda mo. Fresh na fresh! Ganyan din ako nung kabataan ko e hihi" Nginitian ko naman siya nang nakalabas ngipin ko.
"Dalawang sopas po tsaka dalawang orange juice" Sabi ko sakaniya. Nang maibigay na ito saakin ay tinignan ko uli yung kaibigan ni Jungkook. Pano naman ako makakapag'act normal when i see him', e tignan mo lang siya mapapatakbo ka na e
"Im Taehyung. But call me V. Mukhang mapapadalas pagkikita natin a" At nginitian niya ako. Ang creepy lang. Naglakad nalang ako ng mabilis at naupo sa pwesto ko.
"Ano nangyare sayo? Para kang nakakita ng daan daang multo." At kinuha niya ang sopas at juice na binili ko.
Mahaba haba ang break namin kaya nakapagkwentuhan pa ako kasama siya nalaman ko rin na hindi pala siya grade 9. Grade 12 na pala sila. Naikwento din niya na may iba pa siyang kaibigan pero next time na daw niya ipapakilala.
"Ring!!" Nagbell na.
"Oh bell na pala. Kita nalang tayo mamaya ah. Yung sinabi ko sayo, tandaan mo." At tumakbo na siya. Malayo kasi room niya sa canteen. Ako naman malapit lang.
Malapit na ako sa room nang may bumangga saakin.
Nang tignan ko yun, e nakangisi lang saakin si Jungkook. Yung ngising hindi nakakakilig. Nakakatakot. Para siyang may binabalak na masama.
Nasa room na sila nang pumasok ako at sa minamalas nga naman, Wala ang mga teachers. Pupunta daw silang La Salle. Ano gagawin nila dun?! Manunuod ng Basketball?
Tahimik lang akong nakaupo dito. Nang naramdaman kong may nakaupo sa tabi ko. Hindi ko ito pinansin at dumukdok nalang sa mesa ko. Ilang segundo pa ay hinawakan nito ang balikat ko. Sa takot ko ay hinampas ko ang kamay nito at lumayo ako. Sobra akong natatakot dito kay Jungkook.
"So you're scared of me huh? That's good." At ngumisi nanaman siya. Lalabas na ang puso ko sa takot jusmiyo.
Linapit niya ang mukha niya saakin. Ilang inch nalang e magkakadikit na ang labi namin. Tinulak ko siya at tatayo na sana pero hinawakan niya ang braso ko.
"Subukan mong umalis at---" Hindi niya na itinuloy nang pigilan siya ni Taehyung
"Stop that Jungkook. Wag mo siyang tinatakot. Bago lang siya. Wala pa siyang alam." Tumingin naman saakin si Taehyung at tinanguan ako. Lumabas ako at umakyat sa rooftop. Ano ba itong napasok ko? Sino ba yang mga yan? Oo alam kong ang mga Jeon ang may ari ng school na ito. Pero bat Ganun sila? Hindi naman sila Gangster. Seryoso ako hindi sila gangster. Tanga nalang magiisip na gangster sila.
------ Hi mga pipol! Napanuod niyo na performance ng bangtan sa Mnet? Omo! Andaming part ni Taetae my labs! Huahua! So yun salamat sa mga nagbabasa lalo na kay perksofdo talagang inistorbo ko siya para lang makagaw ng cover XD salamat Chie! jenny at MM nga pala
BINABASA MO ANG
Complicated
FanfictionShe's Anne Santiago. The girl who captured the heart of these two hot and handsome guys-- Taehyung and Jungkook. Taehyung. He's cold on the outside but he's actually playful and kind in the inside. Jungkook. He's completely cold. but, will Anne mel...