30

45 5 1
                                    

Addison's POV

Umawang ang labi ko nang makarating ako sa school amphitheater. Totoo nga ang sinabi ni Avery na maraming mga studyante ang narito para manood sa pag-amin ni Michaella kay Trev.

Napag-isipan kong huwag nang ipaalam kay Avery na nandito na ako dahil siguradong nasa kalagitnaan ng nagkukumpulang mga studyante siya ngayon.

Malakas akong napabuntong-hininga at nakipagsiksikan sa kanila para naman makita ko ang dalawang bida sa gitna. Halos hingal na akong nakarating sa puwesto kung saan kita ko sina Trev at Michaella dahil mahirap sumingit.

Pota. Sobrang init ngayong araw mas lalo na ngayon dahil tanghaling-tapat. Kaya medyo pinagsisisihan kong sumingit ako papunta rito sa kinatatayuan ko dahil may naaamoy akong maasim.

Salubong ang kilay at nakangiwi akong tumingin sa dalawang tao na napapalibutan ngayon. Nakatalikod sa gawi ko si Michaella at nakaharap naman sa kinaroroonan ko si Trev.

"Baka maging sila ngayon agad-agad," rinig kong bulong ng isang babae na nasa likuran ko.

"Paano mo nasisiguro?" saad naman ng kasama niya.

"Malaki raw ang posibilidad na siya ang tinutukoy ni Maverick sa mga posts niya sa Facebook dahil kadalasan ay magkasama sila tuwing tanghali."

Mula sa kinaroroonan ko ay nahagip ng paningin ko si Avery. Nakatakip ang palad niya sa bibig at halatang hinihintay ang susunod na mangyayari.

"I like you, Maverick." Pag-amin ni Michaella.

Nakita kong hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Trev pagkatapos niyang marinig 'yon. Nagtaka naman ako dahil hindi 'yon ang inaasahan kong reaksyon niya.

Hindi ba si Michaella ang gusto niya?

"I'm sorry, Michaella," biglang sabi ni Trev na nagpagulat sa lahat.

"Why?" mahinang tanong ni Michaella. "'Yong tinutukoy mo sa mga posts mo, sino 'yon?"

Nagsimulang magbulungan ang mga studyante at iisa lang ang tanong nila. Hindi ba siya 'yong babaeng gusto niya?

"Tangina mo kasi, Trev," biglang sabat ni Timothy. "Nagkamali tuloy silang lahat tungkol sa kung sino ang gusto mo."

Biglang siniko ni Desmond ang kaibigan pagkatapos nitong magsalita.

Maya-maya ay biglang iginala ni Trev ang paningin niya hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. Napahinto ako sa paghinga dahil nanatali ang paningin niya sa akin ng ilang segundo bago niya ibinalik 'yon sa babaeng nasa harapan niya.

"Ang babaeng tinutukoy ko sa mga posts ko... ay ang babaeng gumawa ng palayaw ko," seryoso at mabagal na usal niya.

Para akong napako sa kinatatayuan ko sa narinig dahil ang babaeng nagbigay ng palayaw sa kaniya na Trev ay walang iba kundi... ako.

Give it a ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon