♣SAIS♣

3 2 0
                                    

Sais-

Liz POV

Sabado na syempre ninais ko talaga ang gumising ng late sabay tingin ko sa wallclock na nasa tabi ng deck namin napatingin pa ko sa nakangangang si Aby hahaha. Alasiete masyadong maaga pa pero okey na rin mamayang 8 pa ang sundo sakin ni Rhaego at alas nuebe namin kami magsastart. Oo yan yung napagdesisyunan namin kahapon at didiretso na dw kami kina Sage. Ewan ko ba di ko alam pero kinakabahan ako na ewan daig ko pa yung ipakilala sa magulang eh. OA na ah

Nagsaing lang ako at naglaga ng dalawang itlog para sa agahan namin. Kukuha na lang ako ng tuwalya at para makaligo na, pagpasok ko syempre tulog pa si Aby ts baka tatanghaliin pa yun. Nauna naman akong kumain

Nakapagbihis na ko, sumuot lang ako ng kupas na puting Tshirt at nag maong short na hanggang sa ibabaw ng tuhod syempre pangbahay lang di naman ako magsashopping dun Sexy ko no. Mainggit kayo charr! Sabay harap ko sa salamin at nag suklay ng buhok, ganda ko besh

"Napa aga ka ng gising jan"

Napa lingon ako sa papungas pungas na si Aby

"May group activity" sasabihin ko ba sa kanya. Ay hindi na at ibinalik ko yung tingin ko sa salamin

"With who? Ts baka makipag date ka lang ah"

Napa kunot ako ng noo ng mapabaling ako sa kanya "Ako!" Sabay turo ko sa sarili ko "Study first ako uy!"

"Weeh! Pag nalaman ko na may dini date ka diyan ewan ko lang kung saan aabutin yang study first mo"

Nyenyenyenyenye! At inipit ko na lang yung buhok ko ng itim na hait clip

"Liz may nag hihintay sayo dito sa baba!" Dinig kung sigaw ni Nay Flora yung madam-may ari ng boarding house

"May sundo ka pa? Tara salubungin natin" nakangiting sabi niya sakin. Ha hindi pwede makikita niya si Rhaego baka ano pa masasabi niya dahil hindi ko nasabi na itong mga F4 pala ang ka grupo ko huhuhu tatakbo na sana si Aby ng hinablot ko yung braso niya

"Hi-hindi pwede"

"Bakit? Sabi ko na nga ba eh lalaki mo yun. Pakilala mo naman ako" sabi niya with sparkling eyes

"Hindi nga pwede eh" shuta bat may kaba ano ko ba yun

"Ts bakit nga?" Kunot noong tanong niya sakin habang pilit binabaklas yung kamay ko sa braso niya

Ano-ano yung sasabihin ko. Toolloonggg!

"May muta ka pa sa mata, may tuyong laway ka sa pisngi tas ang baho pa ng bibig mo" oh ano, Okey ba yung palusot ko sumagot kayo

"Hayaan mo na" nagulat na lang ako ng kumaripas siya ng takbo. Waahh!

"Hintay!" Buong bilis ko siyang hinabol dinaig ko yung blue na ano eh. Basta yung sa movie yung mabilis tumakbo

Pagdating ko sa main lobby haha, Sala lang di kaya ng budget ni Nay Flora. Huli na ko sumalubong sakin ang gulat at naestatwang si Aby pero mas nagulat at napanganga ako sa bumungad sakin kampanteng kampante siya na naka upo sa sofa habang nakatabi sa kanya yung dragon na parang nahipan ng hangin kasi hindi na naalis yung titig niya sa kanya gwapo kasi napatitig ulit ako sa kanya para siyang hari na hinahanap yung may ari ng sapatos na siyang papakasalan niya sana ako na lang!, bat naging Cinderella ang peg ts. Walang ganun haysst ano-ano na lang tong iniisip ko. Pero bat siya akala ko ba si Rhaego yung susundo sakin at pano niya nalaman tong address ko. Bahala na nga

"Sage?" Patanong kung sabi sa kanya di ko alam pero bahagya pa siyang nagulat at parang nahihiyang yumuko sakin. Anyare nahihiya nga ba baka ayaw niya lang talagang makita tong pag mumukha ko

HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon