♣KUATRO♣

3 2 0
                                    

Kuatro-

Liz POV

"Ghurl!" napalingon ako sa bagong baba na si Aby

"Uhm" hanggang sa pagtango lang ang sagot ko. Kumakain kasi

"Totoo ba?" Habang nakakapit siya sa braso ko. Niyuyogyog pa ng gaga pag ito natapon ipapalunok ko talaga sa kanya yung buong kutsara

"Anhhoo?!"bulol kong sabi ngumunguya kasi Sabay tingin ko kay Aby na todo yugyog pa rin sakin. Ewan ko ba kong anong kinain nito bat parang bulati itong binudburan ng asin

"Totoo ba talaga?!" Sabay yugyog niya sakin medyo malakas na. Di ba niya nakikita na kumakain ako. Pag ako mapuno talaga papakain ko na sa kanya pati pinggan. Ano bang totoo ang pinagsasabi nito

"So totoo nga yon!?" Napalakas yata yung yugyog niya at napatingin na lang ako ng nag tumbling pababa yung pinggan ko sa kahoy na umuugang lamesa namin. Sayang nung corned beef sayang yung kanin ko. Daming subo pa yun eh. Sabay tingin ko sa nakataob na pinggan ko paakyat sa babaeng nakatakip  ang kamay sa bunganga . Ughhh.

"Ano na? Mababalik mo ba yung kanin na nasayang ha! Importante pa ba yang sasabihin mo sa sikmura ko ha! Sabihin mo Aby pag iyan walang kwenta buong mesang to ipapasubo ko sayo" sabay tayo ko at lapit sa kanya. Medyo natakot naman siya

Ganto talaga ako pag naisturbo sa kain okey lang na gisingin ako kahit tulog. Wag lang talaga sa kain makakapatay ako. Di joke wag harsh. Basta nagagalit ako yun na yon. Naiisturbo kasi nawawalan ako ng gana

"Kakasi totoo bang ka-classmate niyo yong F4" nakayukong salita niya sabay peace niya sakin

"Yan lang itatanong mo pwede namang mamaya eh. Nasayang yung pagkain oh" napakamot ako sa batok ko

"Ano kung classmate namin sila. Wala naman akong paki alam sa kanila" na alala ko naman yung nangyari sa school kanina. Parang di sila tao. Para silang aso na malapit ng magpatayan

Wee. Wala kang pakialam kay Sage ?

-wala talaga no.

Di mo siya Crush?

-nung una

Ayaw mo sa tingin niya?

-gusto

Pero ayoko na. Di ko gusto yung ginagawa nila. Ang sama sama na ng tingin ko sa kaniya. Di ko siya crush simula ngayon. Oo gwapo siya. Gusto ko siya. Pero bina bawi ko na yun di ko gusto yung ugali niya-nilang apat

"Perfect kaya nila lahat ng estudyante sa ZIS pinapangarap na makasama sila sa isang Room maging kaklase maging katabi swerte na nga kung makakausap mo isa sa kanila" sabi niya ng may ngiti Nyenyenye!!

So swerte na ko kanina. Naging classmate ko sila. Nakatabi ko pa sila sa upuan. Nakausap ko pa sila so mag si-sicelebrate na ko nyan

"Pano matatawag na swerte yun nakakatakot kaya sila" napangiwi ako nang maalala ko ulit yung nangyari kanina kung pano sila makipag bugbogan dun. Mag tadyakan. Mag hampasan. Buti wala sa kanila yung napurohan pano naman yung mga nakahiga kanina. For sure masakit yun. Di naman sila robot o alien diba. Tao sila tao beh. Huhuhu

"Sanay na kasi sila dun. Nasa kanila na yun! Totoo oo. Nakakatakot yung ginagawa nila halos magpatayan na. Sino ba naman ang magagandahan dun" napalungkot yung mukha niya. "Pero kahit ganun yorn kwash ko parhin shi Rhaego ko...nyaaaaahhhh!!!" Napatili ng malakas si Aby. Baliw talaga

"Aaaahhhh ang ingaaaayyyy niyyyyoooo!!!" Sabay kaming napatingin ni Aby sa nakadungaw sa kabilang pinto habang nagbabaga ang mata ng dragon patay na ba kami nito

"Whatevaahh" Sabay dila ni Aby rito

"Tsee! " sabay bagsak ni Trina ng pintuan. Isa siya sa borders din dito

HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon