OST

1.1K 65 10
                                    



A week had passed ng magsimula kami sa filming. We're preparing for our pilot episode and official poster this week.

I've been sitting here sa loob ng van waiting for Winter to comeback. Kainis talaga to minsan si Yeri. Talagang si Winter pa ang inutusan nyang bumili ng coffee. Aga-aga palang tuloy wala na ako sa mood. Papunta pa naman kami ng set ngayon para nga sa pictorial ng official poster namin.

Masama bang nami-miss ko agad ang presence ni Winter everytime na wala sya sa tabi or sa paligid ko?

Nakangusong sinilip ko ang labas ng van para tignan kong palabas na ba ng cafe si Winter.

"Last week ko pa naririnig na nag-uusap si Director Kim at Jay, yung music director ng mga sikat na soundtrack ngayon sa mga drama's." I gave her a questioning look. Sabi na eh, nakiki-chismis lang to lagi sa set.

"Pumipili na sila ng mga kakanta ng ost and narinig ko mula PR team kasi nagchi-chismisan ang mga yun kahapon na may ni-recommend daw mismo si Irene. Iniisip nga nila na baka ikaw o si Ningning ang tinutukoy ni Irene." tumaas ang kilay ko sa narinig.

Irene's recommending someone? That's new. Usually wala syang pakelalam sa mga ganyang bagay.

"I'm sure na hindi ako ang ni-recommend nya. Remember, may galit pa sa'kin ang babaeng yan." sabi ko earning a serious look from Yeri.

"Impossible naman na hindi ikaw ang irecommend nya. I'm sure kahit na bumanggit sya ng ibang name ikaw parin ang mas pipiliin ng team." parang kino-convince nya lang ang sarili sa mga sinabi nya.

"Masyado ng natatagalan si Winter. I told you naman kasi na ikaw nalang ang dapat na bumili." annoyed na sabi ko. Binuksan ko ng konti yung window sa side ko para tignan kong pabalik na ba si Winter. Luckily palabas na nga ito ng cafè at tila nahihirapan sa bitbit nya.

"Huy! Karina, what do you think you're doing?"

"Uh, going out para tulungan si Winter."

Tinignan naman ako ni Yeri na para bang nasisiraan na ako ng ulo.

"Karina baka nakakalimutan mo kung sino ka?" sabi nya turning herself lalo paharap sa'kin.

"But Winter needs help." pilit ko. Mas lalo lang akong tinignan ni Yeri. She's trying to read me kaya umiwas ako sa mga mata nya at nakangusong tinignan ulit si Winter na patawid na ng kalsada.

"Careful." mahinang sabi ko as if maririnig ako ni Winter.

"Rina ako may nahahalata na ha." kunot noong nilingon ko sya.

"What?"

Hindi na nakasagot si Yeri ng makarinig kami ng katok sa pinto ng kotse. Mabilis na inabot ko yung kabilang pinto ng backseat para pagbuksan si Winter.

"Thank you." she said with her Small voice. Agad nyang ibinigay ang isang cup ng coffee sa'kin tapos yung isa naman ay kay Yeri.

Takang tinignan ko yung extrang coffee na hawak nya. She said kanina na ayaw nya mag-coffee kasi uminom na sya kanina bago umalis ng condo. Mas maaga kasi syang nagising kesa sa'kin.

"I thought hindi ka na magkakape?" tanong ko.

Tinignan nya naman yung hawak nyang cup.

"Ito ba? Para to kay Yuna. Nasabi nya kasi kanina na hindi sila nakabili ng coffee ni Chae on their way papunta ng set." sabi nya.

I pursed my lips at annoyed na tinignan sya.

"You're texting each other?" pagtatanong ko. Nakangiting tumango sya.

My Love From The ChurchWhere stories live. Discover now