Ang Kargador Book 2
Part 1
By : Android17
Lumipas ang buwan ngunit di pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari. Ang nasaksihan kong krimen at ang paglisan ko sa poder ni Mr. Choi. Kailangan kong magpakalayo layo para matakasan o makalimot sa mga nangyayari. Aantayin ko lamang na lumipas ang panahon para masigurado ang aking kaligtasan.
Nagiwan ako ng isang sulat kay Mr. Choi. Hindi man ako nakapag paalam sa kanya ng pormal ay inilahad ko ito sa aking liham. Hindi ko sinabi ang totoong rason, ngunit sinigurado ko na babalik ako sa kanya. Sana lamang ay maantay nya ako.
Kasalukuyan akong nakkikituloy sa aking malayong kamag anak dito sa liblib na lugar sa probinsya. Malapit ito sa karagatan. Pangingisda ang primadong hanap buhay ng mga tao rito. Payak ang buhay ng mga naririto. Malayo sa magulong buhay sa siyudad. Sanay naman na ako sa ganitong pamunuhay.
Nag tatrabaho pa rin ako bilang isang kargador sa palengke. Ito lamang ang tanging alam ko na trabaho dahil hindi rin naman ako nakapag tapos ng aking pag aaral. Ang pinag kaiba lamang ay wala akong amo. Tumutulong ako sa pagbubuhat ng mga banye - banyerang kargyamento na isda at hinahatid ito sa mga tindero sa palengke. Tanging maliit na pabuya lamang ang binibigay nila sa akin. Hindi na masama ang kitaan sa buong maghapon.
Sa bahay ng aking Tiyo Roberto ako nakikituloy pansamantala. Kapatid siya ng aking ina. Hindi pa rin ako nakakalimot magpadala sa kanya. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ng mga nakakabata kong kapatid. May trabaho na rin ang sumunod sa akin. Kaya naman kampante ako kahit maaga akong lumisan sa poder nila para mag trabaho nuon kay Mr. Choi. Tumutulong pa rin ako sa kanila kahit ako'y nasa malayo.
Hindi gaano kalaki ang bahay ni Tiyo Roberto. Sapat lamang sa kanilang mag anak. Kasama ang asawa niya na si Tiya Susan at ang dalawang anak na lalaki na si Danilo at Joshua. May maliit na kwarto na kadikit ang bahay nila. Dati itong bodega ngunit nilinis lamang ito para matulugan ko pansamantala. Sapat lamang ang laki nito para sa akin. Tutal, di rin naman ako dito magtatagal.
Ang kabahayan sa probinsya ay layo layo. Ang distansya sa dagat ay makailang hakbang lamang. Minsan kapag naiisip ko ang mga nangyari ay dito ako naglalagi habang nakatingin sa kawalan. Kamusta na kaya si Mr. Choi ? Naalala niya kaya ako ? Sana.
Sumapit ang kalaliman ng gabi. Oras na para mag hapunan. Ang kagandahan dito sa probinsya ay sabay sabay kami kumain. Kahit ba hindi karangyaan ang pamumuhay, basta sama sama.
" Garo, maaayos naman ba ang naging tulog mo sa kwarto ? Nilinis namin yan nung nabalitaan namin na mamalagi ka rito " ani ni Tiyo Roberto
" Maayos at komportable naman ako duon tiyo " aking tugon
Dito ko napansin ang pustura ni Tiyo Roberto. Nakahubad baro pala siya. Sa edad nya na kwarenta'y uno, napanatili niya ang magandang hubog na katawan. Malapad din ang kanyang dibdib, malaking braso at may apat na pandesal sa kanyang sikmura. Nakakabilib ang aking tiyuhin. Siguro dahil na rin sa bigat ng trabaho sa probinsya ay matikas pa rin siya. Di nalalayo sa aking pangangatawan
" Andito na ang sinigang na tulingan " bukod giliw na saad ni Tiya Susan,
Kitang kita ang laking tuwa sa mga labi ng aking mga pinsan ang dalang mainit na sabaw na hatid ng kanilang ina.
Si Danilo ay labing walong taong gulang na, Samantalang si Joshua ay labing - anim na taon. Parehas silang may maayos na hubog na pangagatawan. Kadahilan sila ay nagbibinata na rin. Kayumannging balat at may likas na katangkaran.
" Magsikain na tayo " anyaya ni Tiyo Roberto
Masagana naming pinagsaluhan ang pagkain sa hapag kainan.
YOU ARE READING
Ang Kargador Book 2
RomanceNapilitan akong umalis ng Maynila dahil sa isang aksidente na maaring ikapahamak ng aking kalayaan at seguridad Kahit mahirap ay kailangan kong iwanan ang mga taong napalapit na sa akin. Sa liblib na Isla, na kung saan walang nakakakilala sa akin ay...