Ang Kargador Book 2 Part 3
By : Android17
Araw ng Lunes, abala ang mga tao sa palengke. Halos lahat ay nasa labasan. Di mahulugang
karayom ang lugar sa dami ng tao. Partida, madaling araw pa lamang at di pa pumuputok ang liwanag. Di alintana ang maputik at makipot na daraanan. Ganito ang pang araw araw na buhay ko sa aking trabaho.Simula sa pala isdaan papunta sa palengke ay binubuhat ko ang banye banyerang isda at ihahatid ito sa mga tindero sa palengke. Marami na rin akong mga suki at lahat sila ay nakagaangan ko na ng loob. Magiliw ang pakikitungo ng mga tao rito sa probinsya. Kahit ba alam nila na bagong salta ka ay maayos sila makisalumuha. Si Tiyo Roberto ang nagpasok sa akin sa pag kakargador. Mangingisda siya kaya halos lahat ng tindero sa palengke ay kakilala niya. Maliit lang ang bayan dito kaya halos magkakakilala ang lahat.
Ugali naming mga kargador ang maghubad ng pangitaas. Sa bigat ng trabaho ay talagang pagpapawisan at madudumihan kami. Iniiwasan masira ang damit. Sa totoo lang, marami ang humahanga sa akin. Ang aking matipunong katawan ay talaga namang pansinin sa karamihan. Matanda o bata, babae o bakla ay talaga namang kinagigiliwan ako. Kaya nga siguro malaki magbigay ng pabuya ang ibang suki ko.
Buhat buhat ang isang banyerang isda sa aking kaliwang balikat ay tinatahak ko ang daanan papunta sa pwesto ng isa sa mga tindero. Bagamat marami ang tao, naramdaman ko ang bigat ng isang pares na mata na nakasunod sa akin. Pinagsawalang bahala ko lamang iyon dahil sa dami ng tao ay talaga naman mahirap matunton kung saang nagmumula.
" Magandang Umaga Aling Pasita " aking pagbati sa tindera
Magiliw ang ngiti nito ng makita ako sa kanyang harapan. May ka edaran na ito ngunit bakas ang pagiging masiyahin sa mukha
" Ayan na ba iyong paninda ko Hijo? kanyang bungad sa akin
Tumango lamang ako tanda ng pagsang ayon. Dahil may ka edaran na si Aling Pasita ay tinulungan ko siyang isalansa ang isda sa kaniyang puwesto.
Habang ako ay nag aayos ng kanyang paninda, dama ko pa din ang mga mata na nakatuon sa akin. Ramdam ko na bawat pag kilos ko ay kanyang pinagmamasdan. Sinusundan ako hanggang rito?
Ngunit di ko maainang kung sino sa kumpol na tao ang nakamasid sa akin. Muli, aking pinagsawalang bahala
" Heto ang bayad ko sayo Hijo " sabay abot ni Aling Pasita sa akin
Agad ko naman tinanggap ang perang papel at isinukbit sa aking tagiliran. Napansin ko na napatitig siya. Ang pahilis na kalamnan sa magkabilang panig ng aking baywang (Oblique) at ang nakalaylay na suot kong pantalon na humuhulma sa porma na letrang V, ay talaga naman di nakaligtas sa mga mata ni Aling Pasita. Kita ko ang paghanga sa kanyang mga mata
" Naku Hijo, yung pantalon mo mahuhubo na, baka masilipan ka " kanyang bulaslas
Ngumiti lamang ako sa kanya ng nakakaloko
" Hayaan mo na Aling Pasita, regalo ko na yan sa kanila " sabay kindat
Nakita ko na namula si Aling Pasita sa aking tinuran. Halatang pati siya ay tinablan ng aking kamandag
" Kung di lang ako lagot sa asawa ko, nakisilip na rin ako " pabiro niyang pagsambit
Napahagalpak kami sa tawa sa biruan naming dalawa.
Tumigin ako pakaliwa at tinaas ng kaunti ang aking pantalon. Sa direksyon na ito ay nakita ko ang isang batang lalaki na nakatingin sa aking ginagawa. Aking napagtanto na siya ang kanina pang tumitingin at sumusunod sa akin
Dito ko napansin na isa siyang batang binabae. Sa tantya ko ay edad disi - sais rin ito. Nakapustura ang mukha. Maiksi manamit at may maamong mukha. May korte na katawan na pangbabae. Kung tutuusin ay papasa ito na isang dalagita.
YOU ARE READING
Ang Kargador Book 2
RomanceNapilitan akong umalis ng Maynila dahil sa isang aksidente na maaring ikapahamak ng aking kalayaan at seguridad Kahit mahirap ay kailangan kong iwanan ang mga taong napalapit na sa akin. Sa liblib na Isla, na kung saan walang nakakakilala sa akin ay...