Ang Kargador Book 2 Part 4
By: Android 17
Lumipas ang ilang buwan at nakasanayan ko na ang buhay rito sa probinsya. Marami na rin akong mga naging kaibigan sa lugar na ito. Karamihan ay mga kasamahan sa palengke, ang iba naman ay mga kapitbahay. Mas naging komportable ako sa mga nakakasalamuha ko ngayon. Maliit lamang ang baryo rito kaya halos lahat ay magkakakilala. Ang mga tao ay di hamak na magiliw at mapagbigay kumpara sa siyudad. Mas napapahalagahan ko na ang tahimik at malayo sa ingay na lugar.
Dumating ang araw ng sabado, huling araw ko sa trabaho. Kapag linggo kasi ay kaunti lamang ang bukas na tindahan sa palengke. Karamihan ang mga tao ay nasa loob lamang ng kani-kanilang bahay. Araw ng pamilya, ikaw nga.
Galing ako sa maghapon na trabaho at nadatnan ko ang nakababata kong pinsan na si Danilo. Ang panganay na anak ni Tiyo Roberto.
Nakita kong nakakalumbaba ito sa labas ng bahay. Ang kanyang tingin ay nasa malayo.
" Oh bakit nasa labas ka ? Magisa ka lang ? " aking tanong
Napatda siya sa aking presensya. Halos mapalundag sa gulat. Kita sa mukha nito ang bahagyang nerbyos.
" Ginulat mo naman ako Kuya " kanyang bungisngis
Napailing na lamang ako ng kaunti. Pilit pinipiglan ang tawa sa kanyang reaksyon ng ito'y nagulat
" Umalis kasi sila Mama at Joshua, bukas pa ang balik. Si Papa naman pauwi pa lang, inip na inip na nga ako eh " kanyang pagpapatuloy
Wala kasing pasok ngayon sa eskwela. Bakasyon ng mga estudyante. Naikwento rin niya ang kanyang ginawa buong magdamag. Naglaro ng basketball, naglinis at nakapagluto na rin ng pang hapunan. Kung susumahin ay talaga nga naman nakakabagot ang kanyang buong araw
Umalis si Tiya Susan at Joshua papunta sa karatig na bayan. Dumalaw sila sa kamag anakan niya. Sa haba ng byahe duon ay malamang sa malamang ay kinabukasan pa iyon uuwi.
Maya maya pa ay natatanaw ko na si Tiyo Roberto papalapit sa amin. Galing rin ito sa mag hapon na trabaho.
Kita sa mukha ni Danilo ang malapad na ngiti ng matanaw ang kanyang ama. Halata ang pagkasabik rito. Sa tutuusin mas malapit si Danilo sa kanyang ama at si Joshua naman ay sa kaniyang ina. May kanya kanya silang paborito. Di naman maiiwasan iyon sa isang pamilya.
" Anong ginagawa niyo riyan sa labas " bati ni Tiyo Roberto
Naunang nag mano si Danilo sa kanyang ama at sumunod naman ako. Tanda ng pag galang
"Kakauwi uwi ko lang Tiyo, si Danilo naman ay kanina pa nakatunganga sa labas. Kamuntikan na pasukan ng langaw sa bibig " aking pangaasar
Napahagalpak sa tawa si Tiyo Roberto sa aking pangaasar sa kanyang binatilyo. Kita naman sa mukha ni Danilo ang pagkalukot ng mukha sa inis.
" Tama na ang harutan, Mag hain ka na anak at makapag - hapunan na tayo " utos nito
Agad namang tumalima si Danilo papasok ng bahay at ako naman ay nagtungo sa kwarto na nasa labas para makapagbihis na rin.
Hinubad ko ang may karumihan ko ng damit. Sinunod ang lumang pantalon. Tanging bikini brief na lamang ang aking suot. Pinagmasdan ko ang aking pangangatawan sa salamin. Mas lalong naging matikas ang katawan ko dahil na rin sa bigat ng trabaho sa palengke. Mas lalong lumaki ang aking mga braso. Ang matatayog kong dibdib ay di hamak mas malaman at matigas, Pati na rin ang aking bato batong sikmura na hulmang hulma na animo'y mga pandesal. Siguro dahil na rin sa kinakain ko sa probinsya na puro isda at manok na sagana sa protina.
Kinuha ko sa tokador ang boxer shorts na ginamit ko kagabi. Hapit na hapit ang mabibilog kong mga hita. Sa iksi nito ay halos kaselanan ko na lamang ang natatakpan. Ang maumbok kong kargada ay mas lalong bumakat. Kung narito lamang si Mr Choi sa aking tabi ay tiyak pang-gigilan nito ang aking kakisigan. Kamusta na kaya siya?
YOU ARE READING
Ang Kargador Book 2
RomanceNapilitan akong umalis ng Maynila dahil sa isang aksidente na maaring ikapahamak ng aking kalayaan at seguridad Kahit mahirap ay kailangan kong iwanan ang mga taong napalapit na sa akin. Sa liblib na Isla, na kung saan walang nakakakilala sa akin ay...