Second Chapter

56 1 0
                                    

Seulgi POV.


" Ma , aalis na ko may papadaanan pa po ba kayo para madaanan ko habang papunta sa Bar?" Tanong ko kay Mama habang nagsusuot ng sapatos.



Naririnig kong tumatakbo si Wendy pababa rinig na rinig yung bigat ng paa eh.


May papabili nanaman ito.


" Ate! Gusto ko nung fried chicken na binili mo nung nakaraan!" Sabi nya habang nakatayo sa harapan ko.


" Paano kung ayoko? Tsaka madaling araw na ako makakauwi bunso, bukas pa ba yun noon?"



" Oo naman, 24 hrs sila dba? Please!" Nag pacute pa.


May magagawa pa ba ko pag ganto na ito? Syempre wala.


Tumango nalang ako, tuwang tuwa naman syang umakyat uli sa taas.


" Ma? Kayo po wala?" Sigaw ko uli, baka nasa kwarto nya si Mama.


Tatlo kasi kwarto dito sa bahay dalawang room then master's bedroom, bahay ito nila Papa nung bata sya eh solong anak naman sya kaya samin na napunta ever since mamatay sila Lolo at Lola dahil sa aksidente.


" Wala naman nak, si Wendy magpapacheck up bukas huwag mong kalimutan ah? Di ako makakasama at nagpapalaba na si Mareng Mirna."


Sabado na nga pala bukas. Kailangan lagi imonitor if bumabalik ang Leukemia ni Wendy since 6 months palang simula nung nagpa opera sya at baka magkaroon ng relapse.



" Opo. Agahan namin bukas." Sagot ko, alas tres naman ng umaga ang uwi ko since 5-12 ang schedule ko plus overtime.


Tumango naman si Mama at saka nagsabing mag ingat ako sa pag alis at maghahanda na din sya ng pang ihaw. Every other day ang pasok ko kaya pag walang pasok sa Bar ay natulong ako dito kay Mama.


Pagkaalis ko ng bahay ay nakita ko pa ang kababata kong si Jisoo na nakamotor , pupunta daw syang bayan kaya isasabay nya na ako.


" Sure ka ba?" Tanong ko sakanya , kaskasero kasi ito mag drive eh.



"  Eto naman halatang walang tiwala sakin." Angal nya na halatang nakanguso nanaman sya.



" Wala talaga, sumemplang kaya kayo ni Jeongyeon nung nakaraan sa Plaza kala mo ba di ko alam ha?" Sagot ko sakanya habang naglalagay ng helmet.



" Sumakay ka nalang para less hassle ka kakalakad , pagdating mo don makakakuha ka pa ng chix." Biro nya pa.



" Chix ka jan, straight ako ah."



" Gege. HAHAHAH."  Sabi nya habang pinapaandar yung motor.




Dumaan na kami sa may plaza, " Inayos na pala yung palaruan doon oh? Tagal na din nating di nakabalik jan." Sabi ko kay Jisoo.




" Kaya nga eh, sa Linggo sige." Sabi nya.



Pumayag naman ako at bonding na din namin , may court din sa may likod nun kaya pwede dun maglaro.



" Kamusta naman trabaho mo don? Baka pinapahirapan ka masyado ni Lisa babanatan ko yon." Jisoo.




Natawa naman ako , kababata kasi namin si Lisa , kami nila Jeongyeon at Wendy magkakalaro kami noon saka yung tropa pa naming si Byul na nasa America na.



" Hindi ah, mabait nga yon. Di padin nagbabago actually , ganun pa din sya siraulo." Biro ko.




Narinig ko ding tumawa sya.




Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng Bar.




" Oh pano andito ka na, ingat pag uwi pag may problema tawagan mo lang us lam mo naman ang mga aports natin andun lang." Sabi nya, aports namin yung mga alaga naming pusa at asong kalye na pinapakain namin lagi.



" Sira ka talaga, salamat uli!"




" Geh, babush!" Sabi nya bago nag flying kiss pa at pinaharurot ang motor kaagad.




___________________________________________________________________________________________________

Wendy's POV.


Bunnyriny :  Hey




Wanno ( Me): Po?



Bunnyriny: How's your day huh?



Wanno ( Me ) : Ayos lang naman. Ikaw ba , busy ka sa work?



Bunnyriny  ( Me): Yeah , I'll be going to the US next week I think to do some work there actually.



Wanno ( Me) : WOW! Sana all talaga rich kid. Dito lang me lagi sa bahay eh , nagpapagaling.



Bunnyriny: Yeah as you should. You should really recover fast, you dont know maybe one day we will get to meet up.



Wanno ( Me) : Sana nga. Anyway babye na tutulong pa ko kay Mama sa labas. Maya ulit gabi if di ka busy.



Bunnyriny: Sure , take care. I'll be going to the bar actually so see you later.




Wanno ( Me): Okay , ingat.




Bunnyriny: Ikaw din.




" Wends , tinatanong ng ate mo ilan daw gusto mo nung pinabibili mo?" Rinig kong sabi ni Mama habang papasok ng kwarto ko.




" Madami! Nagcecrave akong sobra Ate!" Sabi ko kay ate ng malakas since videocall lang ata yun or call.



[" Takaw. Sige daanan ko to pag uwi ko para mainit pa. Matulog ka muna gigisingin nalang kita, huwag ka na magpuyat kakachat jan sa bebe mo ha!"] Sabi ni Ate , nasa Bar na ito for sure alas otso na eh at naririnig ko na yung tunog sa background.



" Di ko nga bebe yon! Thank you babye mwa!" Angal ko, tatawa tawa naman si Mama na nagpaalam kay Ate.




Kilala kasi nila si Bunnyriny na kausap ko I think nasa 7-8 months na kaming magkausap , sila Mama nag uupdate sakanya noon kung kamusta ako before pa ko magpa transplant noon.





" Osya magpahinga ka muna jan at magbabantay ako sa labas." Sabi ni Mama bago lumabas ng kwarto.





Ano kayang itsura ni Riny? Matangkad kaya sya? Di kasi kami nagpapalitan pa ng picture kasi nahihiya kami sa isa't isa.


____________________________________________


Tell me your thoughts in the comment section hmm?

Was there ever a story of us? ( SEULRENE FANFICTION)Where stories live. Discover now