Nag- Iloveyou? Hinawakan yung kamay ko? Hinatid ako? Niyakap ako? Totoo ba yun? Pero bakit? Ayoko ng umasa at masaktan ulit eh. Hayyst. Anong gagawin ko? Natatakot ako, pero masaya naman ako sakanya...
8:30pm na simula ng nakauwi ako kanina, nakakain na rin ako. Gumawa saglit ng ass. 9:00pm na. Pumunta nako sa kwarto, tiningnan ko phone ko. At Nagpahinga na. Pagod rin kasi sa maghapon ...Akala ko kapag hiniwalayan ko siya magiging okay na ako, pero bakit iba? Bakit NASASAKTAN AKO SA MGA PINAGGAGAGAWA NIYA!?
MIKAELA/ MIK'S POV~
1week palang ang nakalipas simula nung nakipaghiwalay ako kay Arkin, at Btw papakilala muna ako :)
Ako nga pala si Mikaela Nicole Ilano
Ex ko si Mr. Arkin Miguel T. Ragracsed
sa lahat ng naging boyfriend ko siya lang yung nakaabot ng 7months, Bilib nga ko sa lalaking yun eh, Napaka Loyal minsan, Napaka Bait, Sweet, Mapagmahal, Maalagain, Pikon, Gala, Basta Perfect siya para sakin diko talaga alam kung bakit ko nagawang Bitawan pa siya eh, diko alam kung bat pinakawalan ko siya, simula kasi nung naging Close kami ni Benjamin, parang napalapit ang loob ko sakanya kahit kami pa ni Arkin nun lagi kong kasama si Benjamin kasi pano ba naman pag pumapasok si Arkin sa unahan naupo, tapos hindi na siya katulad dati na sa tabi ko naupo tapos laging nakasunod sakin basta nagiba siya feeling ko nga may Gf na siya eh kaya nagawa ko siyang Hiwalayan.
Grabe nabadtrip ako sakanya kahapon
-___-*flashback*
Jc: "brad san naba yung chix ko? Ay chix mo pala :D"
Arkin: "easy lang brad lalabas din yun"
Lowel: "kabokahan mo nanaman kupal jc"
Arkin: "mga brad yung baby ko ayun oh! Nakasilip sa may bintana :) Ganda no? :D"
Yel: "Galing bumingwit ng babae ah"
Jc: "brad ang Ganda"
Arkin: "tama na nga mamaya mainlove pa kayo jan eh agawan niyo ko"
*end of flashback*Nung naguusap usap sila nasa likod lang nila kami ni Faye, sinasadya ata ni Arkin na pagselosin ako eh! Hayst! Umalis ako nun kaya diko napansin yung sinasabi niyang Baby niya -_-
1 message recieved.
"Moshie kumain kana ah? Tsaka kung papayagan moko? Pwede ba?"
Si benjamin nagtext :) anong kalokohan nanaman kaya ang pinagsasasabi nitong mokong nato!
"Ano yon!? Nababaliw ka nanaman"
"wala.. Mukha kang paa eh haha joke pwede bang kuha moko bukas ng test tas paki sagutan na din?"
"Letche ka!! Ilong ka!! Ayoko nga inaaway moko eh!"
"Okay."
Tipid ng sagot ni ilong eh! Haha Kaya pala ilong kasi Pango siya, pero may itsura din :D Grabe 1st time ko talaga makitang magalit si Arkin ng ganun, hayst! Tsaka yung sinabi niya na "Hindi siya nagseselos" Ang sakit! Huhu! Bakit ko ba kasi nararamdaman yung ganito! Letche kasi tong arkin na to eh! Bakit kasi minahal niya ko!? Hayst!
Ate reya: "hoy mik, diba bf mo si arkin? Bat dina napunta dito yun?"
Ako: "wala na break na kami"
Ate reya: "bakit niloko kaba? Papatira ko na ba?"
Ako: "wag! Ako nakipaghiwalay"
Ate reya: "bakit mo hiniwalayan"
Ako: "wala lang ayoko na kasi eh"
Ate reya: "kwentuhan mo naman ako ng Love story niyo kung pano at san kayo nagkakilala yiiee! Please na mik minsan lang ako dumalaw dito pagbigyan moko"
Ako: "nyee wag na te!"
Ate reya: "daliiii naa kasi! :( mik naman eh! Botong boto nga kami dun diba? Buong angkan ng Castro?"
Ako: "wag na nga te. haha oo pero wala na yun si arkin"
Grabe ang kulit niii ate reya, -_- kaya napilitan akong magkwento.
Ako: "sige na! Basta pag nalaman mo baka mamaya te sugurin mo siya"
Ate reya: "hindi promise! Dali na game makikinig ako"
Ako: "Kasi nagsimula talaga yun nung june mga 3week na ng pasukan tapos isang araw tumabi siya kay faye, eh si faye katabi ako pero nasa left ako tas siya sa right, sabay may sinasabi siya kay faye pero nung uwian sinabi din ni faye sakin yun lahat, sabi daw ni Arkin gusto niya daw ako ligawan kaso natatakot siya baka daw kasi mareject siya, tas kinagabihan nagtext siya sakin sabi niya Mik gusto kita seryoso ako, gusto kitang maging Girlfriend pwede ba kitang ligawan? Tas wala akong mareply nun kaya di nako nagreply tas kinabukasan nun sumabay siya samin ni faye sa paguwi tapos kinagabihan nun tinext ko si Faye sabi ko ano nakain ni arkin bat nanliligaw sabi ni faye sagutin kona daw pero sabi ko ayoko kasi diko pa nga kilala tas sabi niya perahan daw namin mga ganun pero di nako nagreply tas basta araw araw na siya sumasabay sakin tas hinahatid niya ko lagi sa sakayan hanggang sa naisip ko na deserving siya kaya naging kami ng July9 tapos hanggang sa naka 1month kami sa loob ng 1buwan na yun laging may away, minsan masaya pero bilib ako sa lalaking yun kasi napaka Sweet niya, maunawain pero ang ayaw ko lang seloso siya sobra -_- tapos dumating yung araw na naghiwalay kami dahil kay faye, nagaway pa kami ni faye kasi siniraan niya ko kay arkin sabi niya pineperahan lang daw namin siya tapos sabi niya pinagttripan ko daw si arkin kaya nung nalaman ni arkin yun eh sakto komplikado din kami nung araw na yun kasi nga nagselos nanaman kay benjamin, tapos nagulat ako nung nakasakay ako sa jeep nagtext si arkin na Break na daw kami hindi kona tinanong kung bakit sinabi ko lang Panindigan mo basta tapos natawag siya nagtetext pero diko pinapansin"
Ate reya: "pabebe ka naman haha"
Ako: "nagkkwento pako, tapos nung sa room kinukulit niya ko tas gusto niya magexplain kaso diko pinapansin ayyy bago pala yang break namin na yan muntikan na kami maghiwalay nung bago palang kami wala pang 1buwan nun kasi sinabi ng classmate namin na ayaw na daw ni mik, pwede daw ba bigyan mo siya ng space? Tas bigla siyang tumayo nun tas umiyak sa likod tapos nagulat ako kasi umiyak haha tapos nataranta ako kaya nung uwian sinusuyo ko siya tapos madaming tutol samin sa room kasi nga daw feeling nila niloloko ko pero hindi, tas ayun umiyak siya sabay sinoli niya lahat ng gamit ko mga quiz, activity tas pinag-usap pa kami kaso ayaw niya ko kausapin pero kinagabihan nung tinext ko siya nagexplain ako tas naintindihan niya kaya hindi kami naghiwalay tapos yun na nga sa may gusto niyang magexplain kaso diko pinapansin talagang kinukulit niya ko nun hanggang sa naguwian sinusundan niya ko, naiyak siya habang naglalakad kami tapos pumunta kami sa bahay ng isa naming classmate nakasunod pa rin tapos hanggang sa uuwi nako sinabi niya pag sumakay ka ng tricycle sasakay din ako, tas pinipilit ko na umuwi na siya kaso ayaw niya talaga tapos hindi ko siya pinapansin habang naglalakad ako nangungulit pa din basta kung san ako mapadpad andun din siya tapos hanggang sa pinayagan ko siyang magexplain sabi niya akala niya daw kasi totoo yung sinabi ni faye tas nagsorry din siya kasi daw ang tanga niya at napaniwala siya ni faye hindi daw siya nakinig sakin tapos humingi ulit siya ng Last chance tas una ayoko pumayag baka maulit kasi tapos 3months siyang nagantay, 3months kahit na hindi kami parang kami pa din kasi lagi niya kong hinahatid lagi siya yung kasama ko, katabi tas katawagan ko sa phone katext tas nanligaw ulit siya tas november8 sinagot ko ulit kaya dalawa monthsary # namin eh pero ang ginagamit na namin ay 8"
Ate reya: "nakapaghintay pa siya ah? Yung iba nga nasuko agad eh, grabe ang ingat niya sa relasyon niyo haha"
Ako: "maingat talaga yun kaso etong last week kasi kala ko hindi siya papayag na maghiwalay kami kahit anong mangyari pero pumayag din pala siguro nagsawa na kasi paulit ulit nalang nagyayari sa relasyon namin naghihiwalay tas magkakabalikan tas hiwlay ulit tas balik tas Hiwalay na talaga :("
Ate reya: "napagod na yun pinagod mo kasi kakahabol sayo eh :p"
Ako: "tas ate basta nung pumasok din ang 2014 nagiba siya :("
Ate reya: "diba nung birthday ni lolo nung january10 nandito siya? Sinabi pa nga ng mama mo Anak niya din daw yun eh pati si faye"
Ako: "oo ate, pagtapos ng birthday ni lolo dun nagiba siya nakita niya lang na kasama ko si benjamin lumayo na siya di na siya umuupo sa tabi ko tas bihira magtext tumawag basta kaya naghiwalay na din kami tas naalala ko nagkabalikan pala kami ng january20 kasi nung may event sa school tas madaming tao, tapos mainit siksikan inatake siya ng hika niya tas sinasabihan siya ng classmate namin na pumunta sa clinic pero ayaw niya tas nung ako nagyaya una ayaw niya kaya hinawakan ko yung kamay niya tapos nung hawak hawak ko ang higpit ng pagkakahawak niya ayaw niyang bumitaw tas medyo nakakahinga na siya nakarecover na tapos uwian naging kami ulit nun tapos akala ko babalik yung dating siya kapag naging kami HINDI NA PALA! kaya nagdesisyon ako na makipaghiwlay na talaga etong hiwalay namin Official na tapos mga 6hrs bago siya pumayag"
Ate reya: "alam mo kung bakit ganun siya kasi nagseselos siya sainyo ni benj siguro ayaw niya lumapit kasi magkasama kayo nagkukulitan mga ganon, tapos diba nga sabi mo super seloso yun kaya ganun"
Ako: "ewan ko dun tapos ngayon nga may nililigawan agad eh"
Ate reya: "naghahanap ng pagaaruga yun kaya ganun"
Ako: "siguro kasi nung kami di ako napayag magpahawak ng kamay sakanya pag madaming tao eh, pag magkahawak kamay nga kami sa room nakatago eh"
Ate reya: "yun ang mali mo kaya ganun"
Ako: "di kasi ako showy na tao"
...Maraming salamat sa mga bumabasa :) Vote nyo po sana, at Comment din po kayo kung anong gusto nyo pang mangyari. :) Maraming Salamat po.