第21章

4.9K 190 4
                                    

Samantha Arezmendez-Choi

"HAPPY BIRTHDAY !!!"  Isang Malakas na sigawan mula sa likuran ko , I lost my track bago tumingin sa mga taong nagpasabog ng confetti . They are here , My parents and some of my friends. Agad na kumunot ang noo ko bago Binaba ang bote ni baby sa lamesa , Pano sila nakapasok nang hindi ko alam ? . Kitang kita sa mga mukha nila ang saya habang pumapalakpak . I mean akala ko hindi nila alam na birthday ko ngayon

"Happy birthday to you 🎶.. " kanta nila habang lumalabas Si Alexa dala ang isang black forest  chocolate cake , nang makalapit ito Ay tumigil ang palakpakan at Sigawan.

"What is your wish Mrs. Choi ?" She ask teasingly , Narinig ko ang iritan at lokohan ng mga tao kaya Napailing ako . Masyado silang kinikilig .

Ipinikit ko ang mga mata bago bumulong ng wish ko , hinipan ko na ang kandila kaya muli silang nagpalakpakan .

"Kainan na !" I Know voice , don't tell me andito rin ang mga co model ko . Nagtakbuhan sila papunta sa kusina kaya muli akong naiwan na nakatayo dito.

"Happy birthday anak " lapit sakin nila Mommy at Daddy habang dala Si Baby Jia , dumedede pa ito sa isa niyang Dedehan .

"Baby say happy birthday to Mommy " Bahagya akong napatawa sa sinabi ni Dad , he really love Jia . Nagkaroon sila ng Dahilan para mag stay ng Matagal dito sa Pilipinas, madalas nila kaming pinupuntahan dito sa Bahay.

Our two months old Baby Jia giggle bago tumingin sakin , nakakatuwa siya . Perks na siguro na kamukha ko siya pero nakuha Niya ang mala bond paper na kutis ni Alexa .

"Gurl ansarap ng pansit niyo " tumaas ang Kilay ko at napatingin Kay Cheryl na dala dala pa ang pinggan Niya habang kumakain . Isa siya sa mga kasama ko Palagi sa pag aalaga Kay Jia .

"Meron pang Morcon dito baka nmn " mabilis na dumampot ako ng Morcon sa pinggan ni Cheryl kaya napasimangot ito

"Madami Don gurl ikaw naman " muli siyang Tumayo bago naglakad papunta sa kusina

"Happy birthday " bulong sa may kaliwang tenga ko kaya nakaramdam ako ng Ngunit sa sistema ko , I saw Alexa habang may hawak na dalawang pinggan . Inabot Niya sakin ang isa kaya kumunot ang noo ko . Carbonara , fried chicken and sushi , my favorites . I mouthed thank you Bago ko kinuha ang Plato , she softly bid goodbye to us dahil may aayusin pa daw siya

"Isn't she's sweet Anak?" Umupo ako sa may mesa Bago tiningnan Si Mommy

"Oo nga anak " dagdag pa ni Daddy pero umiling na lang ako at hindi sila pinansin

"Samantha Happy birthday " napatigil ako sa pagsubo bago tiningnan ang mga taong papasok , I saw Amma with Alexa's Parents kasama rin nila Si Yohan . Mabilis akong Tumayo para bumati sa kanila bilang pag galang .

"This is for you Samantha " about sakin ni Amma kaya agad kong kinuha at nagpasalamat sa kanya , sunod na may inabot na regalo ang Mga magulang ni Alexa kaya napangiti ako at nagpasalamat ,  masasabi kong bless parin ako dahil hindi na ako sinusungitan ng mag asawang Choi

"Kain na po kayo " alok ko sa kanila , tumango lang Si Yohan bago inalalayan Si Amma papunta sa kusina . Lumapit naman ang mga magulang ni Alexa sa pwesto ni Baby Jia.

"How's my granddaughter ?" Malumanay na tanong ni Mr. Choi Bago inaabot ang kamay ng Anak namin , my Baby Jia remove her Dede in her mouth bago Ngumiti sa kanila . Kitang kita ang Pagkaaliw sa mga magulang namin . Kinuha ko ang plato ko at dumiretso sa kusina . Nakita ko ang karamihan na nagkakasiyahan .

To My Dearly Detested Where stories live. Discover now