She woke up the next morning glowing and with a new loaded sense of hope. Kahit wala na sa tabi niya si Langdon ay hindi niya na iyon inalintana. Nagpaalam ito sa kaniya kaninang madaling-araw na maaga itong aalis para sa isang mahalagang meeting.
You're mine. I own you, Cin. Kahit anong mangyari, sa akin ka lang, naaalala niyang sabi nito kagabi habang paulit-ulit siya nitong inaangkin.
Namumula ang mukhang bumangon siya sa kama at diretsong naligo. Paglabas niya sa silid ay natigilan siya sa bumulaga sa sala. There are ten bouquets of flowers in proper arrangement just for her. Dali-daling nilapitan niya ang mga ito. Hindi siya makapag-decide kung ano ang unang kukunin. Ang mga lilies ba, tulips, o roses in different color and sizes. In the end, she chose to pick up the card on each of the flowers. All of them are saying the same thing.
Wait for me here.
Kinikilig na maingat niyang ibinalik ang mga notes at isa-isang inamoy ang mga bulaklak. Kinuha niya rin ang cellphone at masayang piniktyuran ang bawat isa kasama ang sarili. Gusto sana niyang tawagan si Langdon para magpasalamat at marinig ang boses nito pero wala pala siyang bagong number nito.
She jumped to her feet from dreamily gazing at the beautiful flowers when her phone rang. Nang makita niya ang caller ay excited niya itong sinagot.
"Andrea!"
"Cin! Kamusta ka na my friend! Ang tagal din nating hindi nagkausap! Itong demonyo ko kasing amo, isinama ako sa isang trip niya papunta sa mga kabukiran at kakahuyan! Walang signal doon kaya hindi ako makapagsumbong na inalila niya ako ng bonggang-bongga doon! Anak ng hinayupak talaga! Ang dami kong hanash sa life ngayon, Cin! Magkita naman tayo, o. Miss na kita. Miss ko nang makakita ng totoong tao. Maayos ba ang pakikitungo sa iyo ni Sir Langdon diyan? Narinig ko na hindi pa raw tapos ang pagtatrabaho mo sa kaniya."
Sumalampak siya ng upo sa sahig at ibinitin ang baba sa coffee table saka sinundot-sundot ang petals ng pink rose. Napangiti siyang bigla sa kawalan habang inaamoy ang mga bulaklak.
"Oo, nagtatrabaho pa rin ako sa kaniya. Sweet din pala si Lang I mean si Sir Langdon Drey, no?"
Kumuha siya ng tig-i-isang stem ng flower sa bawat bouquet at tumayo. Inipit niya ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat para malayang makakilos.
"Huh? Sweet? Si Sir Langdon? Aba, saang lupalop ka ba nabubuhay ngayon, Cin? Taong bato iyang si sir. Nagiging magma nga lang pag nagagalit pero sweet? Mas may tsansa pa na maging anghel ang demonyitong si Zheryll."
Hinalungkat niya sa mga gamit ang pinakapaboritong libro na The Awakening ni Kate Chopin at inipit sa mga pahina nito ang sampung tangkay. Noong isang araw ay tinulungan siya ni Langdon na hakutin ang mga gamit niya sa apartment at ilipat dito.
"Hindi naman siya kasinlala ng sinasabi mo, Drey. Langdon is a warm person. Dapat lang sigurong kilalanin mo siya bago mo siya maintindihan."
"Naku, kailangan na talaga tayong magkita para malaman ko kung bakit ka na nababaliw. Warm person talaga si sir. Bumubuga iyan ng apoy kapag nagagalit, eh. Kita tayo sa bagong bukas na fastfood diyan sa plaza."
"Okay, sige. And Drey?"
"O?"
"Namiss din kita."
Bumungisngis ito sa kabilang linya. "Mas miss kita kaya bilisan mo na diyan dahil papunta na ako. Lilinisan ko lang ang mahiwagang kwarto ng impaktong si Zheryll."
"Sige."
Matapos ibaba ang cellphone ay kumuha siya ng mga malalaking baso sa kusina at inilagay doon ang mga bulaklak. Napuno ang buong mesa sa dami ng mga baso. Hinintayin niya na malanta ang mga ito para maipon niya sa isang garapon.
It should be preserved since it's Lang's first gift for her. Baka hindi na rin masundan pa. She took photos of the flowers before ambling towards the shower. Isa at kalahating oras pa ang nakararaan ay pumapasok na siya sa bagong bukas na maliit na local fastfood sa plaza kung saan naghihintay na ang kumakaway na kaibigan.
"Naghintay ka ba ng matagal, Drey? Pasensiya na, ha. May ginawa lang ako sa bahay." Ang totoo ay ilang minuto rin siyang nakatitig lang sa mga bulaklak sa mesa matapos magbihis. Nakakabighani ang ganda ng mga bigay sa kaniya ni Langdon.
"Wow! Ang blooming mo naman ngayon, Cin! Mas lalo ka pang gumanda! Iba ang alagang Sir Langdon! Nahiyang ka yata sa pagtatrabaho sa kaniya."
Nahihiyang inayos niya ang salamin at ang strap ng suot na pink sundress.
"Teka, order lang tayo. Ano ang sa iyo? Libre ko na dahil nakulam yata si Zheryll at binigyan ako ng bonus."
Sinabi niya ang gustong kainin saka inilibot ang tingin sa paligid. Maliit lang ang lugar pero maaliwalas. Bagong bukas ng branch dito kaya medyo marami rin ang mga customer. May TV screen din na naka-install kung saan ipinapalabas ang isang cartoon show.
Dumating si Drey dala ang orders nila kaya tinulungan niya ito. Nagsimula silang kumain at magkwentuhan na sandaling naantala nang pinalakasan ang volume ng television. Nabaling ang pansin nila sa kasalukuyang newsbreak.
Langdon Asturia from the prominent clan of Asturias is set to wed Yvonne Yuson, second daughter of the owner of the Yuson electric cooperative today at the famous Edralin Church where Asturias traditionally married their wives.
Parang nawalan ng lakas ang buong katawan niya sa narinig. Nabitawan niya ang hawak na tinidor at hindi makapaniwalang napatitig sa screen.
"Ah, iyan. Ngayon nga ang kasal nila," ani Andrea nang mapansin ang reaksiyon niya.
"Hindi mo ba alam? Grabe naman si Sir Langdon para hindi ipaalam sa iyo eh magkasama kayo sa iisang bubong. Ikakasal na si Sir Langdon sa nakakababatang kapatid ni Ma'am Claire na si Ma'am Yvonne. Kaya nga nakalakwatsa ako ngayon dahil wala ang impaktong si Zheryll sa bahay. Walang CCTV ang magbabantay sa akin. As if naman nanakawin ko ang mga amoy-bayag niya na brief. Umattend siya ng kasal diyan sa Edralin Church. Kahit nga ako ay nagulat talaga. Ang tsismis kasi ay si Ma'am Claire ang papakasalan pero biglang ang kapatid na ngayon. Iba talaga ang mga mayayaman, ano. Ang bilis magpalit ng partner."
Wala na siyang narinig sa mga sunod na sinabi ng kaibigan. Ang tanging tumimo sa isip niya ay ang katotohanan na ikakasal na si Langdon. Agad siyang tumayo at nagmamadaling kinuha ang bag.
"Cin! Hoy Cin! Saan ka pupunta?! Cin!"
Hindi niya sinagot si Andrea. Nakatakbo na siya palabas sa restaurant at umiiyak na pumara ng taxi.
No, she must be kidding. Langdon just asked her to be his woman yesterday. What they did last night was amazing, it's gloriously beautiful. She can feel that Langdon is giving her a chance.
And the flowers. How about them? Binigyan siya nito ng hindi lang isa kundi sampung bulaklak. It must mean something to him. It's not just some thoughtless present. There's a reason why he gave her that...
He said she should be living with him but why is he marrying Yvonne now? He said he will just attend a meeting. Why does he have to lie to her face?

BINABASA MO ANG
The Taste of Forbidden Love (Sweet Sin's Revenge 1) - [COMPLETED]
RomanceMasarap ang bawal. Iyan ang pumasok sa isip ni Alcindra Alcantara habang tinutugon ang marahas na halik ni Langdon Asturia. Siguradong kapag nalaman ng kanilang mga angkan ang kanilang mga pinaggagagawa ay mauuwi na naman sa madugong labanan ang la...