Becca's POV
Three days na ang nakalipas. Bahala kayong dalawa diyan. Si Haryu at Ice, panay ang pagpapakita sa akin. Na parang gusto akong lapitan at kausapin. Ngayon lang ako nainip ng ganito. Yung gustong gusto ko na magpasukan para lang makalayas sa probinsyang ito. Dahil ginagambala ako ng mga engkanto.
Gusto daw nilang makipagkaibigan sa akin. Ano sila hello? At sa tingin ba nila papayag ako? Tao at engkanto magiging magkaibigan? Isn't it unreal? Hindi pa nga ako kumbinsidong engkanto talaga sila eh tapos makikipagkaibigan pa?
Pinag isipan ko ng mabuti ang payo sa akin ni Manay Doring. At napagtanto ko na tama siya. Mananatiling normal ang buhay ko kung hindi ko sila papapasukin sa buhay ko.
I even searched about them. Some says na ang engkanto daw ay naninirahan sa mga kagubatan, which is kinda true naman kase sa likod ng magubat naming bahay sila nakatira base sa kanila. Another information I got is that they are pretentious. Ayon sa sabi sabi na ang mga engkanto daw ay hindi pinapakita ang totoong itsura dahil sobrang pangit at nakakatakot daw ito. Kaya napaisip ako, kaya pala ang perfect ni Ice tapos si Haryu naman ay cute. Ibig sabihin panlinlang lamang ang mga mukha nila. At isa pa, ang sabi sa internet at tumutugma sa tsismis ng mga marites sa paligid. Ang mga engkanto daw ay kumukuha ng mga mortal upang dalahin sa kanilang mundo at gawing aswang. Sa statement na iyon talaga ako nahook like what the heck. Suddenly, bigla akong naniwala sa mga mythical creatures. Sabi nila, ang mga mortal daw ay niriritwalan upang maging aswang na manggugulo sa mga tao.
Very disturbing at kadiri. Kase nung brinowse ko ang aswang, nakakapanindig balahibo at kasuka suka ang itsura nila, ewww. At ako magiging ganon ang face? No! Not ever.
Paluwas ako ngayon ng Manila para mag enroll. Well, 2weeks na lang at magsisimula na ulit ang panibagong sem at makakatakas na din ako sa mga engkantong iyon.
Ang smooth lang ng pila for enrollment, well sana kayo rin.
Tinawagan ko ang mga friend ko sa Manila to hang out. Namiss ko sila kahit papaano. I treated them some alcohols at nagchikahan kami hanggang malasing.
Luckily, nakauwi pa ako sa condo ng matiwasay at medyo maayos ang lagay. Ngunit kinabukasan ay bangungot. Grabe ang sakit ng ulo ko. This is why I hate drinking alcohol. Pumupunta sa head, pero kahit ganon inom pa rin ako ng inom.
Natulog lang ako maghapon.
*Ring..Ring..Ring*
Naalimpungatan ako dahil sa ring ng cellphone. May tumatawag ,nang sasagutin ko ay biglang tumigil. I checked kung sino at napanganga ng makita ang 25missed calls mula kay mama but wait there is more. Muntik na akong malaglag sa kama ng masilayan ang 2missed calls mula kay papa.
Dali dali akong nagpunta sa message para ipaalam na pauwi na ako pero may message na mula kay papa.
"I'm on my way there. Better ready your things."
-Papa
Nanlamig ako sa pwesto ng mabasa ang mensahe. Bakit ganon, iba ang impact ng mga tatay. Nakakapangilabot, minsan lang kase talaga tumawag or magtext si papa kaya kaba talaga ang dating sa akin tuwing mag aappear ang pangalan niya sa messages o call history ko.
"What were you thinking Becca! Alam mong mag aalala ang mama mo. Ni hindi ka manlang nagtext o tumawag. Hindi ka pa sumasagot sa tawag." Kalmado pero alam kong nagtitimpi lang si papa na pagalitan ako ng sobra. Ang gaga ko kase. Pinapayagan nila ako magnight out at uminom pero hindi ang hindi mag update. Pinakabilin iyon sa akin.
Matapos masermonan ay tahimik na kami ni papa sa buong byahe. Ang awkward kase hindi ako sanay na tahimik siya sa akin.
"Papa ,I'm sorry" pabulong kong sambit. Alam kong narinig niya pero wala siyang reaksyon. Kase naman ,kasalanan ko din. Mali talaga ako.
"Huwag mo na itong ulitin ,Becca. Nag alala ako ng sobra." Mahinahong sabi ni papa ng makarating kami sa bahay. Lumabas na siya ng kotse at naiwan ako doon na guilty.
"Hinahantay ka na ng mama mo sa loob." Pahabol niya bago lumipat sa kabilang kotse. Doon ko narealize na may ambulance car pala sa bahay. Sa sobrang pag aalala ni papa eh ambulance car ang nadala niya imbes na sariling kotse. Sorry po.
Napalunok naman ako ng lumakad ako palapit sa pinto. I can already feel it. The dark aura. Patay ako nito kay mama.
"You are grounded, no cellphone or gadgets until the semester starts. Wala ding hang outs at night out. Naintindihan mo?" Ma awtoridad na saad ni mama. Gusto kong magprotesta at sabihing that's too much pero wala akong magawa. Wala akong laban kay mama. Siya ang batas sa bahay. At isa pa, deserve ko din ito.
Halos dalawang araw akong nagkulong sa kwarto dahil nagtatampo ako kahit walang karapatan. Walang imikan sa hapag tuwing kakain. Namimiss ko ang social media at mga tao. Ang boring.
Naisipan kong dumungaw sa bintana at naaninagan ang dalawang nilalang na parang mga tanga sa gubatan habang nagbabatuhan ng bola na gawa sa dahon ng niyog. Halos kalahating oras ko silang pinapanood at parang hindi sila napapagod. Okay lang ba sila? Ang lalakas ng amats nila ha.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naisipan kong lumabas ng kwarto diretso sa pinto at tuluyang lumabas ng bahay. Pinuntahan ko si Ice at Haryu na naghaharutan parin.
"Alam niyo, para kayong mga bata." Sigaw ko sa dalawa na naging dahilan ng paghinto nila sa paglalaro. Nakita ko ang ngiti sa mukha ni Haryu ng makita ako habang gulat na walang reaction naman si Ice. Naks, swak ang name ha, ang cold ng engkantong itey.
"Becca, Becca! Sali ka dali!" Excited na anyaya ni Haryu na akala eh close kami. Assuming na engkanto.
"Becca, it's nice to see you again." Bati ni Ice. Ay biglang bumait ang engkantong malamig. Hindi ko siya pinansin, narealize ko na bakit nga pala ako nag aaksaya ng oras sa kanila. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pabalik ng biglang may tumama sa ulo ko.
"Aray!" Iritado kong nilingon ang dalawa ngunit isang bolang gawa sa niyog na naman ang tumama sa binti ko naman.
"Ano ba, Haryu!" Sigaw ko. Pero gaya ng nauna, bola ulit ang bumalik.
Limang bola pa ang tumama sa akin na nagmitsa sa nag aalab kong pagkainis. Agad akong dumampot ng isang bola at agad binato ito kay Haryu pero nakailag siya. Arggh. Nakakainis na engkanto. Dumapot ako ulit at tumakbo naman siya agad. Hindi ko na napigilan ang sarili kong habulin siya sa kagustuhang makaganti.
"Haryuuuu!!" Sigaw ko matapos muling hindi tamaan. Dadampot na akong muli ng bola ng may tumama sa braso ko ngunit mahina lang. Pinanlisikan ko ng mata yung bumato sa akin na nagpipigil ng tawa pero nahihiya.
"Isa ka pa, Ice!" Sigaw ko at binato siya. Pero hindi tumama dahil umilag siya.
At sa isang iglap. Isa na rin ako sa mga tinutukoy ko kaninang parang mga bata na kasali sa pagbabatuhan habang naiinis at the same time tumatawa at nag eenjoy.
Ang weird kong nilalang. Sinuway ko si mama noong sinabi niyang no hang outs. Kase nakihang out ako sa dalawang ito. Mag engkanto nga lang. Hays