CHAPTER 15

547 30 0
                                    

CHAPTER 15

Kinabukasan ay nagising siya sa ingay ng ringtone ng cellphone nito. Iginapang niya ang kaniyang kamay papunta sa table niya para kunin ang cellphone nito na kanina pa nag-iingay.

May tumatawag.

Hindi na niya binalak pang tignan kung sino 'yong tumatawag.

[ Hello?] mahina niyang sabi dito.

[ Good morning my Micay!] napabalikwas siya ng marinig kung kaninong boses 'yon.

[ F-Fredrick?] hindi makapaniwalang tanong niya dito.

[ Yes my Micay? Nagulat ba kita? Nagising ba kita? Pasensya na,] malumanay na sabi sa kaniya ni Fredrick.

[ Bakit kaba napatawag? Ang sarap pa ng tulog ko e,] kunwaring galit niya na sabi dito.

Dinig naman niya ang pagbuntong hininga ng lalaki.

[ Ahm ano kasi, I'm here outside your house,] kumaripas siya ng takbo ng marinig iyon.

[ Jusko naman Fredrick! Anong ginagawa mo diyan? Baka makita ka ng mga tao diyan huh,] kinakabahan pa siya na sinasabi iyon.

Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao kapag nakita nila si Fredrick diyan sa labas ng bahay nila. Alam naman niya na si Rick ang nakikita nila kay Fredrick pero baka iniisip ng mga tao na gagamitin niya ang tao.

Kilala pa naman na mayaman sa kanilang lugar ang mga 'yan.

[ Binibisita lang kita. Ahm may dala rin ako dito na breakfast mo,] rinig niya na sabi 'yon ni Fredrick.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay nakita niya si Fredrick sa labas ng kanilang gate. Nakasandal ito sa jeep wrangler nito na kulay pula.

Pinatay niya muna ang tawag bago siya lumapit kay Fredrick.

Ang bango naman ng lalaki na 'to, samantalang siya ay hindi pa siya nakakapaghilamos at nakakapagmumog.

" Anong ginagawa mo dito? Puwede mo naman 'yan na ipadala nalang," sabi niya dito habang palingon-lingon sa paligid para tignan kung may tao.

Napahinga naman siya ng maluwag ng makita niyang walang tao sa paligid.

" Gusto ko nga na ibigay 'yong breakfast mo ng harapan kasama na doon 'yong makita kita ng harap-harapan," kinindatan pa siya ng lalaki bago iabot sa kaniya ang lunch box bag.

Corny.

" Salamat," sabi niya dito ng makuha niya ang ito.

" My pleasure, my Micay. Ako nagluto niyan kanina," sabi naman sa kaniya ng lalaki.

May alam din pala sa pagluluto ang lalaki na 'to.

" Ahm salamat. Nag-abala ka pa, puwede ka ng umalis hehe," nakangiti siya ng pilit dito.

Baka kasi magsilabasan na ang mga tao ngayon. Ang aga pa naman gumigising ang mga 'yan. Baka magising na rin mamaya ang kaniyang pamilya.

" Hindi mo man lang ba ako papasukin sa bahay niyo?" nagtatampo na tanong sa kaniya ni Fredrick.

Bumuntong hininga naman siya bago nagsalita,"Baka makita ka nila nanay."

Sinabi nito sa kaniya na hindi pa ito handa na magpakita sa kaniyang magulang tapos nagtatampo na magtatanong kung hindi ko ba siya papasukin sa loob ng bahay namin.

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now