It's been two days since the last time I saw her. Hindi ko alam bakit hinahanap ko ang babaeng yun. Dapat ay mas nakatuon ang atensyon ko sa pag-aaral dahil nalalapit na rin ang pagtatapos ng school year. But as much as I want to forget her I always end up thinking of her.Ilang beses kung naaalala ang nangyare nung nasa music room kaming dalawa. Her voice that is like an angel singing with a trumpet. Agad akong napailing sa naiisip ko.
"Tulala ka dyan Night ah! Sinong iniisip mo?" Sabi ng baliw kong kaibigan.
Inirapan ko lang siya at hinayaan na asarin ako buong magdamag. Nang magtatanghali na ay nagka-ayaan kaming pumunta sa canteen upang kumain.
Bago pa kami makarating sa canteen ay narinig ko ulit ang boses niya. Nagtaka ang mga kaibigan ko kung bakit bigla na lang akong napahinto ng wala sa oras.
"Bakit pre? May problema ba?" Tanong ni James.
Alam kong aasarin nila ako kapag sinabi kong may narinig akong kumakanta kaya nag-isip agad ako ng dahilan para hindi nila ako kulitin.
"Medyo sumama yung tyan ko pwedeng mauna muna kayo sa canteen susunod ako kailangan ko lang ilabas 'to."
Hindi na ako nagtaka nang biglang humalagpak ng tawa ang dalawa kong kaibigan.
"Kaya pala ang baho ng amoy kanina nung naglalakad tayo eh. Hindi mo naman sinasabi Night na magpapasabog ka," Asar ni James sa'kin.
Lalo pang natawa ang dalawa dahil sa banat nila. Bakit naman kasi ayun pa ang naisip kong dahilan. Hindi na ako kinulit ng dalawa at nauna silang pumasok ng canteen habang tumatawa.
Agad kong hinanap ang boses niya at natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa likod ng paaralan. Kitang-kita ko agad dito ang pwesto niya. Nakalugay ang kanyang buhok at tila nasisinagan ang araw ang kanyang mukha. Nagningning ang kanyang ngiti habang umaawit. I was amazed by her beauty. An angel in disguise.
Pinanood ko lang siya sa ganoong posisyon at napansing may iginiguhit din siya. Lumapit pa ako ng kaunti para makita kong ano nga ba ang kanyang ipinipinta. Sa paglapit ko ay doon ako mas lalong namangha. Napakaganda ng iginuhit niya. Isang ina na may karga-kargang bata.
Napangiti ako ng mapait sa nakita ko. Agad kong naisip ang kinakamuhian kong tao sa mundo. My mother who left us without saying anything. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pag-iwan sa amin. I hate her so much that even she was in a good hands I still wish the bad things for her.
I don't care and it may sound selfish but I don't want to see her again. I made a promise to myself that I would never be like her. Hinding-hindi ako magiging katulad niya. I was hoping that one day she would realize that leaving us is her biggest mistake that she have made in her life.
Nagulat ako ng biglang lumingon siya sa'kin
Nagtama ang aming mga mata at nagulat pa siyang makita ako. Ngunit agad ding napalitan ng galit ang mga iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit napakalaki ng galit nito sa akin eh wala pa nga akong ginagawa sa kanya.
"Bakit ka andito? Paano mo nalaman na andito ako?" Malamig ang boses niyang tanong.
"A-ah ano kasi..."
Sh*t napamura ako sa isipan ko ng wala akong masabi sa kanya na kahit anong salita.
"Ano ngang ginagawa mo dito?" Malamig na tanong niya ulit sa akin.
Hinahanap ko ang mga salita na gusto kong sabihin sa kanya ngunit walang lumalabas sa aking bibig. Puta bakit wala akong masabi sa kanya.
Tinitigan ko lamang siya ng ilang segundo at ganun na lang ang gulat ko ng mas lumapit siya sa akin. Hindi na ako nakapag-react ng mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin.
YOU ARE READING
"In Her Loving Arms" (PIP MENTAL HEALTH SERIES COLLABORATION)
RomanceMidnight Rodriguez is a man that every women's dreamt of. He's known for being the son of the most famous hotel in manila. He's also known for being a top student in their school. Midnight aims to become the best doctor in the country. He even faces...