Kinaumagahan ay agad akong nagtungo sa paborito kong kainan. Ganito lagi ang routine ko sa tuwing wala akong pasok. Pumupunta ako kanila aling Janet dahil sa masarap nilang almusal.
"Goodmorning, Aling Janet!" Bati ko dito sa kanya.
"Goodmorning din, Gabi!" Bati niya rin sa akin habang nakangiti.
Nasanay na ako kay Aling Janet na tawagin akong gabi dahil sa na rin sa palayaw kong Knight na akala niya ay gabi. Nakakatuwa talaga 'tong si Aling Janet eh.
Habang nag-aantay sa aking almusal ay tila may nakita akong pigura ng babae na pamilyar sa akin sa loob ng kusina ni Aling Janet. Hindi ko na lang ito pinansin at tinuon ang sarili ko sa paglalaro sa aking cellphone.
Malapit na sanang matapos ang paglalaro ko ng may biglang naglapag nung aking pagkain sa lamesa at laking gulat ko ng makita kong si Elara iyon.
"Ikaw na naman!" Sabay naming sigaw na dalawa sa isa't-isa.
"Sinusundan mo ba ako?" Sabay na naman naming pagkakasabi.
Napahawak na lang ako sa aking mukha dahil sa mga nangyayare. Kailan ko ba mararanasan ang kapayapaan sa buhay ko. She's always there in the place I want to be alone. May pagkademonyo ata ang babaeng 'to eh.
"Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya.
"Dito ako nagtatrabaho tuwing walang pasok." Pagsusungit nito sa akin.
"At bakit ngayon lang kita nakita dito? Ang tagal ko ng kumakain kanila Aling Janet."
Napakamot na lang siya sa kanyang ulo sa inis nito sa akin.
"Malamang bago lang ako dito."
I just ignored her and started eating my breakfast. Pinipilit kong hindi siya pansinin dahil sa ingay niya. Kababaeng tao ang lakas tumawa.
Patuloy lang ako sa aking pagkain hanggang sa nadako ang tingin ko kay Elara. Nakita ko siyang nagwawalis sa labas. Nasisinigan ng araw ang kanyang mukha at nakawagayway ang kanyang buhok. Inayos niya ito sandali at kumuha ng tali sa kanyang bulsa.
I was stunned for a moment. Tila ba parang slow motiong ang nangyare habang inaayos niya ang kanyang buhok mula sa pagkakagulo nito. Ngumiti siya ng may customer na pumasok habang patuloy na nagtatali ng buhok.
Napatulala ako sa nakikita ko. Why she's beautiful? Even the sunrise and sunset are made for her only. Ipinikit ko ang aking mata at binura sa isipan ko ang nakita ko. Hindi pwede ito hinding-hindi ako mahuhulog sa isang babae. I loathed them. Pare-pareehas lang silang mga manloloko at manggagamit.
Ipinagpatuloy ko na lang pagkain at pilit na hindi siya tignan. Nang matapos ay agad akong nagbayad kay Aling Janet at dumeretso ng umuwi sa bahay.
Pagdating sa bahay ay agad akong humiga at nakatulog.
It's almost past midnight when I woke up. Napasobra ata ang tulog ko. Naglakad ako patungong banyo at nag-ayos ng sarili. Kinuha ko ang susi ko at agad na umalis sa bahay.
I don't know why but I love to be alone every night. Napakatahimik kasi ng gabi at ang sarap mag-isip tuwing mag-isa ka.
Pumunta ako sa malapit na playground sa amin at doon naglatag ng sapin. Inilapag ko din ang binili kong stick-O at binuksan ang speaker na dala ako.
I was in the middle of thinking something ng may narinig akong boses na kumakanta. Sa tagal ko na dito alam kong walang napunta sa ganito tuwing madaling araw maliban sa akin. Hindi kaya may multo dito. Natawa ako ng mahina sa iniisip ko.
YOU ARE READING
"In Her Loving Arms" (PIP MENTAL HEALTH SERIES COLLABORATION)
RomanceMidnight Rodriguez is a man that every women's dreamt of. He's known for being the son of the most famous hotel in manila. He's also known for being a top student in their school. Midnight aims to become the best doctor in the country. He even faces...