EL PRÒLOGO ✝

172 11 2
                                    

WARNING ⚠️

STRONG PARENTAL GUIDANCE. IT CONTAINS SCENES WITH THEMES, LANGUAGE, VIOLENCE, SEX, HORROR, OR DRUGS, WHICH MAY NOT BE SUITABLE FOR CHILDREN. MAJORITY OF THIS STORY HAS A LOT OF WARNING, EVERY CHAPTER.

DISCLAIMER :

This is only a work of fiction. Names, characters, places, businesses, incidents and events are either the products of my imaginations or used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

MAHIGPIT NA PAALALA : Madilim at mabigat ang istoryang ito. Ito ay maaring mag-dala nv trauma o muling ungkatin ang trauma na mayroon ang bawat mambabasa. Mag-dasal at maging matibay ang loob kung nais mag-patuloy. Maraming salamat po!

✝ If beauty is a curse——then I don't want it

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

✝ If beauty is a curse——then I don't want it. ✝

"Tigilan mo na ito, Hernan! Bakit mo ginagawa ang ganitong bagay sa akin?" nagmamakaawang saad ng dalagang si Diwa.

"Bakit? Nagmamalinis ka? Hindi ba at marami na ang nakagalaw sa iyo? Bakit hindi mo ako pagbigyan? Akala ko ba ay mahal mo ako?" saad ng binata habang hinuhubaran ang kaawa-awang si Diwa.

Pilit mang awatin ni Diwa ang binata ay hindi niya magawa, sinuntok siya ni Hernan sa kan'yang sikmura kaya lalo siyang hindi nakapalag.

Inangkin ng binata ang kan'yang katawan habang ang kan'yang mga luha ay walang tigil sa pag-agos.

"Alam mo ang aking nakaraan, bakit mo inulit ang mga sakit na ibinigay nila sa akin noon?" kaawa-awang tanong ng dalaga at hinawakan siya ni Hernan sa kan'yang leeg.

"Wala naman ng mawawala sa iyo, mahal kong Diwa. Nakuha na ng iba ang lahat lahat sa iyo, ang malas ko naman kung hindi ko mararanasan ang naranasan nilang sarap sa iyo," nakakatakot niyang bulong at nagpatuloy ang binata sa karahasang ginagawa niya kay Diwa.

Nakatulog sa pag-iyak ang dalaga, kinabukasan ay naabutan niya ang sariling walang saplot, wala na rin si Hernan.

Tumayo siya at namumugto ang kan'yang mga mata. Humarap siya sa salamin na diring diri sa kan'yang sarili. "Ang mukhang ito, bakit mo ako binigyan ng ganitong mukha kung ganito lamang din ang ipararanas mo sa akin?!" hinaing ni Diwa habang nakaharap sa salamin.

Kinuha niya sa ilalim ng kan'yang kama ang isang libro, libro na nagsasabing maaring makatawag ng isang demonyo.

"Tulungan mo ako, isa isahin mo sila. Lahat sila." bulong niya sa libro.

Few Days to Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon