CAPÌTULO SEIS ✝

55 8 0
                                    

✝  They say that, if you believe, you will see

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

✝ They say that, if you believe, you will see.
I don't believe in evil but still can see it. ✝

"Mamaya na ang gabi ng pasasalamat sa poon, pupunta ka ba?" tanong ni Hernan kay Diwa habang nasa lupain sila ng mga bulaklak.

Tinapunan ni Diwa ng tingin si Hernan at ngumiti saka tumango. "Oo naman, kahit na ganito ang nangyari sa aking buhay ay dapat parin akong magpasalamat sa kanya. May isang tao parin ang gumalang sa akin," paliwanag ni Diwa at napangiti naman si Hernan. Sa palagay ni Hernan ay siya ang tinutukoy ni Diwa.

"May nais pala akong ibigay sa iyo, Binibini. Hindi ko alam kung magugustuhan mo," sambit ni Hernan at ibinigay ang kakaibang libro kay Diwa.

"Ano ito? Bakit silyado ng kadena?" takang tanong ni Diwa kay Hernan.

"Hindi ko rin alam, Binibini. Napulot ko lamang iyan habang naglalakad at naalala kong mahilig kang magbasa," paliwanag ni Hernan at napangiti muli nito si Diwa kahit pa nagtataka.

Sinuri ni Diwa ang libro at tumingin kay Hernan. "Maraming salamat at naalala mo ang mga hilig ko," pagpapasalamat ni Diwa kay Hernan.

"Ngayon na pala ako maghahatid ng mga itlog ng manok sa palengke, ihahatid na kita sa inyo at magkita na lamang tayo mamayang gabi sa simbahan." paalam ni Hernan at ngumiti naman si Diwa saka tumayo.

Nang makarating sila sa tahanan nila Diwa ay nagpaalam na rin si Diwa kay Hernan. Hinintay niya itong mawala sa kanyang paningin at saka pumasok sa loob ng kanilang tahanan habang hawak hawak ang librong ibinigay ni Hernan.

"Ano ang hawak mo?" takang tanong ni Lucio nang makita ang hawak hawak na libro ni Diwa.

"Tay, bigay po ito sa akin ni Hernan. Hindi po ba nakakapagtaka kung bakit silyado ito ng kadena?" takang sabi ni Diwa at hinawakan ni Lucio ang libro na hawak ni Diwa.

"Itapon mo 'yan. May dalang malas ang librong iyan. May dahilan kung bakit may kadena ang librong iyan," seryosong sabi ni Lucio ngunit niyakap ni Diwa ang libro.

"Ngunit ibinigay po sa akin ito ni Hernan, tay. Hindi ko ito maaring itapon na lamang, baka masaktan siya kapag nalaman niyang tinapon ko ito," paliwanag ni Diwa habang yakap yakap ang libro.

"Pagsisihan mo, itapon mo na iyan kung ayaw mong mapahamak ang pamilyang ito! Hindi nararapat na mabuksan iyan," paliwanag ni Lucio ngunit nagmatigas si Diwa. Dumeretso siya sa kanyang silid at itinago iyon sa ilalim ng kanilang papag.

Naupo si Diwa sa papag at tumingin sa labas ng bintana. Sumunod ang kanyang ama, at tumingin ng seryoso kay Diwa. "Itapon mo ang librong iyon!" utos nito at umiling si Diwa.

"Tay, hindi ko naman po bubuksan ang libro. Ayaw ko lang pong itapon kasi ibinigay iyon ni Hernan," giit ni Diwa at napapikit nang mariin ang kanyang ama.

Few Days to Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon