Sampung taon ang lumipas nang makalabas ng kulungan ng mga baliw si Diwa. Gumaling siya mula sa kan'yang sakit sa pag-iisip at bumalik ang kan'yang pananampalataya sa Dyos.
"Ate, tara na! Pupunta na po tayo sa simbahan," pagyaya ni Isabel sa kan'ya. Lumaking maganda at magalang si Isabel.
Sa tulong ni Heneral Corpuz, nakapag-aral si Isabel sa isang pristihiyosong paaralan. Marami siyang natutunan sa paaralang iyon at talaga namang ipinagmamalaki siya ng Heneral.
"Nariyan na ako, Isabel." sambit ni Diwa. Suot niya ang kulay puting baro at itim na saya. Maayos din ang pagkakatali sa kan'yang buhok ay mayroon pang ipit na gumamela.
"Ang ganda mo ate! Walang kupas," papuri ni Isabel.
Ngumiti si Diwa at niyakap ang kapatid. Lumipas ang taon na puro pangungutya ang natanggap ni Isabel mula sa maraming tao dahil kay Diwa, ngunit gayon pa man, hindi natinag ang pagmamahal nila sa isa't isa.
"Maraming salamat, Isabel. Hindi ka sumuko sa akin," sambit ni Diwa.
Sabay silang lumabas sa kanilang bahay. Maraming mata ang mga nakatitig sa kanila, para bang sila na ang pinaka-masamang tao sa buong mundo.
Sampung taon ang lumipas ngunit sariwa parin sa ala-ala ng mga tao ang nagawa ni Diwa noon, ngunit gayon pa man, marami rin ang nakaintindi sa kan'yang sitwasyon.
"Hayaan mo na lamang sila, Ate."
Hindi nila pinansin ang mga taong iyon. Nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang marating ang simbahan.
Bago pa man sila pumasok sa loob, bumaba ng kabayo ang dating Heneral Corpuz at binati sila Diwa at Isabel. "Heneral! Mabuti po at nagkita tayo!" natutuwang sabi ni Isabel.
"Kamusta kana, Isabel? Kamusta na ang pag-aaral mo?" tanong ng Heneral.
"Mabuti po, Heneral! Palagi po akong nangunguna sa klase," balita ni Isabel.
"Ikaw talaga, matagal na akong wala sa serbisyo. Hindi na ako isang Heneral ngayon, Isabel."
"Hindi ko lang po maiwasan, nasanay na po kasi ako."
"Bueno, para sa iyo binibini," sambit ni Heneral Corpuz at inabot kay diwa ang tatlong piraso ng pulang rosas.
"Para sa akin?" takang tanong ni Diwa.
"Sampung taon ang naghintay ng iyong pagbabalik, binibini. Sampung taon ko rin hinintay kung magkakaroon ba ako ng puwang sa iyong puso," paliwanag ng Heneral. Nakangiti naman sa gilid si Isabel habang si Diwa naman ay hindi parin makapaniwala.
"Ngunit, H-Heneral." sambit ni Diwa.
"Tanggapin mo ang mga bulaklak na ito, simbolo ng aking tapat at tunay na pag-ibig," sambit ni Heneral Corpuz at tinanggap naman ni Diwa ang mga bulaklak.
"Maruming babae na ako, Heneral."
"Tanggap ko ang lahat sa iyo, maging ang iyong nakaraan. Hindi mababago ng mga pinagdaanan mo ang pagtingin ko sa iyo. Tanging nakikita ko lamang sa aking harapan ay ang babaeng nais kong makasama habang buhay," paliwanag niya at hindi maiwasan ni Diwa ang mapangiti at maluha dahil sa tuwa.
Bigla siyang nakaramdam na mayroong tumulak sa kan'ya palapit sa Heneral. Mainit iyon at napakasarap sa pakiramdam. Tumingin siya sa paligid at wala siyang nakitang nasa likuran niya.
Biglang humangin nang malakas, para bang niyayakap siya nito. Ngumiti siya at tumango-tango. "Maraming salamat," bulong niya at tumingin sa kalangitan.
"Maghihintay ako kahit gaano katagal, hanggang sa matanggap na ako ng iyong damdamin," sambit ng Heneral.
Hindi niya akalain na mayroong isang lalaki ang tatanggap sa buong pagkatao niya. Hindi niya akalain na sa kabila ng madilim niyang nakaraan, bibigyan siya ng liwanag ng taong hindi niya inaasahang magiging parte ng kan'yang buhay.
Hinawakan ng Heneral ang kamay ni Diwa. Hinayaan lamang siya ni Diwa at sabay silang pumasok sa loob ng simbahan.
"Maghihintay ako, Binibini."
WAKAS
BINABASA MO ANG
Few Days to Hell (PUBLISHED)
ParanormalCompleted | ✔ PUBLISHED UNDER KM AND H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE (Series 1) Year 1882, there was a beautiful maiden named Maria Diwa y de Vergara. She is a woman that every man dreams of and dream of every woman to be like her. Her beauty...