21

205 6 2
                                    








BELLE POV







KATATAPOS kolang magligpit ng mga gamit ko at papunta palang sa locker ko dahil last practise namin ngayong umaga,bukas na ang game.
Hinde ako mapakali para bukas.
Alam kung mali ang ginawa kong magpatuloy paring sumali sa game namin kahit alam kung hinde dapat.
Paano kung may mangyari hinde magnda sa akin bukas magagalit sa akin ang mga kateam ko lalo na si coach.
Kung sa simula palang ay nag quits na ako hinde ako aabot sa ganito.
Anong magagawa ko,hinde ako basta basta nalang makakapag quit ngayon dahil inaasahan ako ng mga team ko.

Inaayos kona sa locker ko ang gamit ko ng bigla akong hawakan at hilain palabas.
Nagulat ako sempry pero nang makita ko kung sino ay hinayaan ko nalang syang hilain ako papunta kung saan.

Nasa parking lot na kami at doon lamang niya ako binitawan.
Walang masyadong studyante kaya siguro dito nya gustong makipag usap kung ano man ang itatanong nya ngayon.

Makikita sa mga mata nya ang galit ngunit mas nangingibabaw ang awa doon.
Hinde ko maintindihan kung bakit sya nagkakaganito ngayon,kung bakit ganon nalang sya tumingin sa mga mata ko.
Ayos naman kami,pero bakit sya nagagalit ngayon.


Umiwas muna sya ng tingin sa akin, parang may sasabihin pero pinangungunahan ng takot.nag uumpisa narin mamuo ang luha sa mga mata nya pero pinipigilan nya.gusto kung magtanong pero ayaw kong pangunahan sya.
Kahit nahihiwagaan kona kung ano mga itatanong nya pero segi lang hinde ako magsasalita.hihintayn kong ikaw mismo magtanong non sa akin.

Binitawan nya ang kamay ko at marahang tumalikod sa akin.
Ayaw nyang makita ko ang pag iyak nya,ayaw nyang makita kong nag aalala sya sa akin,ayaw nyang makita ko kung gaano sya nasasaktan para sa akin.

Maging ako ay hinde ko napigilan ang mga luha sa mata ko,tuloyan na itong tumulo kahit gaano ko pigilan.

Napahagulgul narin ako dahilan para yumuko at naramdaman ko nalang na lumapit na pala sya at marahan akong isinandal sa balikat nya.
Doon subrang humagolgul na ako,iniiyak ko na lahat ng sakit. Hinahayaan nya ako umiyak at hinde na muli nagsalita.

Matagal ang sandali at ng humupa na ang iyak ko ay saka nya ako kinausap.
Hinde parin sya nagbabago kahit maraming taon na ang lumilipas.
Hinahayaan parin nya akong maging ok bago kausapin kahit na gustong gusto na nya akong pagalitan.

Isang pilit na ngiti ang iginanti ko sa ginawa nyang pag punas ng mga luha ko sa pisngi ko.
Ang pangit ko na siguro ngayon dahil sa pag iyak ko.


"Okey kana ba?" Usal niya ng makitang hinde na ako umiiyak at ayos narin ako.

"Salamat." Tanging nasabi ko lang sa kanya.

"ang dali mong nakahanap ng paraan para hinde ako magalit sayo!" Sambit niya.nagtaka naman ako sa sinabi nya at hinde ko agad iyon nagets."dinaan mo ako sa paiyak-iyak mo para hinde kita pagalitan?"napangiti nalang ako sa naging dagdag nya sa sinabi nya.
Nakuha kona ang punto nya. Hinde ako umiyak para hinde nya ako pagalitan,sadyang naiyak lang talaga ako dahil sa pangalawang pagkakataon may taong nag alala at subrang nasasaktan para sa akin. At sa pangalawang taong iyon ay sya ulit.

Sya ang unang taong nagpakita sa akin ng subrang pag aalala at anjan sya lage para sa akin.pero iniwan nya ako,iniwan nya akong hinde nag papaalam man lang.
Mula noon wala nang nag aalala sa akin,wala nang anjan lage para sa akin.
At ngayon nagbabalik sya,ganon parin sya,tulad parin sya ng dati.


"Bakit hinde mo agad sinabi sa akin belle?" Nag uumpisa na syang mag tanong. Hinde ako magsisinungaling sa kanya. Alam kung alam na nya ang tungkol sa sakit ko.


Loving you |completedWhere stories live. Discover now